Enchong Dee admits relationship with non-showbiz girlfriend

Enchong Dee has a non-showbiz girlfriend! “Matagal-tagal na, wala pang isang taon. See, yun din ang kagandahan pag non-showbiz, unless you tell people no one will find out.”


Sa pictorial ng Once a Princess noong nakaraang Miyerkules, July 9, kinumpirma ni Enchong Dee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang pagkakaroon niya ng non-showbiz girlfriend.

Ang Once a Princess ay pelikulang muling pagtatambalan nila ni Erich Gonzales under Star Cinema and Skylight Films.

Tipid magbigay ng anumang detalye ang aktor tungkol sa kanyang current girlfriend para raw maprotektahan ang pribadong buhay ng kasintahan.

“Yes, I have a girlfriend now, non-showbiz. Matagal-tagal na, wala pang isang taon.

"See, yun din ang kagandahan pag non-showbiz, unless you tell people no one will find out.

“I’m happy na low key lang, siguro just like Erich, it took three years bago niya nai-post yung [photo ng] boyfriend niya [sa Instagram]."

At ganoon din daw ang plano niya...

“It would take time, I’d like her life to be private. I want her life to be away from all the buzz.

“Ayokong magsalita kasi dun nagsisimula yung pag-uusisa ng mga tao pero I don’t know baka na-meet ko sa Star Magic, nandito ba siya sa Pilipinas, I don’t know. Basta Pinay siya.”

Ayon kay Enchong ang pagkakaroon niya ng girlfriend ay hindi niya plinano kundi kusa itong nangyari.

Aniya, “It just happened, it’s not a plan. We saw each other, we talk, we shared numbers.”

Sa ngayon ay nakilala na ng mga kapatid niya ang kasintahan pero hindi pa pala ito nakilala ng mga magulang. Hindi pa rin niya personal na nakilala ang pamilya ng girlfriend.

Dagdag pa niya, “Mga kapatid ko pa lang pero mami-meet din nila yun. Wala naman silang opinyon but they’re proud of me.

“’Di ko pa rin nami-meet ang family niya.”

Isa sa mga artistang mahilig mag-travel, kinuwento ng aktor na hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magbiyahe na magkasama.

Kuwento ni Enchong, “’Di pa kami nabigyan ng pagkakataon but she also flies. Wala pang chance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON DOMINIQUE. Pero bago ang pag-aming ito ni Enchong ay nabalita ang paglabas-labas noon nila Enchong at ni Dominique Cojuangco.

Kinumusta namin sa aktor kung may komunikasyon pa ba sila ng dalaga at kung nanligaw ba talaga siya rito.

“Yeah nung nagpunta ako ng London, sabi niya, “Sayang naman kasi nanood ka ng One Direction.

“Umuwi siya nun ng Pilipinas, sabi ko, “It’s okay, next time. I’m sure she always goes back to London naman.

“Communication? Twitter, ganun.

“We see each other sa mga functions but not dating. No, hindi ako nanligaw,” diin niya

Takaw-pansin ang billboard ni Dominique kasama sina Addie Manzano at Sam Rodriguez. Sinang-ayunan naman ito ni Enchong.

“...She’s growing to be a very beautiful lady,” pagpuri niya.

ON ERICH. Samantala, open book ang masaya at matatag na relasyon ni Erich sa non-showbiz boyfriend nito. Ang aktres pala ang isa sa nagbigay ng idea sa kanya na subukang makipagrelasyon sa isang ordinaryong tao.

Sabi ni Enchong, “Would you believe na si Erich ang nagsabi sa akin na, ’I-try mong mag-non-showbiz kasi it’s more quiet, more fun, more private.’”

Tungkol sa kanilang pelikula, masayang-masaya si Enchong sa kanilang balik-tambalan.

“Seryoso, masaya talaga ako kasi nga ’di ba sa dami ng mga naging loveteams sa ABS-CBN, ’di lahat nabibigyan ng pagkakataon para mag-reunite kayo?

"So ito siguro yung isa sa regalo na bibihirang naibibigay lang sa isang artista.

“Nabigyan kami ng pagkakataon para mag-work ni Erich, masaya, sana magustuhan ng mga patuloy na sumusuporta sa aming dalawa itong pelikula na ito na ginawa namin,” lahad ng Kapamilya actor.

Sa muling pagtatamabal nila ni Erich, nakita niya ang mga positibong pagbabago sa aktres, at alam niyang epekto raw ito ng masayang lovelife.

Ayon kay Enchong, “Siguro right now, I tell people na she’s more secure of herself. Siguro isa ’yan sa bagay na na-provide ng relationship nila. She’s not very worried about what’s gonna happen in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She past that stage, alam niya na secure ako na may mag-aalaga sa akin, masaya ako na may nagmamahal sa akin.

"Work will always be there as long as you give your 100 percent and she’s that kind of person.”

Ngayong pareho na silang may karelasyon ni Erich, wala raw kayang mangyaring ilangan sa kanila kapag may mga love scenes o maselang eskena sa Once a Princess?

Sagot niya, “Hindi, actually nung nagpunta nga ako sa restaurant, The Breakfast Club, yung boyfriend niya ang nag-treat sa akin.

“Alam mo si Erich ang isa sa mga artista na walang ganun. Pag trabaho, trabaho talaga sa kanya.

"And kami ang isa sa mga loveteam talaga na ever since, napapansin ninyo talaga na nagde-daring kami, yung tamang daring.

"Nakakapag-daring kami kasi nga trabaho yun para sa amin. Hindi siya yung, “Ay, ayokong maghubad." Na pag love scene, “Ay, ayoko ng ganito.”

“Kumportable kami sa ganun. Before the relationship, ginagawa na namin.”

Kasama rin nina Enchong at Erich sa Once a Princess si JC de Vera.

Pahabol pa niya, “Yes magaling siya kaya nga marami siyang proyekto.”

PRESSURE DOING THE MOVIE. Aminado naman si Enchong na na-miss niya talaga ang tambalan nila ng aktres lalo’t tatlong taon sila nang huling napanood sa pelikulang I Do.

Hindi rin tinago ng aktor ang agam-agam niya sa ipapalabas nilang pelikula.

Pahayag niya, “Siyempre three years din yun, more than three years din yung nakaraan.

“Siguro to the point like nung nag-start kami, wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan, mag-catch up lang kasi ASAP is not enough pag nagkikita kami.

“Siyempre iba pa rin yung nagkakasama kayo sa set.

“Malaking pressure kasi unang-una, malayong-malayo sa I Do kasi matured.

“Yung I Do kasi, alam mong may manonood kasi nakakatawa, romantic comedy, unang pelikula namin ni Erich so ’di kami masyadong kinakabahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, yung proyekto siguro na pinaka-kinakabahan ako.

“This is a drama film directed by Laurice Guillen. Dun pa lang sa Laurice Guillen, alam mong seryoso, aktingan kayo diyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN