Danita Paner on possibility of being a Kapamilya: “Hindi ko alam pero sana..."

Danita Paner on why it’s taking her so long to find new home network: “Hindi ko nga alam, e. Dito naman sa showbiz kailangan talaga magkaroon ka ng patience. Hindi naman palaging meron, ’di ba?”


Sinadya raw ni Danita Paner na hindi magpa-sexy nang todo sa pagrampa niya sa nakaraang FHM 100 Sexiest Women of the World show na ginanap sa World Trade Center noong July 9.

Naka-one-piece strappy dance suit si Danita sa back-to-back production number nila ni Roxee B.

Nang rumampa na ang lahat ng mga celebrities at models sa kanilang final walk, naka-gold bustier na lang ito at gold tassel skirt.

Paliwanag ng dating TV5 Princess, “Kasi first year ko. Ayaw ko namang mag-todo, unti-unti lang.”

Nakapanayam nang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita pagkatapos ng FHM 100 Sexiest event.

Kabilang sa mga sumuporta kay Danita ay ang ina niyang si Daisy Romualdez na nasa audience noong gabing iyon.

Hindi kaya dahil nanonood ang mommy niya kaya hindi siya gaanong nagpa-sexy? Na baka magalit ito sa kanya?

Mabilis niyang sagot, “Hindi. Actually, ngayon ko lang nalaman na manonood siya. Hindi ko alam na manonood siya. Hindi ko kayang mag-two-piece. Next year na yun.

“Unti-unti lang para at least may makita pa silang bago sa susunod na taon.”

Hindi ba na-disappoint ang mga kalalakihan given the nature of the event?

“Well, being sexy is not about showing more skin. It’s about your projection and how you walk and smile,” lahad niya.

Next year ba pag inalok kang mag-pose, papayag ka nang magpa-sexy?

Sagot niya, “Oo naman. Saka maganda yung concept ngayon ng FHM, iniba nila yung buong magazine. So hindi na siya talaga super hubad.”

Nakipagtalbugan ba siya ng sayawan at kantahan kay Roxee B?

Bulalas niya, “Oo. First sing and dance ko yun. Naloka nga ako.

“Medyo nagulat lang ako. Pero I just did my thing and nag-enjoy naman ang mga tao sa ginawa ko. In-enjoy ko lang yung moment na yun.”

MOVIE. Pagdating naman sa kanyang career, ibinalita ni Danita may ginagawa siyang movie project with Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang sequel ng Moron 5 and the Crying Lady na dinidirehe ni Wenn Deramas, na siya ring nag-direk ng naunang pelikula.

Pagbibidahan pa rin ito ng dating cast kung saan kabilang sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, at DJ Durano. Pero pinalitan na si Martin Escudero ni Matteo Guidicelli.

NO HOME NETWORK YET. Wala pang bagong network na lilipatan si Danita kaya itinanong ng PEP sa kanya kung ABS-CBN ba ang tina-target niya?

Sagot ng dalaga, “Hindi ko alam pero sana. Kung ano yung ibigay na trabaho, go lang ako nang go.”

Bakit siya natatagalan sa pagkakaroon ng bagong home network?

“Hindi ko nga alam, e. Dito naman sa showbiz, kailangan talaga magkaroon ka ng patience. Hindi naman palaging meron, ’di ba?”

Hindi ba niya pinagsisisihan ang pag-alis sa TV5 dahil sa sitwasyon niya ngayon na matagal-tagal ding wala siyang pinagtatrabahuhang network?

“Hindi kasi nung umalis ako sa TV5, kinuha nila ako sa ibang show, yung Beki Boxer. So nakakatuwa dahil naisip pa rin nila ako.”

Ano ang na-realize niya ngayong hindi na siya gaanong ka-active sa TV?

Lahad niya, “Ganun talaga, e. Kailangan mong mag-focus sa ibang bagay para ma-ano yung utak mo.”

Paano naman niya nadi-discover ang sarili nitong mga panahong hindi siya masyadong abala sa acting?

“Ahm, nakapagsulat ako ng mga original songs. Minsan nagpu-produce ako, nagdidirek ako ng mga videos. Mga kung anu-ano lang,” balita niya.

MUSIC. Si Danita ay kasalukuyang mina-manage ng VIVA Inc. Plano nga raw niyang magkaroon ng panibagong album.

Excited niyang saad, “’Yan ang binabalak ko, magkaroon ng album. Yung [band] gig, medyo nakakapagod. Nagkaroon ako ng problema sa vocal.

“Pero this year maglalabas ako ng music video.”

Tungkol naman sa lovelife, wala pa raw boyfriend si Danita.

“Nganga!” na ang ibig niyang sabihin ay zero ang kanyang lovelife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN