Rochelle Barrameda questions hospital transfer of Atty. Gigi Reyes; brings up similar issue related to her sister Ruby Rose’s murder suspect

Rochelle Barrameda on Atty. Gigi Reyes’ recent transfer from PNP General Hospital to the Philippine Heart Center: “I just hope Atty. Gigi Reyes would get well soon at Philippine. Heart Center. I am just reminded of Atty. Manuel Jimenez Jr., one of the principal suspects in the murder of my sister, Ruby Rose Barrameda. He is still confined in the same hospital for almost five years now. He has not gotten well yet."


Sumugod kanina sa Philippine Heart Center ang mga militant groups para iprotesta ang diumano’y special treatment kay Atty. Gigi Reyes na isinugod kagabi, July 11, sa nabanggit na ospital dahil sa pananakit ng ulo at dibdib.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Cristina Guevarra, ang secretary general ng Hustisya (Victims United for Justice human rights group), na malayung-malayo ang sakit na nararamdaman ni Reyes sa mga bilanggo na halos mamatay na pero hindi dinadala sa ospital.

Ayon naman kay Inspector Aris Villaester, ang spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology-NCR (BJMP-NCR), mahina pa ang katawan at palaging natutulog si Reyes, isa sa mga akusado sa plunder case.

May urgency umano ang paglilipat sa kanya sa Philippine Heart Center. Ito ay ayon na mismo sa mga doktor na sumuri sa kanya sa Taguig Pateros District Hospital, kung saan unang dinala ang former chief of staff ni Senator Juan Ponce Enrile, na sangkot din sa plunder case at nakakulong naman sa PNP General Hospital sa Camp Crame.

Kaya naman, kahit wala raw court order, ay pinayagan ito.

ROCHELLE BARRAMEDA SPEAKS UP. Samantala, hindi napigilan ng aktres na si Rochelle Barrameda ang maglabas ng hinaing nang malaman niyang dinala si Reyes sa Philippine Heart Center.

Dito rin naka-hospital arrest si Atty. Manuel Jimenez Jr., ang father in-law ng kanyang kapatid na si Ruby Rose na pinaslang noong March 2007.

Kabilang si Atty. Jimenez sa mga suspect sa pagpatay kay Ruby Rose pero imbes na nakakulong sa isang ordinary jail, limang taon na ang pananatili nito sa Philippine Heart Center dahil sa kanyang mga karamdaman.

“I just hope Atty. Gigi Reyes would get well soon at Philippine Heart Center.

“I am just reminded of Atty. Manuel Jimenez Jr., one of the principal suspects in the murder of my sister, Ruby Rose Barrameda."

Baka raw maulit ang nangyari kay Jimenez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rocehelle, “He is still confined in the same hospital for almost five years now. He has not gotten well yet.

"My family is in a quandary as to what kind of medical attention his doctors are giving him.

“A patient confines himself in a hospital to get well but with Atty. Jimenez case, five years is too long for his ’claimed illnesses’ to get cured!

“Is he making the hospital an escape from prison? He is probably in a comfortable state at the moment.

"I just think that proper authorities should look into this,” pahayag ni Rochelle sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, July 12.

Ilang taon nang kinukuwestion ng pamilya Barrameda ang hospital arrest ni Jimenez. Kasalukuyan nang inaalam ng website na ito ang latest update tungkol sa kaso. Antabayanan ang susunod na report tungkol dito.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na manggagaling sa kampo ni Jimenez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN