Wowie de Guzman says baby girl Alex Rafael gives him strength to overcome his grief

Wowie de Guzman (shown with baby daughter Alex Rafael) tells how her daughter helps to slowly overcome his grief: "...siya ang strength ko. Kailangang isantabi ko muna ang lungkot ko, kasi kailangan ko siyang asikasuhin.”


Isa si Wowie de Guzman sa mga dumalo sa birthday party ng daughter ni Gladys Reyes na si Aquisha.

Ginanap ang party sa Active Fun, Bonifacio Global City kaninang hapon, July 12.

Dala ni Wowie ang nag-iisang anak niyang babae, si Alex Rafael, at kasama rin nito ang kanyang mother-in-law.

Malaki ang pasasalamat ni Wowie sa mga malalapit niyang kaibigang kagaya ni Gladys, dahil tumutulong daw silang makapag-move on siya pagkatapos sumakabilang buhay ang asawang si Sherryl Ann Reyes dalawang buwan na ang nakakaraan.

“Number one, nandiyan ang family ko na na very supportive sa akin, ang mga friends ko na sina Gladys, si Christopher [Roxas, Gladys’s husband] na sinusuportahan ako sa mga pinagdadaanan ko, hindi talaga sila nawawala sa akin,” pahayag ng dating miyembro ng Universal Motion Dancers.

Ngayon ay unti-unti na raw siyang nakapag-move on pero hindi pa niya masasabing fully recovered na siya.

Aniya, “Mahirap talaga, kaya lang suwerte ko nandiyan ang anak ko, e.

“Hindi mo naman puwedeng sabihing maging okay ka agad, e. Talagang malulungkot ka, pero kapag naririnig kong umiiyak ang anak ko, sabi ko nga, siya ang strength ko.

“Kailangang isantabi ko muna ang lungkot ko, kasi kailangan ko siyang asikasuhin.”

STILL MISSING SHERRYL. Naaalala raw niya ang asawa at nami-miss lalo na pag may bagong development sa tatlong buwan nilang anak.

Sabi ng 37-year-old aktor, “Naiiyak ako kapag ang anak ko nakikita ko na may bago siyang ginagawa, nakikita ko agad na kung buhay lang siya [Sherryl], nakikita ko ang ngiti sa mata niya. Kasi pangarap niya talagang maging nanay, e.

“Yun lang ang nakakalungkot, one month lang sila nagkasama ng anak ko.

“Ngayon lumalaki na nga, at every time na tumatawa siya at sumasagot kapag kinakausap mo, naiiyak ako kasi naaalala ko ang wife ko. Siguradong tuwang-tuwa siya,” lahad niya.

Dagdag pa niyang kuwento, “Kapag may ganitong party, naaalala ko ang asawa ko kasi gustung-gusto niya ng mga ganito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung nandito lang siya, siya ang unang tuwang-tuwa sa ganito.”

Ginawang pendant ni Wowie ang singsing ng asawa niya dahil gusto raw niyang lagi itong kasama para lagi rin daw niyang naaalala.

GRATEFUL TO IN-LAWS. Malaking bagay din daw ang suporta at pagmamahal ng mga in-laws niya na kasama pa rin niya sa bahay.

“Napakasuwerte ko na napakabait ng mga in-laws ko. Kahit na wala na ang asawa ko, talagang kinausap nila ako na huwag akong umalis sa kanila, na dapat magsama-sama kami,” kuwento ni Wowie.

“Para sa akin, kailangan ko rin sila, kasi nga kumbaga matagal ko ring nakasama ang mga in-laws ko.

“Hindi ito ang best time para maghiwa-hiwalay kami, lalung-lalo na para sa anak ko. Kailangan niya ng support ng mga lola niya, ng Mama ko, and especially ang family ni Sherryl.

“Talagang anak na ang turing nila sa akin. Ang bait na nila sa akin, nung hindi pa kami kinasal, lalo na nung nagpakasal na kami,” dagdag pa niyang pahayag.

Kaya wala raw talaga sa isip niya ang maghanap ng kapalit o ibang karelasyon dahil sariwa pa ang lahat na pinagdaanan niya at hindi raw niya kayang iwan ang pamilya ng nasirang asawa.

“Hindi ko pa talaga naiisip yun kasi hanggang ngayon, pag natutulog ako, lagi kong dinadasal na kapag magising ako, baka sakaling paggising ko, balik sa normal.

“Of course, marami ang nagsasabing puwedeng mangyari na makahanap ako ng kapalit, pero sa ngayon, si Sherryl pa rin talaga ang nasa puso ko.

“Saka ang priority ko talaga ang anak ko. Siya ang number one na priority ko,” seryoso niyang pahayag.

THANKFUL FOR TV COMEBACK. Malaki rin ang pasasalamat ni Wowie sa GMA dahil binigyan daw siya ng pagkakataong makabalik sa telebisyon at ipagpatuloy ang kanyang acting career.

Kabilang si Wowie sa main cast ng bagong drama series na Mga Batang Yagit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan e siyempre may baby ako. Yung opportunity na binigay sa akin ng GMA-7, nakakatuwa. Hopefully magtuluy-tuloy,” pakli ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN