Piolo Pascual on being single: "It’s hard waking up alone each day... na wala kang katabi."

When Piolo Pascual signed up for another two years with ABS-CBN, he knew he was sacrificing love for work: "For now, trabaho muna. Tapusin ko muna ang kontrata ko. Then later on, I’ll have time for it [love]. That’s why I of think of retirement because I want to be fair to myself, to give myself [time] to be my own person, to be independent and private na hindi po kailangan magtrabaho every day."


Inamin ni Piolo Pascual na malungkot ang mag-isa pero hindi niya mabibigyan ng panahon ang kanyang love life sa puntong ito ng kanyang buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Piolo sa launching ng kanyang anak na si Inigo bilang bagong ambassador ng Sun Life Financial, sa World Trade Center, Sabado, July 12.

Limang taon nang ambassador si Piolo ng nasabing insurance company.

Pag-amin ni Piolo: "It’s hard waking up alone each day... na wala kang katabi, matutulog mag-isa ka lang. Mahirap po talaga.

"Pero sabi ko nga, at least I’m busy.

"’Pag wala akong trabaho, nasa bahay ako, I do my errands, I pay my bills, I go on vacation.

"Pero hindi ko po talaga kayang pagsabayin...

"I don’t have the time and I won’t have the time to be in a relationship right now because even for myself, wala po akong oras... so praktikal lang kumbaga."

Dugtong ni Piolo, pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, "When I signed [a contract with ABS-CBN] for another two years, I said to myself, ’For now, kalma ka muna. Trabaho ka muna. Huwag ka muna magrebelde. Huwag ka muna gumawa ng ibang bagay.’

"So, pinakasalan ko rito yung trabaho ko to make it simpler for me."

Tanggap ni Piolo na pinipigilan niya ang sarili na sumaya sa desisyon niyang isantabi ang kanyang lovelife.

"I am depriving myself [of happiness] pero choice ko naman po ’yon.

"Kasi mas mahihirapan akong ipilit ang isang bagay na wala naman po akong oras.

"For now, trabaho muna. Tapusin ko muna ang kontrata ko.

"Then, later on, I’ll have time for it [love].

"That’s why I of think of retirement because I want to be fair to myself, to give myself [time] to be my own person, to be independent and private na hindi po kailangan magtrabaho every day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON RETIREMENT. Aminado si Piolo, 37, na nasa isip na niya ang pagreretiro sa showbiz. At may maganda siyang dahilan para rito.

"Hindi na ako bumabata. Kung puro trabaho na lang iisipin ko, paano na lang?

"Mamaya 50 [anyos] na ako, ’tapos magpapakabata pa ako.

"So, I wanna be able to enjoy the fruits of my hard work while I’m still young, while I’m still agile na puwede kong sabihin na puwede akong magbakasyon, na I’m at my own pace, na hindi ko iisipin ang trabaho.

"Answerable ako sa kontrata ko, so I wanna be able to enjoy my time and do other things."

Pagpapatuloy niya, "I would wanna be fair to myself also.

"I’ve been in the business for more than half my life. I think I’ve saved enough to last me a lifetime."

Kahit daw mahal niya ang pag-arte, marami pa rin siyang gustong gawin, gaya ng pagpunta sa ibang bansa at ang mapagbigyan ang hilig niya sa sports.

"Siguro marami pang puwedeng gawin sa buhay.

"Hindi sa nagiging ungrateful po ako.

"There came a point in my life masyado po akong na-burnout kaya sa bago kong kontrata, all I’m asking for, at least one day off in a week.

"Kasi when we do a soap or a movie, you only go home to sleep, then you go back to the set the next day.

"Wala akong time sa sarili ko. Wala akong time sa anak ko. Wala akong time sa pamilya ko. Wala akong time para mag-date. Wala akong time para manood ng sine.

"So, feeling ko, I was so deprived.

"Naisip ko talaga mag-retire kasi naisip ko naman, ’Kailangan ko ba ito habang buhay?’"

Kung dati raw ay tanggap lang siya nang tanggap ng mga proyekto, dumating siya sa puntong kailangan na niyang tanggihan ang mga trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tumatanda rin tayo. I wanna be able to have more time for rest, for other things."

Hindi ba siya malulungkot kung tuluyan niyang iiwan ang showbiz?

"Honestly, hindi po," sagot ni Piolo.

"Hindi ko iniisip na mawawalan ako ng isang bagay, because I can divert that passion to something else. You can do something else.

"Hindi naman dito lang ang buhay ko habang buhay."

Gayunpaman, magpapasalamat din siya kung mabibigyan ng pagkakataong magtagal sa industriya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN