Maja Salvador overwhelmed by success of first major concert

Maja Salvador is ecstatic about the unexpected success of her first major concert: “Yun nga po, grabe, iba kapag ang Diyos talaga ang tumupad sa mga pangarap mo. Kasi talagang kinapitan ko lang ang pangarap ko. At talagang ibinigay niya yun. So, mas lalo akong naniwala sa word na believe.”


Naging isang malaking tagumpay ang kauna-unahang major concert ni Maja Salvador, ang MAJ: The Legal Performer na ginanap kagabi, July 12, sa Music Museum.

Punung-puno ang venue at bukod dito, sinuportahan din si Maja ng ilan sa mga kaibigan niya sa industriya tulad nina Ms. Cory Vidanes, Direk Rory Quintos, Robi Domingo, Martin Nievera, Gina Pareño at ang boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson.

Kasama sa mga naging guests sa concert sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Jericho Rosales, Enrique Gil at Piolo Pascual. Naroon din ang bestfriend niyang si Kakai Bautista at ang iniidolo raw ni Maja sa pagkanta na si Jaya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja pagkatapos ng concert at bakas sa mukha niya ang labis na kaligayahan. Bakas pa rin ang luha sa kanyang mga mata habang nagpapasalamat siya backstage sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya sa naturang concert.

BELIEVE.” Ano nga ba ang nararamdaman niya noong mga oras na yun?

“Yun nga po, grabe, iba kapag ang Diyos talaga ang tumupad sa mga pangarap mo.

“Kasi talagang kinapitan ko lang ang pangarap ko. At talagang ibinigay niya yun.

“So, mas lalo akong naniwala sa word na believe.

“Sana po masundan, kasi ang sarap ng pakiramdam na mag-perform sa kanilang lahat.

“At i-share kung anuman yung mga bago mong na-explore or na-discover na talent.

“Hindi man ganoon kaganda yung mga nakikita nila, pero siyempre, may feeling po ako na pag-aralan pa, para mas maging mabuti or mas maging magaling na performer ako,” saad niya.

Posibleng mas malaking venue na ang pagdadausan ng susunod niyang concert pagkatapos ng matagumpay na Music Museum concert?

“Depende po kung may magpu-produce,” natawang sagot naman niya.

Sabi rin niya, “Kasi po, first time sa Music Museum. Tapos, sold-out pa.

“Nakadagdag po yun sa pressure, pero nung nakikita ko na tinatanggap nila ang pagpe-perform ko, mas lalo po akong ginanahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL TO GUEST STARS. Sabi namin kay Maja, naging masaya ang bawat production number niya kasama ng mga special guest stars niya.

Pagsang-ayon niya, “Masaya po talaga na mag-perform kasama ang mga kaibigan mo sa stage at kasama ang iniidolo mo sa stage.”

Nabanggit niya sa panayam niya kay Kris Aquino na ginawa niya ang lahat para maibalik ang paniniwala o pagtitiwala sa kanya ng tao.

“Because of Legal Wife yun,” pagtatama naman ni Maja.

Paliwanag pa niya, “’Di ba, sabi niya, malaking bagay raw ang Legal Wife sa akin?

“Sabi ko, oo. Sana mabigyan nila ko ng chance na makabalik na.”

Sa concert, sinamahan ni Gerald si Maja sa isa sa mga huling awitin niya at nagyakap sila roon.

Nabanggit ni Maja na madalas man silang umiwas sa mga panayam tungkol sa relasyon nila, sobra naman daw kung ipagtanggol siya ni Gerald.

GERALD’S SURPRISE APPEARANCE. Walang duda naman na talagang pagdating sa relasyon nila ni Gerald, pinananatili ni Maja na maging pribado pa rin ito.

Nang banggitin kung alam niyang dadating si Gerald at manonood nga sa concert niya, bigla itong nakangiting nagsalita ng, “Yun na po yun. I love you guys. Thank you for coming.”

Pero tinanong pa rin si Maja kung inaasahan nga niya na manonood ang boyfriend.

“Actually, hindi, hindi namin napag-usapan. Na-surprise din po ako kasi, everyday nagti-taping ng Dyesebel at saka alam ko kanina, may rehearsal siya.

“Siyempre, happy rin naman po ako,” pahabol niya.

Sinabi niya noong presscon niya para sa concert na malamang kakabahan siya kapag nanood si Gerald.

Natatawang sagot niya, “Hayun, kinabahan nga po ako. Nakita niyo naman.”

Pero noong kasama na niya ito habang kumakanta siya, tila nabigay-todo naman niya ang pagkanta.

“Hindi, ganoon po talaga ang pagkanta nun,” natawang sagot niya.

“At saka, nakikita ko si Teacher Annie (Quintos, her vocal coach), ganun siya nang ganun na taasan ko pa,” masaya niyang lahad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN