Jasmine Curtis-Smith ecstatic Robin Padilla is playing a major role in her reality TV show

Jasmine Curtis-Smith is happy that Robin Padilla stayed on and chose to play a big part in her self-titled reality TV show: “You know, he could have picked another project or another show from another network, but tinanggap niya yung sa akin. Sobrang thankful ko lang kasi, it’s a big plus to our show.”


Ngayong episode ng Jasmine ay buong-buo na ngang mapapanood ang lahat ng cast, kasama na si Robin Padilla, ng once-a-week reality series ng TV5.

Lumabas si Robin noong isang Linggo, pero ngayon lang daw maipapakita ang magiging kaugnayan ng aktor kay Jasmine.

Malaki nga ang pasasalamat ni Jasmine na pumayag si Robin na maging bahagi ng show. Ito ang sinabi ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 28 sa taping ng kanyang show sa TV5 Reliance Studio sa Pioneer St., Mandaluyong City.

Ayon kay Jasmine, “Super happy ako kasi, you know, here on TV5, we’re very blessed to have such a great actor and such a well-known actor as part of our show.

“You know, he could have picked another project or another show from another network, but tinanggap niya yung sa akin. Sobrang thankful ko lang kasi, it’s a big plus to our show.”

Magkapatid sila sa management dahil pareho sila ng manager na si Betchay Vidanes.

Maaaring tinanggap ni Robin ang project dahil magkapareho sila ng manager ni Jasmine.

Pagsang-ayon ng aktres, “Yes, of course, of course.

“Pero siyempre, hindi rin niya ‘yan tatanggapin if he didn’t want the role himself, ’di ba? For me, that says a lot already, that he’s already here and he’s actually part of the taping.”

GOOD FEEDBACK. Nakaka-ilang Linggo na rin na umeere ang Jasmine kaya kinumusta namin sa TV5 Princess kung ano naman ang feedback, komento na natatanggap niya.

Patuloy pa niya, “Ako, natutuwa ako. You know, online, we’re very successful. We have lots of people who joined in Twitter hashtags.

“Nagti-trending kami kahit hindi pa airing. Masaya and you can see the effort people are putting para maging successful ang show.

“So ako, I’m happy that my fans are enjoying and people are noticing the show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya siya na ganitong tema ng serye ang una niyang title role?

“Ako, oo,” saad niya.

“Sobrang saya ko kasi, the production is made up of three different components and you really see the hard work that goes into the show, at yung team work, sobrang cohesive.

“We have three different companies working together. Minsan, dalawa pa lang, nahihirapan na. Pero here, we have Unitel, Ace Saatchi, TV5 at lahat kami, coherent ang discussion at kapag nagtatrabaho na, cohesive naman,” pahayag pa niya.

STALKER ISSUE. May nangyari minsan na biglang hindi umere ang Jasmine sa ikalawang episode nito. Ang ibinigay na paliwanag ng director ng show na si Direk Mark Meily ay kinailangan nilang ihinto ang taping dahil sa isang stalker.

Ilang eksena pa raw ang hindi nakukuhanan para sa ikalawang episode.

Sabi naman ni Jasmine, kahit siya ang bida ng serye, wala naman daw siyang kaba o takot na nararamdaman.

Aniya, “Actually, I felt very safe naman. It was just a precaution siguro ni Direk. Kasi, I didn’t know on that day so, I don’t wanna involve myself.

“Ako, wala pa naman akong nararamdaman.”

Dugtong pa niya, “And I feel that my fans are very smart so, I don’t think it will come to that and also, I’m very careful with what I share.

“Kaya alam ko na hindi ever darating sa ganun. And if ever man, surrounded naman ako ng mga safe na tao.

“I’m very well-guarded, so, there’s nothing to be afraid of.”

GUESTING ANNE AND SAM? Fiction-reality ang tema ng serye niya. Ngayong kabilang na si Robin sa Jasmine, hindi ba nila naiisip na i-guest naman ang kapatid niya, si Anne Curtis, at ang boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion?

Nangiti si Jasmine at sinabing, “I’m sure they want that. Pero gusto rin naming mag-stick sa fictional side of the story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang reality side namin yung actress’s life. We don’t want it really complicated and involve real people in my life within the story.

“Teka lang, nasaan na ba ang story, baka it might be too confusing. Although, audiences are smart enough, pero mas gusto naming mag-stick muna sa story.”

ON HER OWN. Sa isang banda, living independently na si Jasmine ngayon. Mahigit isang buwan na rin simula nang umalis siya sa bahay ng Ate niya at lumipat sa sarili niyang condominium unit.

Mas may freedom na nga raw siya ngayon.

Lahad niya, “Hindi naman sa wala akong freedom kay Ate noon, ano lang, parang yung freedom of responsibility, ang lawak.

“When you get home now, hindi lang yung tulog lang ako. Ay no, no… may bills, babayaran ko ngayon. Monthly dues, oh my gosh!”

Noong nasa poder siya ni Anne, hindi niya iniintindi ang mga ganoong bagay?

“Wala, talagang I lived a very, very easy life kay Ate. She really supported me on my first year here and I really needed that.

“Kasi, kung pinagsabay-sabay ko lahat, work, bills and then living alone, baka na-overwhelm ako masyado, baka hindi ko na-enjoy,” pag-amin niya.

Ano naman ang natuklasan niya sa sarili niya ngayong mag-isa na lang siya sa condo at ang P.A. na lang niya ang kasama niya?

“Na maha-handle ko naman palang lahat, na kaya ko naman pala,” nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, “I really like that. Matagal ko nang hinihintay na maramdaman ko ang sense of responsibility on my own. I’m really happy kasi, you know, there’s no one to blame but yourself.”

Halos kumpleto na raw ang gamit sa bahay niya at ang perang pinambili raw niya ng condo at bahay niya ay galing sa tatlong taon niyang pag-aartista.

Nagluluto na rin ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, hindi pa masyado, mga hotdog lang, chicken nuggets,” natawa niyang sabi.

ON BOYFRIEND SAM. Hindi naman itinanggi ni Jasmine na nakaka-bisita sa condo niya si Sam. Nagdadala raw ito ng pagkain at madalas, doon na lang sila nanonood ng movie kesa sa lumabas pa sila.

Aniya, “Mas home person kasi ako, mas nare-relax ako sa bahay.”

All’s well raw sa kanilang lahat ni Sam at ng Ate niya dahil sa naging confrontation isyu noon kay Sam at Anne. Katwiran niya, napalaki lang daw talaga, pero simpleng bagay lang naman daw yun.

Dagdag pa niya, “Lahat naman willing to resolve things, so, napag-usapan kaagad and all’s well. We’re all okay, masaya naman kaming lahat ngayon.”

Kung sakali, gusto rin daw nilang magkasama ni Sam sa isang proyekto. Minsan daw, sinusubukan nilang umarteng dalawa.

“Tina-try namin minsan, pero madalas, natatawa kami. Kaya sabi nga namin, mukhang hindi yata tayo effective na magkaeksena,” natatawa niyang lahad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN