Director Wenn Deramas lashes back at Noranians who call his movies trashy

May sagot ang direktor na si Wenn Deramas sa bumabatikos sa kanya dahil sa hindi pagkakapasok ng pelikula ni Nora Aunor na Whistleblower sa MMFF 2014, samantalang ang Praybeyt Benjamin 2 ng direktor ay nakapsok. Sabi ni Direk Wenn, “Pinalad kami. Hindi sila pinalad. Hindi ko kasalanan yun. At hindi dapat sila naninisi sa mga pumasok dahil pare-pareho lang naman kami ng intention, e, ‘di ba, na sumali sa film festival? Kumbaga


Nag-react ang direktor na si Wenn Deramas sa paninisi sa kanya ng ilang Noranians dahil sa pagkakalaglag ng Whistleblower—pelikulang pagbibidahan sana ng Superstar na si Nora Aunor—bilang isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakapasok naman ang Praybeyt Benjamin 2 na pagbibidahan ni Vice Ganda at ididirek ni Wenn.

Dahil dito, may ilang fans ni Nora na nangba-bash kay Direk Wenn sa social media.

Ayon pa nga sa mga ito, “basura” raw ang sequel ng Praybeyt Benjamin kumpara sa Whistleblower ni Nora.

Read: 2014 Metro Manila Film Fest official entries revealed

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa shooting ng Star Cinema horror film na Maria Leonora Teresa, sa St. Jude Hospital, noong Sabado, July 12, tinanong namin siya tungkol sa natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga tagahanga ng Superstar.

Saad niya, “Hindi ko kasalanan kung bakit hindi pumasok ang Whistleblower sa filmfest.

“Hindi ako yung namimili. Pare-pareho lang kaming nag-submit.

“Pinalad kami. Hindi sila pinalad. Hindi ko kasalanan yun.

“At hindi dapat sila naninisi sa mga pumasok dahil pare-pareho lang naman kami ng intention, e, ‘di ba, na sumali sa film festival?

“Kumbaga, ang tangi lang naming puwedeng sabihin kung bakit kami nakapasok ay dahil tama ang pelikula namin sa okasyon.

“Tama na pampamilya. Masaya kapag Pasko, kasi Pasko yun.

“Sino’ng gustong nagagalit, naiiyak, at natatakot kapag araw ng Kapaskuhan, ‘di ba?”

Patuloy ng box-office director, “Hindi ko sinasabing mali ang pelikula nila.

“Alam natin dapat ang damit natin kapag a-attend tayo ng okasyon. Hindi ka magtu-two piece sa isang debut.

“At hindi porke’t mainstream and commercial ang pelikula namin, meron kaming laging may isinasaisip na makapag-entertain ng tao, ay basura… yung ganoon.

“Kasi unfair yun dahil pinaghihirapan din namin ang pelikula namin, binubusisi, iniisip kung ano ang makakapagpaligaya sa mga tao na manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hintayin nila na gagawa nung talagang mag-e-expect sila na walang papasok sa sinehan, sige.

“Kapag ginawa ko yun, humanda sila.”



NORANIANS. Sa palagay niya, bakit pinagdidiskitahan ng Noranians ang kanyang pelikula?

Ayon kay Direk Wenn, “Oo nga, e… Noranian ang nanay ko, so paano ko aanuhin si Nora?

“Hindi nila alam na ako mismo, e, pinalaking Noranian ng nanay ko.

“Lagi naman yun, for every interview, sinasabi ko naman yun.

“Kung alam lang nila kung gaano ko nirerespeto si Ate Guy.

“Siyempre, hindi naman sa sinasabi ko na ano… damay-damay ‘yan, e.

“Sino ba ang nire-represent si Ate Guy?

“Siyempre, kung gaganunin nila ako, tatawag-tawagin nila ako na ganito akong klaseng direktor…”

Pagpapaalala pa niya, “Direktor ako ni Nora Aunor sa Bituin [2002].

“At siya pa ang nagre-request sa akin for MMK [Maalaala Mo Kaya] niya bago siya umalis ng bansa.

“Siguro naman, kung alam ni Ms. Nora Aunor na pipitsugin akong direktor, hindi naman siya papadirek sa akin. Hindi siya magtitiwala, ‘di ba?

“So, huwag ganoon.

“Hindi rin nila alam ang relationship ko kay Ate Guy. Sobra kaming nagrespetuhan.

“Wala akong puwedeng sabihing hindi magandang ekperiyensa kay Ate Guy during Bituin.

“Dahil sobra-sobrang respeto ang ibinigay ni Ate Guy sa akin. Sobra-sobra yung pagmamahalan naming dalawa.

“So, ibig sabihin, hindi nila ako kalaban. Kakampi nila ako. Kakampi ako ng mga Noranian.

“Nanay ko sobrang Noranian. Hindi ka kakain, kapag bisita ka, kapag siniraan mo si Nora Aunor.

“Alam ni Ate Guy ‘yan, naikuwento ko sa kanya lahat.”

Dagdag ng direktor, “Lahat ng pelikula niya, napanood ko.

“Baka magtanungan kami ng pelikulang napanood at sinuportahan ni Nora Aunor…

“Anim na taon pa lang ako, nanonood na ako ng Blue Hawaii [1972]. E, sila?

“Kaya kong i-enumerate lahat ng pelikulang pinasok ko… nakipagsiksikan.

“Nandoon ako sa debut ni Nora Aunor, limang taon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, sila? Nasaan sila?

“Saka ako mismo… dahil humahanga kami nang husto kay Ate Guy, kay Ate Vi [Vilma Santos], kay Sharon [Cuneta], kay Maricel [Soriano]… lahat ng mga superstars natin, na sobra-sobra rin ang pag-ibig sa industriyang ginagalawan natin.

“Kung gagawa si Ate Guy ng pelikula, ako pa yung numero unong manonood.

“Nanood ako ng Thy Womb, nanonood ba sila? Nilamig ako sa Megamall, anim lang kami.

“At manonood ako ng Hustisya dahil mabait na mabait sa akin si Direk Joel Lamangan.

“Pangalawa, Ricky Lee ‘yan. Pangatlo, si Ate Guy ‘yan.”

Ang Thy Womb ang pelikula ni Nora na naging entry sa MMFF noong 2012, kung saan may entry rin si Wenn—ang Sisterakas.

Ang Hustisya naman ay ang pinagbibidahang pelikula ng Superstar para sa Cinemalaya 2014.



SUPPORT FROM VILMANIANS. Pahayag pa ni Direk Wenn, “’Tapos, sa akin, ano, may relationship with Vilmanians… I’m not comparing, ha.

“Sini-share ko lang na kapag ako’y nangangailangan ng tulong, every movie na ginagawa ako—may Luis Manzano man ‘yan o wala—grabe ang support ng mga Vilmanian.

“Kasi tini-text ako ng mga ‘yan, ini-FB nila ako.

“Pini-PM ako ng mga Vilmanian, ‘O, marami kaming manonood.’

“At nasa premiere night ng mga pelikula ko ang mga Vilmanian.

“At ganoon din ako, kapag may pelikula si Ate Vi, every promo, ‘pag premiere night, nandidiyan ako, yung ganoon.

“Kasi maliit lang ang industriya na ginagalawan natin pare-pareho, e.

“So, ibig sabihin, puwede ko rin ‘yan gawin lalo na kay Ate Guy.

“Pero kung ginaganyan nila [Noranians] ako, siyempre iiwas ka.

“Maski papa’no, kunwari meron akong limang libo na kamag-anak na mabubuyo ko na, ‘Oy, manood kayo.’ Susunod, ‘di ba?

“Kahit kami nina Vice, ni Ai-Ai [delas Alas], puwede yun, e. Magtulungan tayo dahil pare-pareho naman kaming naniniwala sa galing ni Ate Guy.

“Pero kung ganyan ang ginagawa nila, maingay lang sila, pero hindi naman sila yung pumupuno ng mga sinehan, na kailangang-kailangan ni Ate Guy nowadays…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag ganoon,” pakiusap pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN