KC Concepcion deeply hurt by pregnancy rumor; explains day trip with Paulo Avelino in Baguio City

KC Concepcion appeals to rumormongers: "Huwag niyo naman pong ulitin ang rumor na yun kasi wala po talagang katotohanan ... ‘Wag naman po lalo na kapag pamilya ko na ang nagtatanong, yun po ang masakit sa akin.”


Sa pagbabalik ni KC Concepcion mula sa matagal-tagal ding paglalagi niya sa ibang bansa, muli siyang pumirma ng dalawang taong kontrata sa Kapamilya network.

Kasama sa kontrata ni KC ang pagiging bahagi niya sa umeereng primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang, na pinagbibidahan nina Coco Martin, Kim Chiu, at Julia Montes.


Pero bukod sa bagong kontrata at proyekto, sinalubong din si KC ng kontrobersiya.

Ito ay may kinalaman sa mga larawan nila ng rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino na kuha sa Baguio City, ang hometown ng aktor kunsaan naninirahan ang pamilya nito.

Sabi ni KC sa The Buzz 15, “May mga times din na medyo... parang gusto kong maglakad.

"Gusto kong... ‘di ba, yung maramdaman ko lang na normal ako.

"I mean, hindi ako natatakot na maglakad sa street of Manila, yung ganun.

“And napag-usapan lang namin [ni Paulo] one time and nagplano siya na parampahin ako sa Session Road.

"Pero day trip yun, actually."

Pag-amin din niya, “Pero kinabahan ako kasi first time ko rin na walang maraming kasama.”



NOT PREGNANT. Sinagot na rin ni KC ang isyung nabuntis daw siya.

Saad niya, “Yung fact na umiikot na yung pregnancy rumor na yun, parang dumating kasi sa point na 18 years old pa lang ako, nandoon na yung isyu na yun.

"Pakiramdam ko na sobrang wala talagang katotohanan.

"Ayan, ha, para klaro sa lahat, sobrang wala talagang katotohanan.

“Never ho, ever, nabuntis ako sa buong buhay ko at lalong never ho akong nagpa-abort.

"Hindi nga ako nabuntis, paano akong magpapa-abort?"



PLEASE STOP. Maski raw ang ina niyang si Sharon Cuneta at ang kanyang mga kapatid ay nagtatanong na rin.

Sabi ni KC, "Pero siyempre, nasasaktan din ako kapag mommy ko na ang nagtanong or kapatid ko na ang nagtanong.

"Parang doon ako nahihirapan, sa totoo lang.

"Kasi parang paulit-ulit na lang na tinatanong sa akin at parang paulit-ulit din naman ako nagde-deny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun naman ang totoo, kaya parang ‘wag naman po, please… nagmamakaawa po ako sa inyo.

"Huwag niyo naman pong ulitin ang rumor na yun kasi wala po talagang katotohanan.

"At saka, masakit din po for my sisters para maisip pa nila na ganun, ‘di ba?

“Parang, huwag naman po, lalo na kapag pamilya ko na ang nagtatanong, yun po ang masakit sa akin.”

MALICIOUS. Sinagot na rin ni KC maging ang malisyosong isyu na diumano’y anak daw niya ang mga kapatid na sina Miel at Miguel.

Ayon kay KC, “Kung hindi naman nagpa-abort, so nanganak nga.

"’Tapos anak niya is yung kapatid niya. Kung hindi si Miel, si Miguel naman.

“Parang ano ba naman kayo, nagtatrabaho lang ako dito.

“Pati rin naman siguro sila, nagtatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN