Andrea Torres loveless for more than two years now

Andrea Torres prioritizes career over lovelife: “Kapag in love ako, nakakalimutan ko ang ibang bagay sa buhay ko, tutok ako sa lovelife. Ayoko na ng ganun kasi importante ang career ko more than anything else. ’Tsaka wala naman pong nanliligaw sa akin. Kung meron man, hindi ko siya magiging priority.”


Muling pinabulaanan ng Kapuso actress na si Andrea Tores ang hindi pa rin matapus-tapos na isyung nag-uugnay sa kanila ni Sef Cadayona.

"Si Sef pa rin talaga?" natatawang sabi ni Andrea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng pagbibidahang niyang telefantasya sa GMA, Ang Lihim Ni Annasandra, noong July 11 sa GMA Network Center.

Diin pa niya, “Friend lang talaga si Sef.

"Magkakilala na kami noon-noon pa bago pa ako nag-showbiz.

“Never naman siyang nanligaw sa akin, e. Close lang talaga kami.

“Nabigyan lang ng kung anong interpretation ang pagiging close naming dalawa dahil sa nagkasama kami sa Sunday All Stars.

“Ngayon kasi, wala nang mga grupo-grupo sa SAS, kaya hindi na rin kami madalas magkita ni Sef.

"Unlike before, magkagrupo kami, nagkikita kami sa rehearsals. Ngayon, hindi na madalas."

LOVELESS. More than two years na raw walang nakakarelasyon si Andrea.

Wala naman daw nagbabawal kay Andrea na magkaroon ng boyfriend. Siya na raw ang nagbigay ng sariling restriction sa pakikipagrelasyon.

Paliwanag niya, “Kilala ko kasi ang sarili ko, e.

“Kapag in love ako, nakakalimutan ko ang ibang bagay sa buhay ko, tutok ako sa lovelife.

“Ayoko na ng ganun kasi importante ang career ko more than anything else.

“’Tsaka wala naman pong nanliligaw sa akin.

“Kung meron man, hindi ko siya magiging priority.”

Kailan kaya siya magiging handang ma-in love ulit?

Sagot ni Andrea, “Kapag dumating na ang tamang guy sa tamang panahon.

“Huwag lang ngayon dahil may trabaho tayo at kailangan doon ako naka-concentrate.

“Kung sino man siya, sana nandiyan lang siya at naghihintay sa akin.

"Magtatagpo rin kami when the timing is right."

SLIMMING DOWN. Samantala, ang pagpapayat daw ang unang ginawa ni Andrea bilang paghahanda sa kanyang role bilang Annasandra.

Nagli-lift daw siya ng weights para magkaroon ng definition ang kanyang arms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More on weight lang talaga ako. Hindi ako puwede sa full workout.

“Hindi naman daw kailangan na may mga muscles ako.

"Kailangan yung slim lang ako kasi may mga backless scenes ako.

“Mas gusto ko nga po ang dancing kesa sa mag-cardio exercise ako.

“I am thinking of taking up pilates or mag-spinning class ako.

"Gusto ko yung enjoy ako sa exercise para hindi ko naiisip yung pagod.

“Ngayon ay nagda-diet ako at malaki na ang nawala sa timbang ko from last time.

“I’m down two dress sizes na kaya medyo confident na tayo magpaka-daring!” natawang sabi Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN