Bea Binene determined to keep her lips sealed about relationship with Jake Vargas: "Less talk, less mistake."

Bea Binene sets her sight on taking up Mass Communications after high school as it her dream job to follow in the footsteps of her favorite news anchors Mel Tiangco and Arnold Clavio.


Hindi nakadalo si Bea Binene, 16, sa simpleng birthday celebration ng boyfriend niyang si Jake Vargas, 22, noong July 9.

Pero isang araw bago ito, may birthday surprise daw ang young actress para sa kasintahan

“Basta sinurprise ko siya, bumati ako ng ’Happy Birthday.’ Yun na lang,” sabi ni Bea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 13, sa Sunday All Stars.

Bakit kailangang magkunwari siyang galit na inaaway-away pa si Jake noong sinorpresa niya ito?

“Para may thrill!” sabay tawa ni Bea.

Paano ba yung surprise na ginawa niya for Jake?

“Huwag na nating pag-usapan, basta sinurprise ko siya, okey na ‘yon!

“Huwag na, gusto kong maging private na lang ang tungkol doon, opo.”

Bakit naman?

“Wala lang, kasi parang… hindi ko alam.

“The more I talk, the more na maraming lumalabas pa na kung anu-ano, so ’yon!

“Basta sinurprise ko, bumati ako ng ’Happy Birthday.’

“Mas gusto ko na hindi na lang magkuwento.

"Less talk, less mistake.

“Ayoko na pong magsalita kasi kahit na anong sabihin ko, maraming sasabihin yung ibang tao.

“Kaya ayoko nang magsalita. Basta sa akin, I’m living my life.

"Yun na lang, ayoko na pong magsalita ng kahit na ano, kasi nga the more people will…

"Kung sabihin naming masaya kami... ewan ko, basta ayoko nang magsalita.”

DREAM JOB. Wala pa rin daw bagong soap na gagawin si Bea sa GMA.

Bagamat nagkaroon siya ng guest role sa Carmela, ang huling regular soap niya ay ang Home Sweet Home noong isang taon pa,

Totoo bang ilang beses na siyang may tinatanggihang show na para sa kanya sana.

Sabi ni Bea, “Naku, hindi po ganun ‘yon! I just gave way.

“Bakit ko aayawan, e, blessing ‘yan, ’di ba? So, it’s not that.

“It’s just I gave way and… wala, tapos na ‘yon, case closed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Sunday All Stars, regular din siyang napapanood sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko, na pinagbibidahan ng mag-amang Vic Sotto at Oyo Sotto.

“’Tapos meron po akong Good News, News and Public Affairs program siya.

“Kasama ko si Ms. Vicky Morales, every Monday siya sa GMA News TV po.”

Natutuwa raw si Bea na bukod sa singing at acting, nabigyan din siya ng oportunidad na maging bahagi ng isang public affairs show.

“Well, kasi ako po, gusto ko naman talagang mag-report.

"Ang Good News po, sa dami ng problema sa bansa, sa dami ng problema ng mga Pilipino, parang humahanap kami ng mga reasons why Filipinos should smile.

“Feel good lang, informative.

“Ako, gusto ko po talagang maging reporter or news anchor.”

Third year ngayon sa high school si Bea at gusto raw niyang kumuha ng kursong Mass Communication pagtuntong niya ng college.

Sino bang news and public affairs personality ang gusto niyang sundan ang footsteps?

“Gusto ko po si Tita Mel [Tiangco]. Favorite ko rin po si Tito Arnold [Clavio],” sabi niya.

SONG ALBUM. Ano naman ang update sa kanyang recording career, ang ibang mga plano kasunod ng paglabas ng kanyang second album na Dito Sa Puso Ko?

“Balak po naming i-repackage ‘yon,” pagtukoy niya sa kanyang pangalawang album.

“Dadagdagan po namin ng songs, ganun.

"Actually, nagmi-meeting pa lang po kami ng Polyeast Records [producer ng kanyang album].”

Kailan naman ang pagkakaroon din niya ng concert?

“Naku, hindi po ‘yan mawawala sa mga pangarap ko.

"We never can tell, kung gusto ni Lord, darating ‘yon,” sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN