DJ Tom Taus willing to try acting again: “It depends on the good role.”

When asked if he is willing to do acting projects, former child star Tom Taus said, “I would consider acting, it depends on the good role. I don’t wanna do just any project. I haven’t acted in a long time, so if I’m gonna do something, I want it to be really good.”


Pumirma ng management contract ang dating child star na si Tom Taus sa Viva Artists Agency (VAA) kahapon, July 14.

“Things go really fast, so I decided to work on some projects here and at the same time go back to L.A. to do some shows, back and forth,” sabi ni Tom sa maiksing panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang naimbitahang entertainment writers matapos siyang pumirma ng kontrata.

Subalit hindi katulad ng kanyang ate na si Antoinette Taus—na pumirma rin kamakailan ng three-year management contract sa Viva—magiging pabalik-balik daw si Tom sa Manila dahil tuloy pa rin ang career niya bilang DJ sa Los Angeles, California.

Saad pa niya, “Honestly, itong trip na ‘to has been really good.

“I was able to see my family and my old friends back in the days.

“It’s very productive. I feel like it’s a good move that I was going with the flow.

“I think I would be based here but L.A. will be my second home.”

Bago raw ang pagpirma niya ng kontrata ay nakapag-usap sila ng head ng VAA na si Veronique del Rosario-Corpus kung ano ang gusto niyang gawin ngayong nagbabalik siya sa local showbiz.

Sabi ni Tom, “Ang napag-usapan namin ni Ate Veronique, well, the music is my first love, so I wanna focus on the music side.”

Dahil matagal siyang nawala, aminado si Tom na kailangan niya muling ipakilala ang sarili sa publiko, lalo pa’t nag-iba na siya ng career ngayon.

“I feel like I’m just starting to enjoy the Philippines again.

“You know, matagal kasi akong nawala, so parang it’s nice to be able to do what you want and go to the places you haven’t been to before.

“I’m really enjoying this trip now and I’m trying to establish myself again in terms of working.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TRY ACTING AGAIN. Bagamat mas focused na siya sa pagdi-DJ, hindi naman isinasara ni Tom ang kanyang pintuan sa muling pagsabak sa pag-arte.

Handa raw siyang gumawa ng teleserye, pelikula, at kahit indie film.

“I would consider acting, it depends on the good role. I don’t wanna do just any project.

“I haven’t acted in a long time, so if I’m gonna do something, I want it to be really good,” pahayag ni Tom.

Dagdag pa ng dating child actor, na nakilala sa pelikulang Cedie, “I haven’t thought of the acting part that much.

“But I would definitely consider good character roles.

“It doesn’t matter kung kontrabida or bida.

“It has to be a good challenging role na maipagmamalaki mo.”

Sa ngayon, gusto munang tingnan ni Tom kung anu-anong oportunidad ang darating sa kanyang habang nandito sa Pilipinas.

“I’m going with the flow of things.

“I don’t like forcing things. I don’t like to try to control where I go.

“I just go with the flow when I feel like it’s what meant to be depending on what comes my way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN