Dingdong Dantes not pressured despite overwhelming requests from fans for him to marry Marian Rivera

Dingdong Dantes says family is very sacred to him: "Para sa akin, ang purpose ng isang tao rito sa mundo, e, para paramihin ang kanyang lahi, ang kabiyayaan ng Panginoon."


Hindi napanood si Dingdong Dantes ang pagrampa ng kasintahan niyang si Marian Rivera sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World noong July 9 sa World Trade Center.

Si Marian ang muling itinanghal na Sexiest Woman sa ikatlong pagkakataon.

Noong 2008 at 2013 ay hindi rin nanood si Dingdong ng pagrampa ni Marian.

Read: Marian Rivera receives overwhelming response from FHM Nation; sets new record as three-time Sexiest Woman

Sabi ng Kapuso Primetime King, “Ever since, nagkakataon talaga na hindi ako nakararating.”

Pero gusto ba niyang mapanood nang personal si Marian habang rumarampa?

Sagot niya, “Kung may chance siguro, walang problema.

“Kung wala man ako dun, sinigurado ko naman na yung presence ko ay felt.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa pocket presscon ng GMA primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real noong July 10.



FLOWERS. Hindi man dumalo ay nagpadala si Dingdong ng napakalaking bouquet of flowers kay Marian sa mismong araw pagrampa nito.

Ipinost pa nga ni Marian sa kanyang Instagram account ang larawan ng ipinadalang bulaklak ni Dindong.

May kasamang dedication card ang mga bulaklak ngunit hindi na ito ipinost ni Marian, pero inamin ng aktres na kinilig siya sa nilalaman nito.

Ano ba ang nakalagay sa letter niya at kinilig si Marian?

“Hindi ko alam, e,” nangingiting sagot ni Dingdong.

“Siguro tanungin niyo na lang siya kung bakit siya kinilig.

“Siguro it’s just more on inspiring her to enjoy the night, ganun lang.”

Hindi ito ang unang pagkakataong nag-post si Marian ng mga bulaklak na ipinapadala sa kanya ni Dingdong.

Talaga bang palagi niyang pinadadalhan ng bulaklak at binibigyan ng letter si Marian?

“Hangga’t maaari, kung puwede,” sagot ng aktor.

Sa loob ng limang taong relasyon nila, paano niya nagagawang pakiligin pa rin si Marian?

Saad ni Dingdong, “Ano naman ‘yan, e, as long as yung intention mo ay pure, as long as ang intention mo ay sincere, kahit na abutin pa ng isang daang taon ‘yan, hindi mawawala ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Palagi nga, e, minsan, kapag nagsisimba ako, nakakakita ako ng old couple.

“Alam niyo, minsan kasi, kapag dating ng panahon, ‘yang mga anak, tatanda, magkakaroon ng sariling pamilya.

“But, at the end of the day, sila [couple] pa ring dalawa ang magkakasama.

“Nasa harapan ko, nakikita ko minsan, sweet pa rin sila. Yung ganun…”

Ganoon din ang gusto niya kung sakali?

“Hindi naman, pero ibig sabihin, hindi talaga sukatan kung gaano katagal.

“The fact na magkasama pa rin sila hanggang ngayon, it means espesyal talaga ang samahan nila.”



FAMILY-ORIENTED. Sa mga salita ni Dingdong ay mahihinuha kung gaano kaimportante sa kanya ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya.

Nag-iisip na rin ba siyang bumuo ng sarili niyang pamilya?

Tugon ng 33-year-old actor, “Well, I guess, it also comes with age.

“I think, kanya-kanya rin ng pinanggagalingan. Kanya-kanya ng priorities. Kanya-kanya ng disposisyon.

“Nagkataon lang na, sa akin, very sacred ang pagkakaroon ng isang pamilya.

“I guess, yun ang kinalakihan ko and, para sa akin, ang purpose ng isang tao rito sa mundo, e, para paramihin ang kanyang lahi, ang kabiyayaan ng Panginoon.

“Naniniwala ako dun.”

Nakakaramdam ba siya ng pressure tuwing tinatanong o sinasabihan ng kanilang fans sa social media na magpakasal na sila ni Marian?

Natawang sagot ni Dingdong, “E, noon pa naman, kahit wala pang Instagram, hindi pa sikat ang Instagram, meron nang ganun.

“So, wala na. Wala namang pressure.”

Pero aniya, “At least, nagpapasalamat din naman ako na interesado silang mag-flourish pa ang samahan namin.

“I look at it at that context and, with that, nagpapasalamat ako sa lahat.”



MMFF MOVIE. Kinamusta rin ng PEP kay Dingdong ang ginagawa niyang pelikula ngayon, ang Kubot: The Aswang Chronicles, na official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sabi ng Kapuso actor, “Magre-resume na ako ng shooting, pero sila, tuluy-tuloy naman ang shooting nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga araw kasi na wala rin ako.”

Ngayong taon, magkakatapat sila ng dati niyang co-star sa MMFF 2011 entry na Segunda Mano, si Kris Aquino.

Si Kris ang bida sa Feng Shui 2, na horror din ang tema katulad ng Kubot.

Sabi naman ni Dingdong, “Well, para sa akin, I would like to categorize yung entry namin as adventure-horror-comedy.”

Mas lamang ba sa kanya ang excitement kaysa pressure sa pagsapit ng MMFF ngayong taon?

“Oh, yeah! ‘Eto ha, excited ako sa turnout ng filmfest last year, which reached almost one billion [pesos].

“Na ako, this year around, will exceed one billion, mukha, ha…

“So, masaya ako sa aspeto na maraming taong nanonood kaya siya festival.

“So, at the very least, nagpapasalamat ako na nakasama kami sa lineup.”

Ang GMA Films pa rin daw ang magre-release ng Kubot: The Aswang Chronicles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN