Phil Younghusband on dating again: "I’m not thinking about it right now."

Phil Younghusband explains why he doesn’t have an ideal girl. “I have no preference. As I said, everything happens for a reason. You can’t plan things or go looking for things specifically," says the Azkals star striker in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Single and available.

Ito ang relationship status ng Azkals striker na si Phil Younghusband.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, sinabi ni Phil na wala pa siyang bagong idine-date ngayon.

“No, I’m not dating anyone. I’m not thinking about it right now,” nakangiting pahayag ni Phil.

Matatandaang naghiwalay si Phil at ang dating girlfriend niyang si Angel Locsin noong October 2013.

Hanggang ngayon ay parehong tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa tunay na rason ng kanilang hiwalayan.

Si Angel ay nakipagbalikan sa dati nitong boyfriend na si Luis Manzano.

Sa parte ni Phil, tila naka-move on na rin naman siya, lalo pa’t madalas ang laban ng Azkals sa labas ng bansa.

Bagamat hindi nagdetalye si Phil tungkol sa nakaraan niyang relasyon, iginiit niya na ang mahalaga ay mayroon siyang natutunan sa mga pinagdaanan niya.

“Everything happens for a reason.

"And it’s important to think positive and to concentrate on the good to make sure things are better for you.”

NO IDEAL GIRL. Tinanong ng PEP si Phil kung ano ang hinahanap niyang katangian ng babae kung sakaling magdesisyon siyang pumasok muli sa isang relasyon.

Pero ayon sa football player, bukas siya sa anumang posibilidad pagdating sa kanyang buhay-pag-ibig.

“I have no preference.

"As I said, everything happens for a reason. You can’t plan things or go looking for things specifically.

“If it happens, it happens. If you find someone you fall in love with, then it’s meant to be.”

Habang wala pa siyang nakikitang potential girlfriend ay tuloy pa rin sa pag-ipon ng pera si Phil, dahil pagdating ng tamang panahon ay gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

“That’s one thing I learned from my mom and dad even when I was 10 or 11 years old.

"It’s important to save your money and make sure you look after it because you have to plan for the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And my brother James and I got our little sister. So, we have to make sure her future is secure.

“At the same time, James and I both want families of our own in the future, so we need to make sure we can provide for them.”

Ulilang lubos na ang magkakapatid na Younghusband.

BONDING WITH LITTLE SISTER. Ngayong nakabakasyon ang Team Azkals, ibinahagi ni Phil na mas madalas niyang makasama ang nakababata niyang kapatid na si Keri, 14.

“We have a little break for now. But we’re gonna start training in August again for the exhibition games that same month.

“So, for now, I try to spend time with my sister.

"We go to the mall. We go to the cinema."

Nilulubos din ni Phil ang kanyang bakasyon para makapagpahinga nang husto.

Nanghinayang nang husto ang Azkals star striker nang mabigo silang masungkit ang huling slot para sa gaganaping Asian Cup sa 2015.

Ito ay sa kadahilanang natalo ng Palestine ang Azkals sa ginanap na finals ng AFC Challenge Cup noong Mayo.

“We got better and better.

"The most important thing to look back on is the fact that we’re constantly improving.

"So, if we continue to do that then that’s good," saad ni Phil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN