Luke Jickain willing to leave modelling world to concentrate on acting

Wala raw uurungang role ang model turned actor na si Luke Jickain, kahit na gay role. Paliwanag niya, “Sabi nga, ‘di ba, if you’re a good actor, wala kang role na hindi kakayanin, lalo na’t if kinakailangan ng istorya... As long as kaya ko, I will go for it.”


Mula sa pagmumodelo ay mas gusto na ngayong pagtuunan ng pansin ni Luke Jickain ang pag-aartista.

Handa rin daw talikuran ni Luke ang pagmumodelo para maging ganap na aktor.

Saad niya, “Minsan nga, may tumatawag sa akin, pero tinatanggihan ko na.

“Hindi naman sa hinihindian ko sila, kaya lang iba na kasi ang priority ko.

“Sinasabi ko sa kanila na ginawa ko na siya for how many years kaya, this time, acting naman ang gusto kong mag-focus.

“At kahit nga first love ko yung ramp, pero nadaanan ko na siya nang matagal, so iba naman ang gusto kong subukan.

“Lahat tayo naggu-grow up at kailangan ko mag-grow.

“And, right now, acting naman ang gusto kong gawin at hindi na modelling.”

Dagdag niya, “Hindi naman forever model ka.

“Ginawa ko siya kasi hindi ako puwede mag-artista, kasi ayaw ng parents ko.

“Pero ngayon na puwede na, pag-aartista naman ang gagawin ko.

“Para sa akin, yung ramp, naging stepping stone ko kung nasaan ako ngayon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luke sa isang pocket presscon noong July 10.

READY TO BARE. At dahil sa karanasan ni Luke bilang isa sa top male models ng bansa, hindi raw siya magbibigay ng limitasyon kung sakaling offer-an siya ng daring roles.

Pahayag ng model turned actor, “Alam naman natin na sa modelling, pagdating sa paseksihan, e, normal na sa amin ‘yan.

“Yung pagsusuot ng brief or boxers, normal na sa amin ‘yan, kaya kayang-kaya…”

Payag din daw siyang gumanap ng gay role.

Sabi ni Luke, “Wala ring problema sa akin kasi I know myself… everybody knows me na hindi bading, kaya walang problema.

“Kasi, when I started as a model, karamihan diyan, bading—from the make-up artist, stylist, director, choreographer, caster, even photographer.

“So, sanay na ako sa kanila.

“Kaya if they will give me a gay role, sisiw na sa akin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mas mahihirapan pa ako if ang role na ibibigay sa akin, drug addict o role na mentally retarded.”

Wala rin daw problema kay Luke ang kissing scenes sa kapwa niya lalaki.

Paliwanag niya, “Sa akin kasi, tingin ko doon, trabaho.

“Hindi ka naman ganun in real life and we know na it happens in real life.

“Lalaki man ‘yan o babae, ang halik ay halik.

“It’s a normal thing, depende na lang sa iisipin ng tao.

“And besides, trabaho lang naman yun.

“Sabi nga, ‘di ba, if you’re a good actor, wala kang role na hindi kakayanin, lalo na’t if kinakailangan ng istorya.

“Para sa akin, I really don’t see anything wrong about it.

"Actually, pagdating sa work, hindi ako nagbibigay ng limit. As long as kaya ko, I will go for it.

“Kasi ’pag nagbigay ako ng limit sa role na gagampanan ko, hindi ako actor.”

IDOLS. Tatlo raw ang hinahangaang aktor ni Luke—sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, at Derek Ramsay.

“Kasi they all started sa pag-aartista na late, pero they made it.

“And pareho silang good actors.

“So, hopefully, ganun din ang mangyari sa akin, makilala din katulad nila.”

Bagamat mas okay kay Luke na gumanap bilang kontrabida, gusto rin daw niyang subukan ang magbida.

“Para hindi naman ako nata-typecast na kontrabida.

“Pero kung ako papipiliin, mas nag-e-enjoy ako bilang kontrabida.

"Kasi alam naman natin na mas bankable ang mga kontrabida… mas maraming trabaho.

“Sa akin, kahit ano pa’ng ibigay sa akin, okey lang.

"Ang mahalaga naman sa akin, may trabaho—bida man siya o kontrabida."

Bago siya maging bahagi ng Beki Boxer, napanood din si Luke sa mga TV5 series na Misibis Bay at Madam Chairman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN