Ellen Adarna on rumored sex video: "Ipakita na lang muna nila before sila magkalat."

Ellen Adarna on being a Kapamilya: “Compared to before, ang laki ng difference. I think also, nakilala ako sa soap ng ABS. At saka iba ang audience ng ABS, mas marami silang fans.”


Sa panahon ngayong mabilis nagiging viral ang mga litrato at videos, hindi na kataka-taka kung mapabalitang may isang artista na diumano’y may nude photo o sex video.

Sa kaso ng sexy star na si Ellen Adarna, paano niya iha-handle kung sakaling may lumabas na diumano’y nude photo o sex video niya?

Sagot niya, “Nude photos? I have nude photos from photo shoot.

“Videos? I don’t have.

“Ipakita na lang muna nila before sila magkalat.

“But I’ve done photo shoot even before I started showbiz.

“Nude siya, pero hindi mo malalaman na ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Bench Body, kagabi, July 14, sa basement ng Bench Tower, sa The Fort, Taguig City.



SEXY VIDEO. Mayroon ding exercise video si Ellen, kung saan nagwu-workout siya nang walang bra. Naging viral na rin ito.

Pero natatawang pambubuko ng Moon of Desire actress sa sarili, “Kung alam lang nila kung ano ang ginamit kong pangtakip nun, Band-Aid! That’s my secret!”

Dugtong pa niya, “At saka, that wasn’t mean to be viral.

“Hindi namin ini-expect na naging viral yun, kasi we did it for fun—me and my friends.

“That’s for film school. At hindi ko inakala na magiging viral yun.

“Hindi naman ako nag-nude. Pero wala siyang sports bra.”

Sabi pa ni Ellen, “E, kasi naman, my boobs are fake!

“So, hindi siya masakit, kasi hindi siya totoo.

“Hindi ko alam kung bakit nagiging isyu sa mga tao na masakit daw, e, hindi naman.”

Ngayong sumisikat na siya, gagawin pa rin ba niya ang mag-nude pictorial?

Sagot niya, “It depends, it depends. Kung gusto ko ang project.

“Hindi naman porke’t nag-level up ng konti, choosy ka na.

“It really depends sa concept.”



NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Present sa launch ni Ellen bilang Bench Body endorser ang non-showbiz boyfriend niyang si Raoul Olbes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Ellen sa boyfriend, “Yes, he’s very proud and supportive.

“Wala naman akong masabi about nagseselos or anything, wala…”

Hindi nagseselos ang boyfriend niya kapag maraming lalaking nakatingin o nagnanasa sa kanya.

“Wala naman, e, okey lang sa kanya,” sabi niya.

Twenty-six na ngayon si Ellen. May plano na ba siyang magpakasal?

“Wala, hindi pa. When I’m 30 na. Four years from now.”

Nakahanda namang maghintay ang boyfriend niya?

"Why not, love is patient!" natatawang sagot niya.

Nakilala na rin daw ng kanyang mga magulang si Raoul.

Kung sakali, okey lang ba sa kanyang mas mauna ang baby kaysa kasal?

“Oo, mas gusto ko,” sagot ni Ellen.

“Lumaki akong sinabi ng daddy ko na, ‘Huwag ka nang magpakasal, mag-baby ka na lang.’

“At first, gusto kong magpakasal, noong bata pa ako.”



ELLEN’S PARENTS. Sa kabila ng mga magagandang nangyayari sa career ngayon ni Ellen, tila “dedma” lang daw ang mga magulang niya sa Cebu.

Natatawang sabi niya, “Dedma sila… dedma talaga sila!

“My mom lang, tumatawag once a week, nangangamusta.

“And then, yun lang… kung ano ang nangyayari sa akin.”

Hindi niya nakikitaan ng excitement ang mga magulang sa kanyang blooming showbiz career?

“Wala, lalo na yung daddy ko!” natawang sabi ni Ellen.

Pero paglilinaw niya, “You know, hindi naman sila yung walang pakialam.

“But, I think, they are proud of me in a way na, yung mommy ko, compared to before, almost every day tumatawag.

“Sinasabi na, ‘Umuwi ka na, wala ka namang ginagawa diyan.’

“Ngayon, once a week na lang kasi, feeling ko, alam niya na I’m doing something productive. I’m busy.”

Pinapanood ba ng kanyang mga magulang ang teleserye niya ngayon sa Kapamilya network, ang Moon of Desire?

“Actually, hindi niya sinasabi yun at saka hindi rin ako nagtatanong.

“Ang weird, e, ang weird. Ang tinatanong lang nila, kailan ako uuwi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO REGRETS. Ngayong mas nakikilala na siya, hindi raw pinagsisisihan ni Ellen na itinuloy niya ang pag-aartista imbes na bumalik na lang siya sa Cebu.

“Oo, kasi wala rin naman akong ginawa masyado dati.

“Parang maraming time na idle. Parang floating lang.

“Puro lang ako exercise noon.”

Nararamdaman ba niya ang magagandang nangyayari sa kanyang career ngayon?

Sabi ni Ellen, “Compared to before, ang laki ng difference.

“I think also, nakilala ako sa soap ng ABS.

“At saka iba ang audience ng ABS, mas marami silang fans.”

Paano niya naha-handle ang popularidad niya ngayon?

“I feel that I’m still the same.

“It’s just that I choose places. I choose where to make wala [pagwawala].

“I’m more careful, but the things I do, I’m still the same.”

Puwede bang sabihin na taon niya ang 2014?

Sagot niya, “It looks like it, kasi getting better naman every month.

“So, yeah, I hope. Hindi pa tapos ang year ko.”

Ano pa ang inaasam niya sa taong ito?

“Actually, I’m very happy with what I have right now.

“Kung magiging ganito lang, wala rin... I guess, I have to learn and be content.”



FHM VICTORY PARTY. Ipinaliwanag naman ni Ellen kung bakit hindi siya rumampa sa nakaraang victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World.

Nagkataon daw kasing nasa Japan siya noong idaos ang FHM victory party.

“Ganito ‘yan, months before pa, my ticket was booked sa Japan.

“Supposedly, one week ako dun. And then, na-shortened lang dahil pinauwi ako ng soap [Moon of Desire].

“Kasi, hindi ko naman inakala na until July ang taping namin.

“Kasi, yung Japan na yun, last year pa yun.

“Pero, nag-promise ako na hindi ako makakarampa, but I’m here to support FHM and my friends.”

Speaking of Moon of Desire, ang ang reaksiyon ni Ellen na siya ang mas pinag-uusapan kesa kay Meg Imperial na siyang lead actress dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Ellen, “Hindi ko naman iniisip yun.

“Kasi, alam niyo, siya pa rin ang bida kahit paano.

“Baka nagkataon lang na mas marami akong projects… ewan ko talaga.

“Hindi ko iniisip at saka hindi naman kami nagko-compete on set, okey naman kami.

“At saka, masyado kaming stressed and takot sa director na magkamali, so all we do is prepare.

“Mine-memorize namin ang lines namin, script. Kasi, tinatanong din kami kaya para kaming nag-aaral.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN