Piolo Pascual reveals son Iñigo might join a boy band in the U.S.

Piolo Pascual on his son Iñigo being natural onscreen: "I can never be more proud, kasi nakikita ko na gusto niya yung ginagawa niya. Hindi siya yung tipo na nahihiya or napipilitan. Kumbaga, siya pa siya yung mas excited. Masyadong confident na minsan iniisip ko na kung saan niya nakuha yun, ‘di ba?"


Ayaw raw sana ni Piolo Pascual na payagan ang anak na si Iñigo na maging endorser ng Sunlife of Canada dahil ayaw niyang ma-expose ang anak sa limelight.

Pero naawa raw siya at nanghinayang sa magandang oportunidad na inihahain sa teenager niyang anak.

Saad ni Piolo, “Pero naisip ko, sayang naman yung opportunity for him to invest, to be able to have something for his future.

“It’s a good opportunity and it’s hard to have passed upon because maganda yung campaign, maganda yung presentation.

“It’s good for him for his future.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Piolo sa launch ng bagong campaign ad ng Sunlife noong July 12, Sabado, sa function room ng World Trade Center.

TROUPER. Ikinagugulat daw ni Piolo ang pagiging trouper ng anak sa limelight.

Kuwento ng Kapamilya heartthrob, “Natural na natural, e.

“Kaya nga sabi ko, I can never be more proud, kasi nakikita ko na gusto niya yung ginagawa niya.

“Hindi siya yung tipo na nahihiya or napipilitan.

“Kumbaga, siya pa siya yung mas excited.

“Masyadong confident na minsan iniisip ko na kung saan niya nakuha yun, ‘di ba?”

Pero inamin ni Piolo na hangga’t maari ayaw niyang payagang mag-showbiz ang anak.

Kahit ang Star Magic, na naghahanda para sa launching ni Iñigo, ay tinanggihan niya.

Last year pa raw may offer ang Star Magic para kay Iñigo, pero ayaw raw talaga ni Piolo na sumali muna sa showbiz.

Pero bakit siya pumayag na makasama ang anak sa commercial ad ng iniendorso niyang insurance company?

Paliwanag ni Piolo, “I just don’t want the work to get in the way of his school.

“The reason why I allowed him to do this because he’s here for the moment.

“So, wala namang problema because nagbabakasyon naman yung bata dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And they’re working around his schedule.

“But it’s not getting in the way of his schooling, because summer sa States.”

Ipinaliwanag din ni Piolo kung bakit hindi nakasama sa presscon si Iñigo.

Ayon sa aktor, hindi pa naman artista ang anak niya.

“That’s my condition, even for the movie [Relaks, It’s Just Pag-ibig], he even only came out in the premiere.

“Siguro taped guesting. Ayoko ng mga ganito [live interview].

“I don’t think he’s ready.

“And yun nga, hindi mo maku-control yung itatanong at hindi mo maku-control yung sasabihin ng bata.


“Baka mamaya, ‘Anak, huwag mong sabihin ‘yan, kalma lang.’ ‘Di ba?

“Oo, matanong siya ng mga intriga… patay!”



BOY BAND. Ibinalita naman ng aktor na posibleng makasali si Iñigo sa isang binubuong boy band sa Amerika.

Kuwento ni Piolo, “They’re still auditiong other singers, pero sinasabi ng manager na he’s assuring…

“He’s [Iñigo] going to Nashville kaya napaaga ang uwi niya because they’re going to the second round of auditions.

"And they’re asking some other boys because they want them side by side with Iñigo.

“Kumbaga, Iñigo is not auditioning anymore. Parang pipili na lang sila na pupuwedeng i-pair sa kanya.”

Payag daw si Piolo na i-pursue ng anak ang singing career sa States, pero sa isang kundisyon.

“Ay, hindi, they’re gonna home school them even if they’re gonna move to Nashville or whatever.

“My condition lang, gaya ng sabi ko, ’If they’re gonna get in the way of your schooling, we have to drop it.’

“The condition is this: They’ll gonna do home school during the day and they’ll gonna train and do workshop after school.

“And sabi ko sa kanya, ‘Seryosohin mo ‘yan. ‘Pag naging sikat sa States, naturally sa Philippines, mas sikat ka. So, hindi mo na kailangang magtrabaho dito. Every time you come here, you already have a job, you’re international star.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Piolo, hindi naman kailangang pumasok sa showbiz ng anak para magtrabaho kaya ayaw rin niya itong payagan.

Ngunit dagdag niya, “Pero nasa dugo niya yung pagpi-perform.”

Isa rin sa ikinababahala ni Piolo sa pagpasok ng anak sa showbiz ay ang mga intrigang siguradong haharapin nito.

“Siyempre, bakit ko hahayaan dumaan sa ganun ang anak ko?

“Ako nga nasaktan, what more yun pang bata na wala pang experience?

“Ayoko sana, pero he knows it’s part of the package na ‘pag pumirma siya at nag-artista siya, kasama yun.

“Hindi naman palaging nasa ayos. May mga taong naiinggit at may mga taong hindi gusto na meron ka.

“So, kasama yun sa pipirmahan mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN