Piolo Pascual on why cannot commit himself to Shaina Magdayao: "Wala akong oras sa lovelife."

Muling iginiit ni Piolo Pascual na hindi naging sila ni Shaina Magdayao kaya walang nangyaring hiwalayan sa kanila. Sabi niya, “Wala naman, wala namang nangyaring ganun. So, wala kaming babalikang hindi naayos na.”


Isa sa sinasabing dahilan ni Piolo Pascual kung bakit binalak na niyang magretiro sa showbiz ay dahil sa kawalan ng oras para sa kanyang sarili at sa mga mahal niya sa buhay.

Ang kawalan din ng oras ang sinasabing dahilan kung bakit hindi sila nagkatuluyan ng nali-link pa rin sa kanya hanggang ngayon na si Shaina Magdayao.

Pero sa kabila ng lahat ay nananatili pa ring magkaibigan ang dalawang Kapamilya stars.

Pahayag ni Piolo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I guess the bottom line with Shaina is that we were able to preserve the friendship.

“Hindi kami nagkasiraan, hindi kami nagkaroon ng sour separation.

“Because friends kami in the beginning at natapos kami nang magkaibigan.

“So, at least, kung anuman ang mangyari in the future, nasabi namin na naprotektahan namin yung relationship namin.”

So, walang nangyaring separation sa pagitan nila?

“Wala namang nangyaring separation!” natatawang sagot ng Kapamilya actor.

“Wala naman, wala namang nangyaring ganun.

"So, wala kaming babalikang hindi naayos na.”

Diin pa niya, “Never kaming naging kami ni Shai [Shaina].

“Okey kami. I’m friends with her family. I’m friends with her friends. I’m friends with V [Vina Morales, Shaina’s sister].

“Siguro, I wanna keep it that way, kasi I wanna be fair to her na ako yung may problema.

“Hindi ko mai-commit ang sarili ko. Wala akong oras sa lovelife.

“Kasi kung pipilitin ko, baka magkasarian lang kami.”

Nanghihinayang ba siya nangyari sa kanila ni Shaina?

“Just like what I said, hindi naman kami nagkahiwalay, e.

“Kumbaga, cool down lang. Career muna.

“At the end of the day, we see each other every Sunday [on ASAP] and wala kaming issue sa isa’t isa.

“We’re good friends,” sabi ni Piolo.



BECAUSE OF IÑIGO. Umayon naman si Piolo sa sinasabing hindi siya makapag-girlfriend dahil ayaw ng anak niyang si Iñigo na magkaroon siya ng commitment sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My deal with him is that when he turns 18.

“You know, one the biggest… I don’t wanna say mistake, pero immature decision I’ve made, is when I’m committed to him, I will not have girlfriend until he’s 18.

“At that time, batang-bata pa. Wala pa yata siyang teenager.

“So, when I committed to that, at nagkaroon ako ng girlfriend, nagalit yung bata naturally.

“So, I don’t wanna do it the second time around for the kid to be traumatized and not believe my word anymore.”

Bilang pangako naman ni Iñigo sa ama, sinabi nitong hindi siya magkakaroon ng kasintahan hanggang hindi siya nakakatuntong sa edad na 18.

Saad ni Piolo, “Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun, e, gusto ko ngang magkaroon na siya ng girlfriend na.

“Pero ako, yun ang sinabi ko sa kanya. I just want to commit to him, because if I have free time, mas maganda sana if I spend it with him and for him.”

Paano niya nami-maintain ang closeness nila ni Iñigo kahit malayo sila sa isa’t isa?

Ayon kay Piolo, “Open communication kami ng anak ko.

“Kung kinakailangan kong pagalitan yung bata, pagagalitan ko.

“We don’t keep anything from each other.”

Totoo bang gusto niya nang sundan si Iñigo?

Sagot ni Piolo, “Oo naman. E, wala pa…”

May time frame ba siya?

“Ang time frame ko po, siguro pagkatapos nitong kontrata ko [sa ABS-CBN].

“Kasi hindi ko rin naman mabibigyan ng oras, e.

“Pinakasalan ko muna yung kontrata ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN