Phytos Ramirez preparing himself for mature roles

Phytos Ramirez on making himself stand out from other newbies: "Kailangan galingan ko, kailangan lagi akong may something new to offer ‘cause there are thousands of people who wanna get my job... Kasi, lahat ng artists ngayon na lalaki ay may abs, maganda ang katawan, so probably same lang kami lahat. Now, paano mo ipapakita na angat ka sa iba? Depende na yun sa klase ng work attitude na ipinapakita mo."


Handa na raw sumabak sa mature roles ang Kapuso talent na si Phytos Ramirez, lalo na’t magdiriwang na siya ng kanyang 19th birthday sa July 18, Biyernes.

Kasalukuyan siyang nakatutok sa pagpapaganda ng katawan, para kung sakaling dumating ang pagkakataong mabigyan siya ng ganitong klaseng proyekto ay nakahanda siya.

Sabi ni Phytos sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I’m trying my best to be a new me.

"I’m trying to be mature. Ginagawa ko ngayon is puro gym lang, diet.

"Para pagbalik ko sa GMA, sana sexier na and a new Phytos, na pa-tweetums-tweetums sa Paraiso Ko’y Ikaw, and then, biglang nagbago na.

"Kasi sa dating age ko, nagkakagulo kung anong role ang magpi-fit sa akin.

"Kasi ang tangkad ko raw ‘tapos ang built ng katawan ko ay pang-mature roles na.

"So, naguguluhan ang marami."

Nakapanayam ng PEP si Phytos sa birthday treat ng GMA Artist Center para sa July birthday celebrants ng kanilang contract artists sa Lazermaxx, Centris, Quezon City, kahapon, July 15.

Patuloy pa niya, "Ako, gusto ko na talaga ang mature roles.

"Gusto na yung direct na heavy drama roles, yung pairings sa lead stars ng GMA.

"I’m not closing my doors dun sa tweetums, pero nineteen na ako, e.

"’Di ko alam kung kakagatin pa ba ako ng masa sa tweetums na role, pero kung ano naman ang ibibigay ng GMA sa akin, okay lang naman sa akin."



HUNGRY FOR EVERYTHING. Hanggang saan ba ang pagpapaseksi na kayang niyang gawin kung saka-sakali?

Nag-aalangang sagot ni Phytos, “A, hindi ko pa alam, kasi I’m still working out, e.

"Depende rin kasi ’yan sa magiging desisyon ng GMA Artist Center at sa magiging desisyon ng manager ko [Becky Aguila] at ng nanay ko.

"As of now, hanggang topless lang ako.

"Yun muna ang kaya kong gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang kaibahan niya sa mga kapanabayan niyang baguhan sa showbiz.

Sabi niya, "Marami nga ang nagsasabi na I’m lucky na nasa loob na ako.

"Kumbaga, marami ang puwedeng mangyari sa career ko.

"Kaya nga sabi ko sa sarili ko, kailangan galingan ko, kailangan lagi akong may something new to offer ‘cause there are thousands of people who wanna get my job.

"Ipapakita ko lang sa GMA na I’m hungry for a job, I’m hungry for work, na ‘pag binigyan nila ako, hindi sila magsisisi.

"Kasi, lahat ng artists ngayon na lalaki ay may abs, maganda ang katawan, so probably same lang kami lahat.

"Now, paano mo ipapakita na angat ka sa iba? Depende na yun sa klase ng work attitude na ipinapakita mo.

"Yun ang gusto kong ipakita sa kanila na I’m hungry for everything."



NO TIME FOR LOVE. Kaya maging ang lovelife ay isinasantabi muna ni Phytos.

Dalawang young actress ang huling na-link sa kanya—sina Empress Schuck at Joyce Ching

Mariing sabi ni Phytos, "Wala muna, kasi sa tingin ko, makakasabagal siya sa work.

"Naipaliwanag ko na rin yung kay Empress, na kaya kami natsismis kasi magkakasama kami sa workout and we have the same manager.

"’Tapos kay Joyce, dahil nanonood kami ng movies sometimes, lumalabas kami.

"So, matagal na talaga akong single."

Si Carla Abellana naman daw ang pangarap niyang maka-partner kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon.

Sabi ni Phytos, na halata ang excitement sa kanyang mukha, "Sa ngayon kasi, si Carla ang pinakamainit sa Kapuso [network], pati si Marian [Rivera].

"If given the chance, gusto kong maka-love triangle siya with Tom [Rodriguez].

"Kasi, medyo hawig kami ni Tom at nagka-work na kami before.

"Si Carla, nagka-work na rin kami before sa Basahang Ginto..."

Maging sina Marian at Heart Evangelista ay pangarap niya rin daw makatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino ba naman ang hindi gustong maging leading lady sila, ’di ba?

"Sila yung ultimate leading ladies sa Kapuso na lahat ay nangangarap na makasama sila sa isang project, much more maging leading ladies.

"Naku, ’di ko alam ang gagawin ko kung sakaling sila na ang ipa-partner sa akin!"

Sa mga ka-age naman niya, si Louise de los Reyes daw ang pinananabikan niyang maging katambal sa TV o maging sa pelikula.

Saad ni Phytos, "Si Louise kasi, siya yung papunta na siya dun, e.

"Siguro, kapag maganda ang project, hindi ko tatanggihan na makasama siya.

"Siya yung sa generation namin, siya yung nakikita ko na tipong aangat talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN