Dingdong Dantes’s car showroom in Parañaque damaged by Glenda

Isa sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Yolanda ay ang car showroom kung saan ang aktor na si Dingdong Dantes ang isa sa nagmamay-ari.


Maraming bahay at establisimyento ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda ngayong araw, July 16.

Kabilang na rito ang isang car showroom sa Parañaque, kung saan ang aktor na si Dingdong Dantes ang tumatayong vice president.

Nitong February 2014 nagbukas ang Hyundai Parañaque West, na unang venture ni Dingdong sa car dealership, kasama ang business partners niya ‘tulad nina Mark Sarot at Representative Irwin Tieng.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso Primetime King, sa pamamagitan ng palitan ng text messages ngayong gabi, upang kamustahin ang nangyari sa kanilang showroom.

“Wasak lahat,” sabi ni Dingdong tungkol sa glass wall ng kanilang showroom.

Mabuti na lang daw at bago manalanta ang bagyong Glenda ay natanggal na nila ang mga sasakyang naka-display.

Nasa taping daw ng primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real si Dingdong nang mangyari ang insidente.

Ipinadala ng aktor sa PEP ang larawan ng pinsalang natamo ng kanilang showroom.

Ngunit tiniyak naman ni Dingdong na magbabalik sa normal ang operasyon nila simula sa Biyernes, July 18.

"Naging matindi man ang hagupit ng bagyo, hindi namin pababayaan ang aming customers, lalo na ang mga nasiraan at nabahaan na mga sasakyan."

Sa Instagram account naman ni Dingdong ay nag-post siya ng larawan ng tent nila sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real.

Sa kabila nga ng matinding hagupit ni Glenda ay tuluy-tuloy pa rin sila sa pagti-taping.

Caption dito ng Dingdong: "Nope, this ain’t an evacuation tent, nor a refugee station. This is what we call a ‘standyby area’ for performers in our industry. Yes. As gloomy and dangerous as it seems, we are still committed to work, to be able to provide our audience with the expected exciting weeknight contents. Hoping for quick recovery to those who were affected by #glendaPH. #Carry on! #AngDalawangMrsReal"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN