Bela Padilla reacts to breakup of cousin Kylie Padilla with Aljur Abrenica

Makakatrabaho ni Bela Padilla ang ex-boyfriend ng pinsan niyang si Kylie Padilla na si Aljur Abrenica sa isang pelikula. Maaapektuhan kaya ang pagtratrabaho nila? Sagot ni Bela, “Siguro bibigyan ko lang siya ng isang awkward line at saka… siguro remark. ’Tapos, ayun na, back to work na ako. Baka pitikin ko lang yung tenga niya, ‘Okey na, tara, taping na tayo.’”


Nalungkot daw si Bela Padilla nang mabalitaan niya ang breakup ng pinsan niyang si Kylie Padilla at ng Kapuso actor na si Robin Padilla.

Sabi ni Bela sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sad, of course… it’s a sad thing.

“That’s really just a fact, it’s a sad thing what happened to her.

“But knowing Kylie, she’s such a strong person, she’s a fighter.

“In our family, she’s one of the tough ones.

“I know she’s gonna get over with it.

“Yun nga, it’s a reality of life.

"It’s really sad what happened to her, but we cannot do anything about it.

“Nothing I can say that can help her situation, unless I tell her directly to her.

“Pero if I just say it in an interview, it’s not something that can help her.”

Nakausap ng PEP si Bela sa FAMAS Awards noong Linggo, July 13, sa Solaire Resort and Casino.

Si Bela ang itinanghal na Best Supporting Actress para sa pagganap niya sa 10000 Hours.

WARRIOR. Minsan pa lang daw silang nagkakausap mula nang bumalik si Kylie galing Australia.

“Once pa lang kaming nagkausap sa trade launch and she looks happy and very sexy,” sabi ni Bela.

Sinubukan niya bang kausapin si Kylie?

“Nag-message ako siya sa akin sa Instagram nong nasa Ausralia pa siya.

“I replied her back, pero she didn’t reply.

“Maybe she’s not ready to talk to about that.

“Okey lang… when she’s ready.”

Alam niya ba yung mga nangyari kina Kylie at Aljur bago pa sila nag-break, at ang mga kaganapan kung bakit naging magulo ang kanilang relasyon?

Sabi ni Bela, “Hindi rin. I know what you know lang.

“Yun lang yung mga nababasa ko. Hindi ako mas updated sa inyo.

“Kasi si Kylie, dahil tough nga siya at warrior yung personality niya, she keeps things to herself kahit nung bata pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung may pinagdadaanan siya, feeling ko, mas kailangan niyang i-discover on her own.

“But she know naman if she needs help we all here for her.”

ALJUR ABRENICA. Ano ang naging tingin niya kay Aljur pagkatapos ng breakup nito kay Kylie?

Nakangiting sabi ni Bela, “Wala, e. Kasi it’s not my place to say anything.

“Saka nakatrabaho ko na rin siya ng ilang beses.

“Ang alam ko, like, I know him as a nice person.

“But, you know, even the nicest people do wrong things.

“I’m not saying he did wrong kasi hindi ko naman talaga alam. Wala naman ako sa sitwasyon na yun.

“Yun nga, matatanda na sila alam na nila kung ano ang ginagawa nila.”

Paano kapag nagkatrabaho sila ni Aljur?

“Actually, may movie nga ako na kasama siya, Cain at Abel.

“Mag-i-start din soon. Hindi ko pa nakikita.

“At ang role ko pa, girlfriend ko si Aljur.

“So, hindi ko alam. Makikita natin sa set kung gaano ka-awkward ‘yan… joke lang.

“Siguro bibigyan ko lang siya ng isang awkward line at saka… siguro remark.

“’Tapos, ayun na, back to work na ako.

“Baka pitikin ko lang yung tenga niya, ‘Okey na, tara, taping na tayo.’”

Paghahandaan niya ba ang paghaharap nila ni Aljur?

Sagot ni Bela, “Hindi. Bakit ko paghahandaan?

“Wala ako sa lugar para paghandaan yun.”

Sabagay, hindi ka yung dapat makaramdam ng awkward feeling?

“Oo, saka makakatrabaho ko siya ng ilang linggo. ‘Tsaka hindi rin ako yung confrontational.

“Para sa sarili ko nga, hindi ko ginagawa ‘yan, e.

“Wala talaga. I am not in the position to do anything to him.

“Trabaho lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN