Chariz Solomon not surprised by brother Fifth’s revelation that he is bisexual; hurt by negative comments

Bagamat alam ni Chariz Solomon na masaya ang kapatid niyang si Fifth (kaliwa) sa pag-amin nitong bisexual siya, nalulungkot ang Kapuso comedienne dahil nasasaktan ang pamilya niya sa mga negatibong reaksiyon ng mga manonood.


Ang pag-amin ni Fifth Pagotan na bisexual siya ang pasabog sa episode kagabi, July 16, ng Pinoy Big Brother All In ng ABS-CBN.

Inamin ni Fifth kay Big Brother at sa kanyang mga housemate na hindi siya "straight."

Dahil sa rebalasyon niyang ito, naapektuhan ang twin brother ni Fifth na si Fourth.

Ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon ang nakatatandang kapatid nina Fourth at Fifth.

Nang magpunta sa Japan ang kanilang ina para magtrabaho, si Chariz ang naging “nanay” ng kanyang mga kapatid, kaya kilalang-kilala niya ang mga karakter nina Fourth at Fifth.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Chariz tungkol sa pag-amin ni Fifth sa tunay na sexual orientation nito.

Ayon sa StarStruck alumna, hindi siya nagulat sa pag-amin ni Fifth.

Sabi niya, “’Di ako na-surprise.

“Happy naman ako para sa kanya kasi desisyon niya ‘yan, e.

“So, I guess, masaya si Fifth sa ginawa niya, pero nalulungkot ako kasi nasasaktan ang pamilya ko.

“Hinuhusgahan at masyadong ginagawang big deal ang sekswalidad ng kapatid ko.

“Hindi naman niya kailangan na umamin, e.

“Hindi niya kailangan magpaliwanag sa kahit kanino, sa kahit sino, lalo na wala naman siyang nasasaktan na tao.”

Ngayong araw, July 17, ay nag-post si Chariz sa Instagram ng larawan nina Fourth at Fifth.

Caption niya rito: “Ah bAsta kami nila jiro, KC, mama, seira,daddy, apollo, nestor zel and NG family love na love na love namin kayo :) at mas masaya ang bahay natin kesa sa bahay nila :) sa bahay natin walang manghuhusga sa inyo! Mahal na mahal namin kayong dalawa :)”

Bago naging housemates ng PBB sina Fourth at Fifth, naging contestants muna sila ng reality show ng GMA na Are You The Next Big Star? noong 2009.

Si Fifth, gamit ang pangalang Bobby Solomon, ay nakapasok sa Top 16.

Habang si Fourth, gamit ang pangalang Robert Solomon, ay naunang na-eliminate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN