Anne Curtis included in TIME’s "50 Smartest Celebrities on Twitter"

Anne Curtis’s tweets are in 6.5 grade level based on the comprehension test Simple Measure of Gobbledygook (SMOG). The Fil-Aussie actress placed 28th in TIME magazine’s "50 Smartest Celebrities on Twitter."


Kabilang ang Fil-Aussie actress na si Anne Curtis sa "50 Smartest Celebrities on Twitter" ng TIME magazine.

Ayon sa listahan, na nailathala ngayong July 16 (U.S. time), nasa ika-28 na spot si Anne.

Mayroon na siyang 6,667,346 followers sa Twitter sa kasalukuyan.

Ipinapakita sa naturang listahan ang "reading level" ng tweets ng isang username sa pamamagitan ng isang comprehension test na tinatawag na Simple Measure of Gobbledygook (SMOG).

Sa status ni Anne, nasa grade 6.5 ang level ng kanyang tweets, na mas mataas na average level umano sa Twitter na pang-fourth grade.

Base sa listahan, na-outsmart ni Anne sa Twitter ang ilang kilalang international personalities ’tulad nina Harry Potter series author J.K. Rowling, na nasa ika-32 spot; TV producer-host Oprah Winfrey, na nasa ika-42 spot; at ang singers na sina Jennifer Lopez (No. 42) at Beyoncé (No. 48).

Nangunguna sa listahan ang Wolf of Wall Street actor na si Leonardo DiCaprio, na nasa 7.5 grade level.

Sa naturang listahan, ipinaliwanag ng TIME kung paano nakuha ang ranking sa pamamagitan ng SMOG.

Ayon dito, "The SMOG test measures the number of three syllable words used in a text to calculate the years of education required to understand it.

"To find Twitter’s smartest celebrities, we analyzed the last 20 tweets from the 500 highest followed celebrities (stripped of URLs and hashtags), then ran the results through the SMOG test to calculate reading level.

"SMOG is intended for processing English, so users tweeting in multiple languages were removed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN