Nash Aguas on real score with Alexa Ilacad: "Walang relasyon... crush ko siya, pero mga bata pa kami."

They may not be going steady yet, but Alexa Ilacad is the closest confidante of Nash Aguas right now. "Basta ’pag may problem ako, siya yung una-una kong sinasabihan talaga," he says.


Ang loveteam ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad, o NLEX, ang isa sa pinakasikat na tambalan ngayon.

Palaging trending ang bawat guest appearances nila, bukod pa sa regular show nila sa ABS-CBN na LUV U.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa tambalang NLEX, kinumusta namin kay Nash ang samahan nila ni Alexa.

Sabi ng 15-year-old actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Masaya, okay yung friendship namin.

"Kami lang ang nakakapag-usap talaga.

"’Pag may problema, siya ang nilalapitan ko, kinakausap ko, hindi lang sa showbiz kundi sa personal."

Ngunit paglilinaw ni Nash, “Walang relasyon... crush ko siya, pero mga bata pa kami.

"Basta ’pag may problem ako, siya yung una-una kong sinasabihan talaga."

GIMME 5. Unang nakilala si Nash bilang isang magaling na child actor. Kaya’t marami ang nagtataka kung bakit pumayag siyang maging parte ng grupong Gimme 5, kasama ang ilan sa mga baguhang batang aktor ng ABS-CBN.

Kasama ni Nash sa grupo sina Grae Fernandez, Joaquin Reyes, John Bermundo, at Brace Arquiza.

Sabi ni Nash, “Sa akin, walang problema.

"’Buti nga nabigyan ako ng grupo. Nae-explore ko ang sarili ko hindi lang sa loveteam.

"Gusto ko yung ganito na may may variation ang ginagawa ko.”

Maganda raw ang samahan nila sa Gimme 5.

“Ayos naman... Nung una, bagong kakilala, sa tingin ko, baka magkagulo, pero hindi.

"Ayos naman kami, nagdya-jive kaming lahat, choice namin ang mag-enjoy.

"Sinabi ko sa naman kanila na, "’Pag ’di kayo nag-enjoy dito, ’di ninyo magagawa nang maayos ang trabaho ninyo.’

"Saka dapat maging passion nila ang trabaho namin.

“’Pag may problema, ’pag may ’di sila alam, ako ang nagsasabi sa kanila.

"Or ’pag may ’di ako alam, sila naman."

NEXT DANIEL? Marami rin ang nagsasabing si Nash daw ang posibleng sumunod sa yapak at kasikatan ni Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Nash dito?

Saad niya, “Siyempre naman po, si Daniel, singer na, magaling pang umarte, lahat-lahat.

"Napi-pressure ako, pero ayokong ilagay sa isip ko na ganun.

"Bibihira yung makumpara ka sa ganun. Basta ako, enjoy lang.

“Gusto kong magkaroon ng sariling pangalan at makilala talaga ako sa acting.

"Kasi, bata pa lang ako, yun na talaga ang dream ko.

"Masaya ako na nakabalik ako after one and a half years na nawala ako sa show business."

INDIE FILM. Anu-ano pa ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon?

Ayon kay Nash, “Wansapanataym ng Gimme 5, magwa-Wansa kami.

"Then, film ko na action ni Direk Toto [Natividad].

"’Di pa masyadong alam yung title, pero parang Sa Ngalan Ng Anak yung working title namin.

"Kasama ko si Kuya Ejay Falcon, Carlo Aquino, Sir Phillip Salvador.

“Sobrang excited ako!

"Tapos na kami actually mag-shooting, sobrang ganda nung priniview ni Direk Toto.

"Sabi nga niya sa akin, gagawa pa kami ng marami kasi first time ko mag-action."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN