Rafa Siguion-Reyna on being directed by dad Carlos Siguion-Reyna: "Kailangan maging magaling ako..."

Newbie actor Rafa Siguion-Reyna admits that having a famous showbiz family has its advantage. "At the same time, I want to prove that I get a job dahil may sarili akong talento. Kailangan ko lang maipakita sa tao na matiyaga ako and I love my work."


Kahit anak daw siya ng magaling na direktor na si Carlos Siguion-Reyna, malaki ang respeto ng baguhang Kapuso actor na si Rafa Siguion-Reyna sa ibang direktor na nakakatrabaho niya ngayon, ’tulad ni Maryo J. de los Reyes.

Si Maryo ang direktor ng primetime series na Niño, kung saan kabilang siya sa cast nito.

Pahayag ni Rafa, "Well, I think ang trait naman talaga ng isang magaling na direktor ay alam nila kung ano ang gusto nila.

"With Direk Maryo and my dad, ang common theme sa kanila ay kung may gusto sila sa isang eksena, yun talaga ang hihingiin nila.

"Hindi puwede yung, ’A, okay na na ’yan!’ Wala silang attitude na ganyan.

"Bilang isang artista, masarap kung ang direktor mo ay isang ganun.

"Halimbawa, may nagawa ka sa isang eksena na hindi nila gusto, ika-cut nila.

"So, I think, yun ang isang magandang mark ng isang good director.

"And, I think, I have high respects kay Direk Maryo pagdating sa ganyan, and also to my dad whom I’m working with sa Hari Ng Tondo."

Ang Hari ng Tondo ay ang pelikula ni Carlos Siguion-Reyna para sa Cinemalaya 2014, kung saan kasama sa cast si Rafa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafa sa treat ng GMA Artist Center para sa July birthday celebrators ng kanilang contract artists sa Lazermaxx, Centris, Quezon City, noong July 15.

WORKING WITH DAD. Ngayon nga raw magkasama sila sa pelikula ng kanyang ama, mas naiintindihan ni Rafa ang likaw ng show business.

Natatawang sabi niya, "Ang hirap pala talagang gumawa ng movie.

"Kaya I have much respect sa mga director and the production people working for it.

"Kumpara sa pagiging direktor, mas madali maging artista.

"Kami naman ni Dad, we’re very professional with each other.

"Hindi ko masasabing istrikto siya, kundi malaki ang demand niya sa mga artista niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He doesn’t treat me as his son sa set, but he expects me to deliver.

"Kaya nga as an actor ay mas namu-motivate ako.

"Mas andun yung feeling na kailangan maging magaling ako.

"Hindi dahil ama ko ang direktor, kundi alam ko na I have a very professional director with me."


WORKING STYLES. Bilang baguhang aktor, hindi naman daw siya nahihirapan sa magkaibang working attitude at directing styles ng kanyang ama at ni Direk Maryo.

Ani Rafa, "Hindi naman, kasi bilang artista, trabaho naman namin na mag-adapt sa istilo ng kanyang direktor.

"Kasi lahat naman ng mga direktor ay may kanya-kanya namang istilo.

"At lahat naman ng mga artista ay hindi pare-pareho ang istilo sa pag-arte.

"On both sides, kailangan talaga... kaya nga it’s a collaborative work and that’s why were are doing this as an art form.

"Ang artista ay kailangan mag-adapt, ganun din ang mga direktor."

Maging ang sinasabi nilang pressure sa kanya dahil galing siya sa angkan ng mga institusyon na sa showbiz ay hindi na niya gaanong iniinda ngayon.

Ang ina ni Rafa ay ang award-winning scriptwriter na si Bibeth Orteza at lola naman niya ang veteran actress-singer na si Armida Siguion-Reyna.

Ayon sa 23-year-old newbie actor, "Yung pressure ay sa simula lang naman.

"Yung nasa Grease pa ako, I felt some pressure, pero eventually, as I was getting new jobs and doing all these, I realized na hindi naman pala siya pressure, e.

"Kung tutuusin, I’m so fortunate na I’m the son of so and so or the grandson of Ms. Armida Siguion-Reyna.

"Nakakatulong talaga sa career ko at hindi naman masasabing hindi.

"I want to be thankful, pero at the same time, I want to prove that I get a job dahil may sarili akong talento.

"Kailangan ko lang maipakita sa tao na matiyaga ako and I love my work."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, marami pa rin daw ang nang-iintriga na wala pa naman siyang naipapakitang galing para masabing nasa dugo niya ang pagiging isang tunay na artista.

Napapangiting sabi ni Rafa, "Hindi naman ako nasasaktan, kasi it’s true naman.

"I’ve been doing this for less than a year, so I think imposible naman gagawin ko siya nang paulit-ulit na hindi ako gagaling.

"Para kang nag-ride ng bike o nag-basketball ka na sa una ay hindi ka naman talaga magaling.

"I just take it as I go, and I feel like na everytime may show ako o may performance, gumagaling ako.

"So, constructive criticism is fine with me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN