Romnick Sarmenta on 15-year marriage to Harlene Bautista: “Maging totoo ka sa asawa mo.”

Romnick Sarmenta (in photo, with wife Harlene Bautista) notes about Nora Aunor and Vilma Santos: “Magkaibang-magkaiba sila at the same time parehong-pareho sila. You cannot expect anything less."


Supportive si Romnick Sarmenta ngayong nag-aartista na ang 13-year-old daughter niyang si Zeke Sarmenta.

Para ngang stage father ang dating ng aktor na talagang sinasamahan ang anak kapag may guest appearances ito sa TV.

Nang mag-premiere night nga kamakailan ang pelikulang Kamkam, na siyang first movie ni Zeke, very proud dad ang dating ni Romnick.

Lalo pa’t may mga nagsasabing sa unang salang pa lang ay kinakikitaan na ng husay sa pag-arte ang teenager na anak ni Romnick at ng asawa nitong si Harlene Bautista.

Sabi ni Romnick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Pinag-usapan naman namin yung pag-aartista niya.

“Hindi mo naman puwedeng pigilan kung iyon talaga ang linya o hilig niya, ’di ba?

“Sa limang anak namin [ni Harlene], si Zeke lang at yung isa pang babae ang nakikita naming may interes sa showbiz.

“Yung tatlong lalaki naman, gitara ang hilig at saka magluto... mahiyain, e."

Sabi pa ng dating matinee idol, “Okey lang naman kung pag-aartista nga ang gusto niya, basta mag-aral lang siyang mabuti.

“Dapat naka-set yung priorities niya.

"Kinausap naman namin siya na kung dahil curious lang siya o gusto niyang ma-experience, okey lang.

“Pakonti-konti, hindi niya kailangang tumodo.

"Ngayon, kung talagang magustuhan niya at magseryoso siya, later on na, after na makapag-aral siya nang maayos.

“At kung talagang interesado siya at yung isa pang anak naming babae, gusto namang i-try din nila ang mag-stageplay.

"Gusto naming matuto sila sa stage.”

Dalagita na si Zeke, bago niya mamalayan, may mga manliligaw nang umaaligid dito.

“Puwede namang umaligid basta hanggang aligid lang muna!” sabay tawang biro ni Romnick.

Sabi pa niya, “Ang usapan namin ni Zeke, ’Kapag merong nagparamdam sa ‘yo, papuntahin mo sa bahay.’ Yun lang ang sa akin.

“Ganun din naman ako nung nanligaw kay Harlene noon, sa bahay nila talaga.

"Dapat lang naman, sa bahay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IDEAL COUPLE. Fifteen years nang mag-asawa sina Romnick at Harlene.

Next year daw ay plano nilang mag-renew ng kanilang marriage vows.

“Technically, next year yung 15th wedding anniversary namin, kasi yung church wedding namin, 2000.

“So, magpapakasal kami ulit, pero simpleng wedding lang.”

Ideal couple ang tingin ng marami kina Romnick at Harlene.

Hindi lang matatag at tahimik ang kanilang pagsasama, kapansin-pansin din ang sweetness nila sa isa’t isa.

Paano ba nila name-maintain ang intimacy sa kanilang relasyon?

Saad ni Romnick, “Date... nagdi-date kami kami at least once a week.

“Yung date na kaming dalawa lang talaga, wala yung mga bata.

“Kakain kami sa labas o kaya manonood ng sine.”

Pareho rin sila ni Harlene na young-looking.

Sabi naman ng aktor, “Kasi happy kami. At grasya iyon para sa amin na pati mga anak namin, masaya at masarap kasama.”

Ang ibang showbiz couples ay nahihirapang mag-maintain ng matatag na pagsasama. Ano’ng advice ang puwede niyang maibahagi?

“Maging totoo ka sa asawa mo... yun lang,” sagot ni Romnick.

FAITHFUL. May mga lalaking hindi kayang maging faithful sa kanilang karelasyon, lalo kapag sadyang lapitin ng tukso.

Pero ani Romnick, “Yung tukso kasi, nandun ‘yon.

"Kahit naman ako, kunyari magkakaroon ako ng trabaho o trip sa ibang bansa...

“Nangyari na sa amin ‘yon nung bago pa lang, tinawagan ko talaga siya at sinabi ko sa kanya na nahihirapan ako nang malayo.

“Kasi ang dami talagang tukso… kailangan mong umiwas at maging totoo sa asawa mo.

“Ang tanong lang dun, gusto mo ba na kapag sinasabihan ka ng asawa mo ng ’I love you,’ may naiisip kang iba?

“Ako, puwede akong magsabi ng ’I love you,’ pero kung may ginagawa akong mali, hindi totoo yung sinasabi kong ‘yon.

“Kasi nga, kung talagang mahal ko siya, hindi ko gagawin sa kanya ‘yon. Iyon ang iniisip ko palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga lumalapit na nagpapakita ng motibo, hindi naman mawawala ‘yon, e.

"Kaya lang, hindi ko kayang mawala yung pamilya ko.

“Hindi ko kayang mawala yung mga anak ko, hindi ko kayang mawala yung asawa ko.

“So, hindi ko na gugustuhin yung ganun... okey na ako.”




NORA AUNOR. Kasama si Romnick sa cast ng Cinemalaya 2014 entry na Hustiya, na idinirehe ni Joel Lamangan. Bida rito ang Superstar na si Nora Aunor.

Lahad ng dating child actor, “Enjoy ako sa panahong sinu-shoot namin ito.

"Magaan naman sa set kahit mahirap at mabigat yung role ko bilang isang investigative journalist.

“Dun sa buong story, parang pinalalabas namin na siya [Nora’s role] lang actually yung may integrity, siya lang yung may sense of justice."

Sabi pa niya tungkol sa Superstar, “Si Ate Guy, hindi mo maidi-describe kapag kaeksena mo siya, e.

"Sa pelikula, kami ang madalas na magkasama sa eksena and iba talagang kaeksena si Ate Guy.

"Kasi kahit gaano kasimple ang eksena, alam mong nakakulong ang reyalidad na ‘yon sa mga oras na iyon.

“Alam mong iyon ang character na kausap mo, gano’n.

“’Tapos, after nung eksena, wala lang, magaan lang. Parang kabarkada mo yung katrabaho mo.

"Ikaw naman, gusto mo lang ibigay yung tamang paggalang dahil si Ate Guy ‘yon, e.”

May isang malaking eksena raw na ginawa si Romnick kasama ang Superstar, pero ayaw niyang magdetalye tungkol dito.

“Hindi ko maibigay, e. Integral siya dun sa character ko at saka sa takbo ng istorya.

“Pero sabihin na lang natin na iyon yung tipo ng eksena na kami, bilang mga nasa eksena, gusto talaga naming paghandaan ‘yon.

“Kasi, physically and emotionally draining siya, e.

"So, nandun yung drive na gusto namin talagang magawa iyon nang maayos.

“Excited ako dun sa scene na ‘yon. Maganda naman siya lumabas.”



NORA VS. VILMA. May pressure ba siyang naramdaman dahil bukod sa big scene iyon ay si Nora ang kanyang kaeksena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Romnick, “Si Ate Guy ‘yon, e!

“Kapag si Ate Guy ang kaeksena mo, lagi namang may pressure.”

Isa ba siya sa mga artistang masasabing Noranian?

Tugon niya, “Non-partisan ako in the sense na hindi ako Vilmanian, hindi ako Noranian.

“Magkaibang-magkaiba sila, pero at the same time, parehong-pareho sila.

“Yung pareho silang icon ng industriya. Pareho silang maraming iniambag.

“Pareho silang may kakaibang galing pagdating sa pagtawid ng character.

“’Tapos, at the same time nga, hindi sila pareho.”

Nakatrabaho na rin ba niya si Vilma?

“Sa movie, hindi pa.

"Nakasama ko lang siya noon sa guestings ko sa show niya na VIP [Vilma In Person].

“Pero acting, wala. Wala pa.

“Sina Ate Guy at Ate Vi, kayang-kaya ka nilang lamunin nang buong-buo sa eksena, e.

“Iba silang umarte. Yung… ano pa’ng hihingiin mo, e, ‘yon na iyon, ’di ba?

“You cannot expect anything less,” saad ni Romnick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN