JC de Vera wants to be financially ready for his future wife

JC de Vera says he wants his next relationship to be a long-term one. “Siyempre, ayaw mo na ng papalit-palit ka. Sa field of work natin, ang hirap humanap ng pang long-term kasi hindi naman stable yung work. For example, for me, hindi talaga stable pa yung work, so kailangan very careful ako sa relationship na papasukan ko," says the 28-year-old actor in a recent interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Aminado si JC de Vera na marami siyang naging girlfriend sa showbiz noong nasa bakuran pa siya ng Kapuso network.

Halos siyam sa mga ito ay itinuturing niyang serious relationship at ang iba naman ay ka-fling.

Read: JC de Vera reveals all of his "eight or nine" ex-girlfriends are from showbiz

“Nine ba? Parang less than [nine]. Hindi kasama yung mga fling. Textmate [yung iba]!” natatawang pahayag ni JC nang tanungin muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Pero mula nang lumipat siya sa Kapamilya network ay tila nawalan na ng oras ang 28-year-old actor sa kanyang lovelife.

Pagkatapos kasi ng The Legal Wife ay halos araw-araw pa rin ang taping ni JC para sa afternoon soap na Moon of Desire, na pinagbibidahan nila nina Meg Imperial at Ellen Adarna.

“Sa ngayon talaga, wala [akong lovelife]. Dito lang ako [sa set].

"Sina Meg at Ellen lang ang nakikita ko palagi.

“Hopefully, someday, sana makahanap ako ng time.

"Hindi naman ako nagsasara ng doors sa thought na yun.

“Sa ngayon talaga, hindi mo maiwasan na all work.”

Kung tutuusin, hindi raw malayong magkagusto siya sa dami ng mga magagandang artista sa ABS-CBN.

Pag-amin ni JC, “Siyempre marami akong interesado makilala. Mga nagiging crush mo dahil alam mong maganda talaga sila.

“Pero siyempre, hindi mo sila makikilala hangga’t hindi mo nakakausap.

"Walang chance talaga since very loaded ako sa work.

"So, hindi lahat nakakausap ko."

LONG-TERM RELATIONSHIP. Pakiramdam din ni JC ay mas naging mature ang pananaw niya sa pakikipagrelasyon ngayon.

Kaya kung magkaka-girlfriend man siya, sisiguraduhin niyang pangmatagalan na.

“Siyempre, ayaw mo na ng papalit-palit ka.

"Sa field of work natin, ang hirap humanap ng pang-long-term kasi hindi naman stable yung work.

“For example, for me, hindi talaga stable pa yung work, so kailangan very careful ako sa relationship na papasukan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have to make sure na lahat ‘to magiging worth it kung aantayin talaga.

“So, wala muna ako. Seryoso muna ako sa buhay.

"Baka next year, hindi ako seryoso!" pabirong saad ni JC.

Ayon kay JC, sinasagad lang niya ang pagkakataong madami siyang proyekto para makapag-ipon at makatulong sa kanyang pamilya.

“Bigger dreams lang talaga.

"Ever since I transferred to ABS-CBN, naka-focus ako sa work.

“Kasi nga, nag-open sila ng napakagandang opportunities para sa akin. Ayoko sayangin yun.

“So, lahat ng opportunity, gina-grab ko.

"Malay natin, three or five years from now, puwede na mag-settle down."

INVESTMENT. Sa ngayon, nakapagpundar na si JC at ilang mga kaibigan ng isang resto-bar sa Parañaque.

Aniya, “More on real estate napupunta ang investment ko.

"Malapit na rin kami mag-launch ng isang bar-restaurant with friends. Nag-operate na siya, pero hindi pa na-launch officially.”

Ang kasunod na pinag-iipunan ni JC ay pampagawa ng sariling bahay.

Noong nasa ibang TV network ba siya ay hindi siya masyadong nakapag-ipon mula sa mga kinita niya?

Sagot ni JC, “Meron naman. Kaya lang kasi, right now, mas maganda yung opportunities na dumadating.

"Kaya mas malaki ang chances na makapag-invest ka sa mas malalaking bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN