Gladys Reyes defends Team Kramer against bashers; says they help inspire families in strengthening their bonds

Gladys Reyes upholds the right of the Kramers to upload videos of their family as much as she acknowledges the right of the bashers to their opinion. But she says, "Dapat siguro ay manaig pa din yung respeto sa kapwa... Sana yung bashers maging fair naman sila."


Nakakuha ng kakampi ang Team Kramer sa katauhan ng TV host-character actress na si Gladys Reyes laban sa mga netizen na nambabatikos sa kanila sa social media.

Ang Team Kramer ay ang mag-anak na sina Doug Kramer; Cheska Garcia-Kramer; Kendra, 4; Scarlett, 2; at Gavin, 1.

Sumikat sila nang maging viral ang kanilang family videos sa social media na kinatuwaan ng marami ngunit binatikos naman ng iba pa.

Samantala, ang pamilya naman ni Gladys na kinabibilangan ng asawang si Christopher Roxas; Gian Christopher, 8; Aquisha, 6; at Grant Carlin, 3 ay itinuturing na isa sa may pinakamatagumpay na buhay-pamilya sa local showbiz.

Bungad ni Gladys sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung tungkol sa bashing... kasi po, nakakalungkot, ’di ba?

"Kahit sabihin pa nating sanay na tayo and all, kaya lang ’di mo talaga masasabi na hindi ka maapektuhan, lalo na involved ang mga anak mo sa mga bina-bash.

"Kahit sabihin pa na lahat tayo entitled to our own opinions, pero dapat siguro ay manaig pa din yung respeto sa kapwa.

"Sa ngayon kasi, ’di na maiiwasan ang bashings at kung sobrang hindi mo na kaya, ’wag na lang sigurong magbasa ng mga negatibong comments.

"Pero sana yung bashers lalo na’t we can’t please everybody naman, sana maging fair naman sila."

Nakausap ng PEP si Gladys sa Diary ng Panget Live in Concert sa SM North Astrodome noong July 11.

TEAM KRAMER: Buong mag-anak ng Sommereux (totoong married name ni Gladys) ay naroon para manood ng concert nina James Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman, at Andre Paras.

Isa nga raw sa laging puna sa Team Kramer ay ang paglalagay sa kanilang mga anak sa sobrang exposure sa publiko na maaaring malagay ito sa hindi magandang sitwasyon.

Kinuha namin ang kanyang opinyon tungkol dito.

Sabi ng 37-year-old TV host-producer, "Ako, I’m talking about my own Instagram account, my own Facebook and Twitter accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tayo kasi, as much as we can, gusto nating magbigay ng inspirasyon sa mga followers natin at lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay.

"Para, kumbaga, kung may pinagdadaanan ka, kung sino man ang makita noon ay makapagpaluwag man lang ng loob niya at maging positibo sa buhay.

"Gusto ko rin kasi yun para i-strengthen ang issue ng family ties at yun din ang goal ko.

"Sa tingin ko, yun din ang gustong mangyari ng Team Kramer, maging inspirasyon sa maraming pamilya.

"Hindi para ilagay sa balag ng alanganin ang kanilang family, much more ang kanilang mga anak.

"Wala naman siguro silang hinahangad na hindi maganda para sa kanilang family."

Dugtong pa niya, "Yun din ang goal ko sa show kong Moments [sa Net25] kung kaya nag-co-produce ako.

"To each kasi tayo, e.

"Right ng Team Kramer yun... yung videos nila kasi nakakatuwa rin naman at ang bibibo ng mga anak ni Cheska at ang gaganda.

"They have a beautiful family kaya dapat lang siguro na ipagmalaki sa buong mundo."

TEAM SOMMEREUX? Sa parte naman nila, wala ba siyang balak ni Christopher na bumuo ng Team Sommereux na kagigiliwan din ng madla?

Nangingiting paliwanag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member, "Hindi nga lang talaga ako high-tech, e.

"Hindi ako magaling mag-upload ng videos, ganyan.

"Although sa social networking accounts ko, meron din kaming pictures, ganyan-ganyan.

"Siguro sa amin, Sommereux family, kasi yun naman ang name ng family ko, ’di ba?

"Sa Instagram ko naman ay ina-update ko naman ang supporters and followers ko kung ano ang mga kaganapan sa buhay ko, sa career, at sa pamilya."

Usung-uso rin ngayon ang mga anak ng artista na sumusunod na sa mga yapak ng kani-kanilang magulang.

Handa ba siya kung sakaling ang mga anak niya ay mahilig din sa pag-aartista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahang sabi ng dating child star, "Well, lagi ko ngang sinasabi na bata pa ako ay artista na ako.

"Alam ko yung puyat, lalo na ang mga bata na nai-stress talaga, napapagod. Ako gusto ko na silang i-spare dun.

"Gusto ko, sa pag-aaral ay mag-focus sila.

"Pero siguro kung endorsements o commercials, kasi alam natin na nasusunod ang oras ng kids diyan, e.

"Kung gusto nilang mag-take a nap—at hindi yun ipagdadamot sa kanila—yun, okey ako dun.

"Yung mga taping-taping, ’wag na lang muna siguro.

"Baka matulad sila sa akin, ’di na ako lumaki," pagbibiro pa niya.

Natutuwa naman daw siya sa mga anak ng artista na abala ngayon sa TV o sa pelikula man.

Aniya, "Siyempre, natutuwa ako for them lalo na’t nanalaytay talaga sa kanila ang dugong-artista.

"Hindi masama kung yun ang hilig din nila, pinayagan sila ng kanilang mga magulang.

"Mahirap din kasing pigilin, lalo na habang lumalaki sila ay nasa showbiz ang kanilang parents, malaking influence talaga yun.

"At saka, aware sila na maganda ang kita sa pag-aartista kaya marami ang nai-encourage.

"Okey lang basta mahalin nila ang kanilang trabaho at matutong mag-save para sa future na rin nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN