Victor Neri makes showbiz comeback via Hawak Kamay

“Masaya ako na hindi nila nakalimutan yung effort that I put into my craft,” says Victor Neri about the warm welcome he received upon his return to showbiz after years of being inactive.


Matapos ang halos pitong taon, muling nagbabalik sa showbiz ang dating action star na si Victor Neri.

Ilang miyembro ng entertainment press ang natuwa nang muli nilang makita si Victor sa press conference ng bagong primetime series na Hawak Kamay, kaninang tanghali, July 18, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sa mga panahong wala siya sa showbiz, naging abala si Victor sa pagtupad ng pangarap niyang maging isang chef.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News, “I went around Asia and became a chef.

"I studied about food around Asia and cooked in different restaurants.

"Nag-aral, nagtrabaho talaga ako."

Sabi pa ni Victor, “Mahilig lang ako magluto and I wanted to do it professionally, ‘yon lang.

“It’s a different career na I can also call my own.

“It’s also a different side of me. Para sa akin, yun na ako, e, ‘tapos artista.”

Dahil sa kanyang bagong career, biro ni Victor, maituturing na “fallback” na lamang daw niya ang pag-aartista.

“My priority is 70 percent cooking and 30 percent acting.

“Fallback ko na lang ito, e.

“If they want to get me and my schedule permits it, maganda yung bayad, gagawin ko.”

Gayunman, masaya si Victor na bagamat matagal siyang nawala, may ilan pa ring naniniwala sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

“Masaya ako na hindi nila nakalimutan yung effort that I put into my craft.

“Ganun naman ako, ever since, mas importante sa akin yung reaction ng mga direktor, ng mga tao.

“Kung masaya sila sa ginawa ko, then, it paid off.

“Kahit wala na ako, pagbalik ko dito, tinambakan ako ng script. I’m very grateful for that.”

Bukod sa Hawak Kamay, kasama rin si Victor sa Cinemalaya 2014 official entry na Separados.

Gaganapin ang Cinemalaya Independent Film Festival mula August 1 hanggang August 10.



OLD TIMES WITH IZA CALZADO. Sa ginanap na press conference kanina, natanong si Victor at ang dating na-link sa kanyang si Iza Calzado tungkol sa muli nilang pagkikita sa set ng Hawak Kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Iza, excited siyang makita si Victor nang sabihan siya ng kanyang talent manager na si Noel Ferrer na magiging talent na rin nito si Victor.

Pag-amin ng aktres, “Dati po, magkahawak ang kamay namin briefly.

“Victor is a friend. Kahit na noong umalis siya, bago niya pinalitan ang kanyang Facebook account, updated ako sa buhay niya.

“After a few years, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanya.

“‘Tapos biglang isang araw, tumawag sa akin ang manager ko na si Noel [Ferrer], nagpapaalam kung puwede raw bang maging kapatid namin sa grupong mina-manage niya si Victor Neri.

“I was like, ‘Oh, my God, buhay pa siya!’

“Nung unang beses namin sa set, ako pa yung nagtatanong, ‘Nandiyan ba si Victor?’

“Kasi, gusto kong makitsismis kung ano na ang nangyari sa buhay niya.

“I’m happy to see that he has found his center. Now, he’s very happy.”

Nabanggit din ni Iza kung paano siya naimpluwensiyahan ni Victor sa pagiging artista.

Aniya, “Ang saya to catch up on things kasi isa rin po siya sa mga rason kung bakit na-inspire din ako na pagbutihan ang pagiging aktres ko.

“Lagi po akong pinapangaralan niyan noon pa, ang dami po niyang itinuro sa akin.

“So, malaking parte po siya kung bakit pinag-igihan ko rin.

“Marami po akong natutunan sa kanya kahit ilang buwan lang po ang pagsasama namin noon.”

Sa parte naman ni Victor, natutuwa siya sa narating na ni Iza sa industriya.

Pahayag ng nagbabalik na aktor, “I’m also happy kasi matagal na rin kaming magkakilala, 2002 or 2003.

“I’ve seen her grow as a performer. I saw her dedication to her craft and I like that.

“Kasi ako, I think a lot know naman na I’m more about the work, about the craft.

“I saw her perform... I think she’s one of the gifted actresses now,” sabi ni Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN