Claudine Barretto shows deep wounds, scars in photo shoot; ready to resume court battle against Raymart Santiago

Naging panandalian lamang ang inakala ng lahat na pag-aayos na ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, dahil ngayon ay handa na namang harapin ng aktres ang estranged husband sa korte. Ito ay matapos ipakita ni Claudine sa isang photo shoot ang tadtad na mga sugat, peklat, at pasa ng sigarilyo sa kanyang hita. Ngunit tumanggi ang aktres sabihin kung sino ang may kagagawan nito.


Sa isang photo shoot kahapon, July 18, ay ipinakita ni Claudine Barretto ang hita niyang tadtad ng mga sugat, peklat, at paso ng sigarilyo.

Ngunit tumanggi ang aktres na sabihin kung sino ang may kagagawan nito.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kagabi, kasalukuyang ipinapagamot daw ni Claudine ang mga sugat niyang ito.

Ayon kay Dr. Acel Ampong-Chicano, isang wound specialist na gumagamot sa mga sugat at peklat ni Claudine, "Highly-pigmented na sobrang itim yung kanyang surrounding.

"Ibig sabihin, matagal na... matagal na nangyari iyon. Hindi iyon bago pa lang."

BATTERED WIFE? Paliwanag ni Claudine sa pagtanggi niyang tukuyin kung sino ang may kagagawan ng kanyang mga sugat, nakapaloob ito sa reklamo niyang Violence Against Women and their Children Act laban sa estranged husband na si Raymart Santiago.

Dahil sa kahihiyan ay matagal daw inilihim ng aktres ang tungkol dito sa kanyang pamilya.

Saad niya, "Hindi nakita ng pamilya ko.

"Na-accept ko na, na battered wife ako.

"And so, para makatulong din sa iba, lumabas na rin ako."

Sabi naman ng abugado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo tungkol sa pagbubunyag na ito ni Claudine, "We’ll address it if she categorically say it’s Raymart."

Lumabas ang rebelasyong ito ni Claudine ilang linggo pagkatapos niyang i-post sa Instagram ang mga larawan niya kasama si Raymart at ang mga anak nilang sina Sabina at Santino.

Kuha ang mga larawang ito nang magkita sila sa isang restaurant sa Eastwood, Quezon City, noong June 28.

Read: Claudine Barretto agrees to set aside differences with estranged husband Raymart Santiago for the sake of their children

Ngunit ngayon ay tila handa na namang humarap sa korte si Claudine upang ituloy ang kaso niya laban kay Raymart.

CUSTODY CASE. Irereklamo raw ng aktres ang aktor dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa rito, tuloy pa rin ang custody case ng mag-asawa sa korte.

Sabi ni Claudine, "I think it’s just about time that they [Sabina and Santino] choose na rin talaga who they want to be with.

"I asked them and they said they will decide already and tell the judge [their] decision."

Ayon pa sa aktres, sumama rin daw ang loob ng kanyang mga anak nang hindi pumunta si Raymart sa birthday party ni Sabina at nag-skydiving lang.

Hindi rin daw nagpaabot ng kanyang suporta si Raymart nang makagat si Sabina ng kaklase nito.

Kahit alam naman daw ng aktor ang cellphone numbers ng mga anak ay hindi raw ito tumatawag para kumustahin sila.

Sagot dito ni Atty. Castelo, hindi naman daw imbitado si Raymart sa birthday party ni Sabina.

Sabi pa ng abugado, "Yung skydiving ni Raymart, naka-schedule ’yon months ago...

"Ang birthday naman ni Sabina talaga, June 21. And he was with her."

Bago ang kaganapang ito ay nagpalitan ng mga akusasyon ang abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio at si Atty. Castelo.

Ayon kay Atty. Topacio, sinasabotahe diumano ni Atty. Castelo ang proseso ng posibleng pag-aayos nina Claudine at Raymart.

Read: PEP EXCLUSIVE. Claudine Barretto’s lawyer firm in his allegation that Raymart Santiago’s counsel sabotaged their reconciliation efforts

Mariin naman itong pinabulaanan ni Atty. Castelo.

Read: Raymart Santiago’s lawyer hits back at Claudine Barretto’s lawyer for accusing her of "sabotaging" the estranged couple


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN