Pancho Magno shapes up for sexy scenes in new TV series

Pancho Magno feels pressured to look fit and sexy for his new GMA serye: “Since shifter nga ako rito sa telefantasya, maraming scenes na kita ang upper body ko. Yun ang gusto kong pagtuunan talaga. Kailangan walang bilbil. Pareho nga kami ni Andrea na kailangan mag-workout kasi most of our scenes daw medyo sexy ang dating.”


Kahit na tinuturing na isa sa mga pinagmamalaking hunks ng Kapuso Network ang aktor na si Pancho Magno, hindi naman siya nahihiyang aminin na meron siyang nararamdaman na insecurity sa kanyang katawan.

Physically ay maraming napapahanga si Pancho, lalo na noong kunin siya bilang isa sa celebrity endorsers ng Bench Body at nang rumampa siya sa Bench Fashion Show at sa Cosmo Bachelors Bash.

Pero kapag napapasabay raw si Pancho sa professional male models, doon daw siya nakakaramdam ng konting insecurity.

Ayon kay Pancho, “Iba talaga ang disiplina ng mga professional male models pagdating sa pag-alaga ng katawan nila.

“Tulad noong first time kong mag-Bench fashion show at sa Cosmo Bachelors, mga katabi kong mga male models, grabe ang mga abs nila. Parang inukit talaga.

“Meron din naman tayong abs, pero iba yung sa kanila. Nakakahiya tuloy tumabi!” tawa pa ni Pancho nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center last July 11.

Kaya nga pinaghahandaan na raw ni Pancho ang muling pagrampa niya sa Bench fashion show ngayong taon.

Sinimulan na nga raw niya ang magpakondisyon ng katawan noong mag-photo shoot siya para sa ad campaign ng Bench Body.

“Yung ginawa kong pictorial for Bench Body, talagang nag-diet ako ’tapos nag-workout nang husto para makuha natin yung tamang porma for the shoot.

“Sakripisyo iyon kasi that time, nagte-taping pa ako kaya puyat ako parati. Kaya ang hirap pagsabayin ng mag-diet ka ’tapos napapagod ka sa trabaho.

“Kaya effort talaga. Hindi madali, pero kailangan nating gawin para tuluy-tuloy ang pagiging endorser natin, ‘di ba?

“Pero willing ko naman uling gawin ‘yan for the fashion show. Bigyan lang nila ako ng tamang panahon para makapag-workout ulit nang todo.

“Kasi baka puwede pa akong kumain nang husto, sasamantalahin ko na bago ako magsakripisyo ulit,” tawa pa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW TV SERIES. Ngayon ay required si Pancho na magpaganda nang husto ng kanyang katawan dahil sa bago niyang sisimulan na telefantasya na Ang Lihim ni Annasandra kunsaan gaganap siyang isang aswang na nag-aanyong hayop.

Kasama rito ni Pancho sina Andrea Torres at Mikael Daez.

“This is my first time to do a telefantasya. ’Tapos ganitong character pa ang binigay sa akin.

“Nasanay na ako na gumanap na kaibigan ng bida, kontrabida, ka-love triangle. Dito sa Ang Lihim ni Annasandra, love triangle kami rito nila Andrea at Mikael.

“Kami ni Andrea ang mga aswang na mga shifters. Nagiging iba’t ibang klaseng mga hayop kami. Si Mikael yung normal na tao na mai-involve kay Andrea.

“Doon magkakaroon ng conflict kasi magkakagulo sa mundo namin ni Andrea dahil umibig siya sa hindi namin kalahi,” kuwento pa ni Pancho.

First time niyang makatrabaho si Andrea pero ikalawang beses na with Mikael.

Dagdag pa niya, “Masaya ako to work with them together. May dating ang teamup nila, e.

“Si Andrea, ngayon ko lang nakasama talaga sa isang TV drama. Si Mikael, nakasama ko na before sa Amaya. Pareho pa kaming baguhan noon.

“Nag-workshop na nga kami at okey naman ang rapport naming tatlo.”

Marami nga raw eksenang nakahubad si Pancho kaya hindi raw maganda na may nakikitang bilbil sa katawan niya.

Patuloy pa ni Pancho, “Since shifter nga ako rito sa telefantasya, maraming scenes na kita ang upper body ko.

“Yun ang gusto kong pagtuunan talaga. Kailangan walang bilbil. Pareho nga kami ni Andrea na kailangang mag-workout kasi most of our scenes daw medyo sexy ang dating.”

NEW LOOK? Magpapakalbo ba siya ulit para sa bagong role niya?

“Tinanong ko naman sila kung gusto ba nilang skinhead ulit ako? Kasi pinatubo ko ulit ang buhok ko for Kambal Sirena. Para raw maiba ang hitsura ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Three years din kasi akong skinhead ever since Amaya. ’Tapos ganun din ang look ko noong gawin ko ang Broken Vow, Kasalanan Bang Ibigin Ka, Magdalena, and My Husband’s Lover.

“Iniba lang noong Kambal Sirena.

“Nag-look test naman kami at okey naman daw na may buhok ako for the role.

“Pero may nagsasabi na mas sexy raw akong tingnan kapag kalbo.

“Depende siguro kapag nagsimula na kami mag-taping. Malalaman n’yo na lang kung kalbo ako ulit or may buhok pa rin ako,” natatawa pa niyang saad.

INDIE FILM WITH NORA AUNOR. Bukod sa pagiging busy ni Pancho sa TV, may indie film din siyang ginawa with Superstar Nora Aunor titled Whistleblower.

Na-excite nga si Pancho nang makatrabaho niya ang nag-iisang Superstar kaya lahat daw ng napag-aralan niya sa acting workshops ay ginamit niya bilang paghahanda sa mga eksena niya sa pelikula with Ate Guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN