Former ’90s singer-actor Dante Ponce revives showbiz/singing career

Former singer-actor Dante Ponce has no regrets about leaving showbiz twenty years ago to go to the U.S. to settle down and start his own family: “Siyempre walang regrets yun. I will never say that kasi pamilya naman ang ano, and I’m very happy with my family, with my four kids and everything. Pero one thing that I cannot deny is yung na-miss ko talaga for the whole time I was there.”


Aktibong muli sa showbiz ang singer-actor na si Dante Ponce.

Sunud-sunod ang teleserye niya sa ABS-CBN at pelikula sa Star Cinema.

At present, he plays a major role sa first horror film ng box-office director na si Wenn Deramas na pinamagatang Maria Leonora Teresa.

“I’m very happy that I was cast in. Actually, nagpalit-palit nga yung role ko.

"Nung una, hindi ito ang role ko kasi nagpalit din yung ibang artists. So, finally when Iza [Calzado] got the role, ako na yung ginawang husband niya,” umpisa ni Dante nung makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Maria Leonora Teresa sa St. Jude Hospital sa Dapitan kamakailan.

“Actually, that was a big surprise for me nung ako na yung husband ni Iza sa movie. This is a big challenge for me. Then, si Iza pa ang wife ko, ‘di ba?”

PEAK OF SHOWBIZ CAREER. Ini-launch noong dekada ’90 si Dante bilang isa sa mga talent ng Backroom, Inc. kasabay ang kapwa rin niya mang-aawit na sina Ariel Rivera at Calvin Millado.

Nagsisimula pa lamang umangat ang kanyang career noong bigla naman siyang magdesisyon na pumunta ng Amerika para pakasalan ang kasintahan na ngayon ay misis niya na si Winlove.

Umalis ng Pilipinas noong 1993 si Dante dahil nakatira sa U.S. ang kanyang misis at pamilya nito. Taga-Cebu ang parents ni Winlove pero sa Amerika ito lumaki. Doktor ang misis ni Dante na nagtapos sa kursong radiation oncology.

Nakapag-record siya ng kantang “Sa Bawat Sandali,” “Para Lang Sa ’Yo,” at “Isang Ngiti Mo Lang.”

Naging co-host din siya sa musical variety show ng Star For All Seasons na si Vilma Santos noon. At kasama siya sa pelikulang Hanggang Saan, Hanggang Kailan na pinagbidahan nina Dina Bonnevie at Cesar Montano.

COMEBACK. Bakit siya nagdesisyon na bumalik at tuluyan nang manirahan ngayon sa Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, matagal ko nang pinag-iisipang bumalik. Timing lang siguro.

“Oo, timing lang talaga. Me, ever since umalis ako, gusto ko nang bumalik dito, ha-ha-ha!

“Talagang nami-miss ko lang yung trabaho. I didn’t realize, siyempre hindi mo naman mare-realize, ah, I guess yung kung gaano mo kamahal yung isang bagay hanggang sa iwan mo, ’di ba?

“So, I guess, siguro passion na rin for... you know, the industry. Maybe acting or singing.”

Plano ba niya na bumalik din sa pagkanta?

“Yeah, and I actually would like to go back to it this year. Hopefully, before the end of the year.”

“Magre-recording ako. That’s what I like to do.”

May kumuha na ba sa kanya na recording company?

“Ay, wala pa. Meron pa lang ako’ng kakausapin,” paglilinaw niya.

“Si Doc Mon… Mon del Rosario. I’m talking to him and hopefully we can create something.

“Pero yun talaga, actually, ang gusto kong balikan.

“Dahil kasi siyempre acting is... ano ‘to, e, obviously acting is pre-recorded. Singing is good even you perform with a live audience. That’s what I miss.”

Paano siya nakuha ni Direk Wenn bilang isa sa mga artista sa Maria Leonora Teresa?

“Well, pagdating ko naman siya kagad ang nakatrabaho ko sa Galema, e.

“I think hindi pa siya director noon [during Dante’s time sa showbiz].

“I’ve been gone for a long time and hindi pa siya direktor noon.

“[But] I think he knew about me kasi magkasabay kami ni Ariel. Pero si Direk, you know, alam mo naman ang istroya ni Direk Wenn, noong nagsimula siya hanggang maging box-office director.

“Nung time na bumalik ako rito I was re-introduced to Ms. Ginny Ocampo [Star Cinema TV Business Unit Head].

“’Tapos unit ni Ginny yung Galema, and so, I was introduced to staff niya, sa production and everything. And then, siguro mga two weeks later they already called me para sa role ko sa Galema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinakilala ako kay Ginny ni Bettina [Aspillaga, manager niya sa Backroom]. Sinet-up niya yung meeting with Ginny and then, ah, yun after noon dire-diretso naman.

“And then, after ng Galema, actually they gave me a stint sa Be Careful With My Heart. Parang ako yung third wheel noon kina Sylvia [Sanchez] and Lito [Pimentel].

“And I did, I was able to do yung Maybe This Time na movie nina Sarah [Geronimo] and Coco [Martin].

“Actually, while doing Galema, I did yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy with Direk Wenn ‘yun. Ako yung doktor ni Vice [Ganda]. May dialogue ako doon, apat nga, e. Iba kasi hitsura ko doon, naka-salamin ako.

“And then, noong matapos yung Galema, I was able to do Be Careful... Siguro mga one month ako doon and also nag-guest din ako sa Maybe This Time. Actually, parang boss ako ni Sarah doon.

“And now, itong Maria Leonora Teresa and I’m in Pure Love right now which started last Monday. Doktor naman ako doon ni Alex Gonzaga. Parang ako yung attending physician niya na family friend nila.”

FAMILY. Masaya naman ba si Dante sa naging desisyon niya na bumalik sa showbiz?

“Yeah, happy ako. Ako, pasalamat ako sa mga taong nagtiwala sa akin. And ako naman kasi, wala akong problema kahit araw-araw akong magtrabaho. Sanayan lang ulit ng schedule ‘yan,” nakangiti niyang sabi.

Paano ang mga anak nila ni Winlove?

“Oh, my kids are here. Kapag wala ako at may shooting or taping, they’re very independent,” diin ni Dante.

“Wala kaming katulong. Driver lang ang household help namin kasi hindi ko kaya i-drive pa ang mga bata sa school, sobrang traffic.”

Ilang taon na ngayon ang mga anak niya?

“My eldest is 19, si Glys [Glys Angelique], who’s in college right now, sa Texas. Then, she’ll probably go back dito sa Pilipinas and continue her studies here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yung 17 [Dante Armand] and 15-year old [Jasmine] na mga anak ko kasama ko rito. Then, yung 11 she’ll move here this month, si Sofia. Dito na kami lahat ng mga anak namin.”

Ang mga anak lang ni Dante ang kasama niyang bumalik ng Pilipinas. Kasalukuyang nasa Brunei ang misis niya at doon pina-practice ang kanyang propesyon bilang doktor.

“Okey naman siya,” patungkol niya sa kanyang asawa.

Hindi sila divorced?

“Hindi, haha. Twenty years na kaming magkasama. Pero kasi ang work niya sa Brunei, e.”

Bakit hindi siya sumama sa misis niya sa Brunei?

“Anong gagawin ko doon? Actually, yung Brunei naman came up nung finally pina-plano namin na bumalik na ng Pilipinas.

“So, unfortunately hindi siya makapag-work dito because of some licensing issue.

“Alam mo naman dito. But I mean, okey lang kasi like ako, the whole week, nandoon ako. And then, kapag wala naman ako doon, siya ang pupunta rito. Saka malapit lang, walang two hours andoon na.

“Saka okey naman sa Brunei, tahimik. I don’t ever worry kasi safe naman.”

Hindi ba nagwu-worry ang misis niya na bukod sa magkalayo sila ng lugar, nasa showbiz pa siya na malapit sa tukso?

“Siguro lahat naman ng asawa nagwu-worry, ’di ba? Hindi mo naman maiaalis yun. But sabi ko naman, you know, trabaho naman. Saka sa edad ko naman ngayon, e...” natatawa niyang pahayag.

“Hindi naman sa ibig kong sabihin na sa edad ko wala nang papatol.

“I mean, sa edad ko ngayon, focus lang ako sa trabaho ko. That’s all I want.”

Ilang years na silang kasal ng misis niya?

“Twenty years, so, the whole time nandoon kami sa Amerika niyan. So, ngayon I’m really excited. I look forward for more projects and more challenging roles,” pahayag pa niya.

REUNION WITH FORMER SHOWBIZ COLLEAGUES. Nagkita na ba sila ng fellow Backroom artists niya na sina Calvin at Ariel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, yeah,” masayang sagot ni Dante.

“Actually, pagdating na pagdating ko I met up with Calvin.

“Si Ariel naman text-text lang. Kasi syempre busy din siya. Nung dumating ako rito he was so busy.

“Tapos nagsimula na rin ako. So hindi lang kami nagkaroon ng timing na magkita. Pero I’m sure one of these days.”

Wala ba siyang pinagsisihan na tinalikuran niya ang kanyang showbiz career noon at sundin ang tibok ng kanyang puso sa Amerika?

“Wala naman,” kaswal na sambit niya.

“Siyempre walang regrets yun. I will never say that kasi pamilya naman ang ano, and I’m very happy with my family, with my four kids and everything.

“Pero one thing that I cannot deny is yung na-miss ko talaga for the whole time I was there.

“I tried siguro several times na bumalik. Pero yung timing talaga is so difficult.

“Kasi unang-una, maliliit pa ang mga anak namin. Hindi naman ganoon kadali. Kung puwede nga ako lang dito mag-isa para sa career at iwan sila doon, mahirap naman yun. Timing din talaga.

“Pero siyempre hindi ko rin na-realize na 20 years ako doon, haha!

“Pero I’m really happy and thankful kasi everyday talagang nagagawa ko kung saan ako masaya.

“And I think I have a lot of things to share naman kasi kung alam ko na wala akong papakita bakit pa ako magpipilit, ’di ba?

“Hopefully, more projects na challenging and I enjoy doing this, ’etong mga horror film, drama-drama.

“I did drama projects before like yung last na ginawa namin noon ni Ariel. Yung magkaibigan kami na bumalik ako ng Pilipinas pero yun pala parang meron akong cancer noon.

“Parang mamamatay ako pero hindi ko sinasabi. So, iyakan kaming dalawa noon. We were goods friends sa drama namin na ginawa.

“That was the last thing that I did,” pagaala-alang tapos ni Dante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN