Katrina Halili not expecting any apology from Hayden Kho: “Wala naman pong kulang. Tinanggap ko rin naman na may mali rin ako.”

Katrina Halili on Hayden Kho regaining his medical license: “Lahat naman ng tao may karapatan maging masaya, ‘di ba? Ang pangit ko naman kung nega pa rin. Kasi, kung magiging nega ko, hahatak lang ako ng nega vibes sa buhay ko.”


Plano raw sanang isama ni Katrina Halili ang anak niyang si Katy sa taping ng Niño noong makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Pagsanjan, Laguna noong July 18.

Pero plano raw niyang isama ito kapag ang location niya ay sa mansion sa Liliw, Laguna. Nagkataon lang na biglang bumagyo at hindi madaanan ang kalye papuntang Liliw kaya sa Pagsanjan ang naging taping niya noong araw na yun.

Sabi nga niya, “Isasama ko sana kapag nasa mansion kami, kaso biglang bagyu-bagyo.

“Ayoko namang isama siya kapag bugbog ako sa eksena. Iintindihin ko pa siya. Imbes na yung tulugan ko, magiging tulugan niya.”

“Mamaya, sabihin pa ni Ms. Lani [Feliciano, executive producer of Niño] na, ’Hoy, hindi ’to picnic ha, trabaho ’to!’” natatawang sabi ni Katrina.

“So, humahanap ako ng schedule na konti lang ang eksena ko. Kaso, kapag konti ang eksena ko, dito naman. Wala rin siyang ikutan dito sa Pagsanjan.”

Habang lumalaki ang anak nila ni Kris Lawrence, mas nagiging kahawig ni Katrina ang bata.

“Oo, kamukha ko na. Kapag sa unang tingin kasi, kamukha ni Kris. Pero kamukha ko talaga,” saad ng proud mommy.

NO LONGER KONTRABIDA. Masaya raw si Katrina na natatanggap siya ng mga tao sa pagiging mabait ng karakter niya bilang si Hanna. Ito ay matapos na ilang taon din na puro kontrabida ang ginagawa niya.

Sabi nga niya, “Masaya po, tapos sa Twitter, nagbabasa ko, okey naman ang mga feedback nila. For a change.”

Mas gusto na nga raw niya ang mababait na karakter. Nangangahulugan ba itong ayaw na niyang bumalik sa kontrabida roles?

“Puwede naman, pero siguro, gusto ko naman ngayon na kung bibigyan ako ng kontrabida role, gusto ko yung may back story na,” paglinaw niya.

Kailan dumating sa kanya yung ganoong “realization” pagdating sa pagtanggap ng karakter?

“Matagal na, kaya lang, wala lang akong choice,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, may choice na siya?

“Hindi naman, if given the chance lang. Sasabihin ko sana. Pero kung hindi nila pakinggan, okey lang. Hindi naman kailangang ipakita sa TV ang ugali, ‘di ba? Trabaho lang naman ‘yan,” rason niya.

Hindi siya nanibago na mabait na nga ang karakter na ginagampanan niya?

“Noong una, tapos medyo nahirapan ako kasi, may eksena na dapat galit ako, like dapat galit ako sa anak ko.

“Parang kailangan kong i-tone down ang boses ko kasi, lumalabas na maldita. So, parang ngayon kinu-control ko na galit ako, pero kailangan hinaan ko ang tone kasi, minsan lumalabas yung maldita,” natatawa niyang saad.

ON KRIS LAWRENCE. Kumusta na nga ba si Kris at si Katrina?

“Okey naman po kami,” lahad niya.

Kumusta ang puso niya ngayon?

“Okey naman po, masaya. Puno ng pagmamahal. Hindi naman ibig sabihin kapag kumusta ang puso mo, isang tao lang yun. Marami… pamilya ko, mga kasama ko rito, anak ko,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Si Katy, kumusta naman?

“Okey naman po. Ngayon pa lang siya kumukulit, e. Malambing na. Kahapon nga, nanonood kami ng TV. Kapag nakikita niya ko, hinihila niya ko,” patuloy pa niyang kuwento.

Kapag babae raw, madalas ay Papa’s girl. Ganun din ba si Katy?

Aniya, “Silang dalawa kasi ng Papa niya, malaro. Tapos siyempre, kami naman ni Katy, halos palagi kasi kaming magkasama kaya hayun, malambing sa akin.

“Pero sa laro, talo ako ng tatay niya kasi, mas magulo siya, mas makulit.”

Kapag Sunday naman daw, magkakasama silang tatlo na nagsisimba.

Sabi pa niya, “Kapag Saturday po, may school si Katy sa Gymboree, pero, laru-laro lang naman yun para matuto siyang makihalubilo sa mga tao.”

ON HAYDEN KHO. Minsan na naming kinumusta si Katrina sa pamamagitan ng Twitter account niya kung ano ang naging reaksiyon niya nang lumabas ang pagbibigay muli ng PRC (Professional Regulation Commission ) ng medical license kay Hayden Kho na mai-praktis nitong muli ang pagiging doctor niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niya, masaya na rin siya para rito.

Katwiran ni Katrina, “Lahat naman ng tao may karapatan maging masaya, ‘di ba? Ang pangit ko naman kung nega pa rin. Kasi, kung magiging nega ko, hahatak lang ako ng nega vibes sa buhay ko.”

Kung tutuusin, sa nangyari sa kaso nila, parang yun na lang din ang naipanalo niya—ang matanggalan ito ng lisensiya.

Pero ngayong naibalik muli, anong naramdaman niya?

“Well, para sa akin nga, at least, may natutunan tayo sa nangyari. Kung ganun ang nangyari, ayoko nang maging nega.

“Wala na tayong magagawa. Alangan namang mag-iiyak ako. Wala na lang akong care,” ulit pa niya.

Noong unang nakarating ang balita sa kanya, ano ang naging reaksiyon niya?

Ani Katrina, “Nagulat ako, pero, okey... sige, happy. Masaya para sa kanya. Kasi nga, ayoko nang maging nega.”

Ano ang pinaghuhugutan niya ng saloobin niya ngayon?

“Masaya ko sa buhay ko, yun yun,” saad niya.

“At saka, ayokong humatak ng nega.”

Napatawad na ba niya si Hayden?

“Opo… kasi, alam niyo, sa totoo lang siyempre, dati, yung isip ko, mali. Mali, ‘di ba?

“Nasaktan niya ako. Tao lang, yun ang focus ko—na nasaktan ako.

“Pero, eventually, na-realize ko na may mali rin naman ako. Na hindi pala ko dapat pumasok sa ganung relasyon.

“Wala akong idea. Bulag ka nga, ‘di ba?

“Hindi ko alam, kabataan. Akala mo may ganun talaga. Kaya kapag nanonood ako ng mga palabas na ‘yan, ’Ay, naranasan ko mga ganyan,’” natawang sabi niya.

Dugtong pa niya, “Siyempre noong ginagawa mo yun, kapag may ginagawa kang bagay na dini-diretso mo, hindi mo alam na mali yun, ‘di ba?”

WAITING FOR APOLOGY? Simula raw nang lumabas ang sex video nila noong 2009 at umandar ang kaso nila, hindi pa raw sila nagkikita ni Hayden Kho na isa na ngayong born-again Christian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit papaano, naghihintay rin ba siya ng personal na paghingi ng paumanhin mula rito?

Kuwento niya, “Actually, may tinatawagan yata siyang friend ko at gusto daw niyang mag-apologize. Kasi, may friend din si Dra. [Vicki] Belo na friend ko.

“Sabi ko sa friend ko, siguro si Dra. Belo na lang or kasama siya. Pero ayoko na kaming dalawa lang.

“Actually, nakasama ko lang yung friend ni Doktora na friend ko rin. Kuwentuhan lang namin. Pero, hindi ko ipu-push na pilitin ko magkita kami.”

Kung hindi sinasadyang magkita sila at mag-sorry sa kanya si Hayden, tatanggapin niya ba at puwedeng sabihin na yun na lang ang kulang?

“Wala naman pong kulang. Tinanggap ko rin naman na may mali rin ako, so walang kulang,” diin ni Katrina.

Hindi siya yung naghihintay na humingi ito ng tawad?

Kibit-balikat niyang sagot, “Kung mangyari, e, ‘di mangyari po. Kung hindi, okey lang din.

“Hindi naman siguro kailangang mag-antay ng ganun kasi yun nga, sa huli, na-realize ko rin naman na mali rin ako. Bakit nga ba ako pumasok sa ganung situwasyon.”

Sila ba ni Dra. Belo, okey na?

“Actually, noong time na yun, naging okey kami. Pero dahil lumabas yung isyu ‘di ba?

“Tapos parang medyo hindi naging okey kasi nga, sa mga trials namin, medyo involved kasi sila Doktora ro’n, so, nawala na,” dagdag pa ni Katrina.

LESSONS LEARNED. Halos may limang taon na rin daw mula nang lumabas ang video scandal.

Kung babalikan man niya ang nangyari, ano ang naidulot nito sa kanya pagdating sa aral sa buhay?

“Marami,” saad naman niya.

“Marami, sa sarili ko, sa pananaw ko, sa pag-iisip ko.

“Marami e, mas nagkaroon ako ng direksiyon, mas focused ako. Mas ano ko sa sarili ko, mas ingat ako sa mga ginagawa ko. Kasi, ayoko rin na makita ng anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may ginawa akong mali noon, ginawa ko yun, hindi ko alam yun.

“Pero ngayon, aware na ako. Hindi na ko gagawa ng mga mali na alam ko, hindi na dapat gawin pero, ginagawa.”

May natutunan ba siyang mahalagang liksyon na puwede niyang gamitin sa relasyon nila ni Kris at sa anak nila?

Ayon kay Katrina, “Wait lang, hindi kami kasal, ‘di ba? Ayokong magsama kaming dalawa.

“And ano na lang muna kami, focus... kay Katy na lang muna...

“Kumbaga, ayoko nang pumasok sa situwasyon na—basta, hindi na ’ko nagmamadali ngayon. Gusto ko sure na.

“Ayoko na malaman ng anak ko kung bakit natutulog ang tatay niya ro’n, hindi naman kami kasal. Ayokong gayahin niya ako.

“Pero, okey naman kami. Dumadalaw siya. Nagtsi-church kami.”

Dugtong pa niya, “At saka ako rin, mag-ipon na muna kami. Mag-ipon na muna siya, mag-ipon na muna ko.

“Ayokong bigla kaming magpapakasal kahit na hindi kami ready na dalawa. Gusto ko yung ready talaga physically, emotionally, financially. Hindi yung gusto mo lang talaga.

“Sa hirap ng buhay ngayon, hindi puwede yung basta ka na lang go nang go.

“Yung iba, may mga comments akong naririnig na ang arte-arte ko naman daw. Kasi, parang may anak na nga. E, siyempre ako, na-realize ko, may mali nga kaya tinatama ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN