Sofia Andres on working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Masarap silang kasama, ’di ka mai-intimidate unlike sa ibang mga artista.”

Sofia Andres relates what it’s like working with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Kumportable ako na katrabaho sila kasi masarap silang kasama, ’di ka mai-intimidate unlike sa ibang mga artista. Sobrang suporta ni Ate Kath sa akin. Sa mga bashers ang sabi niya sa akin, ’Wag mo na lang pansinin. Sanayan lang din.’”


Katulad ng ibang naging ka-love triangle sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga serye at pelikulang ginawa ng dalawa, nakatanggap ng katakut-takot na mga pamba-bash si Sofia Andres na gumanap bilang si Abigail sa pinakabago nilang pelikulang She’s Dating The Gangster.

Sa presscon ng Hawak Kamay noong nakaraang Biyernes, July 18, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin naman ni Sofia na nasaktan siya sa mga pamba-bash na tinanggap niya mula sa mga KathNiel fans pero nagpapasalamat siya na huminto rin ito matapos mapanood ang nasabing pelikula.

Sabi ni Sofia, “Yes, kasi nag-assume sila na mayroon kaming kissing scene ni Daniel tapos sabi nila, ang landi-landi ko. ’You don’t have to do that para sumikat ka lang.’”

“Sabi ko, ’Ha?’

“Nung ’di pa sila nagte-text sa akin na ako si Abigail, alam na ng mga fans, ’Oy, ikaw pala si Abigal,’ nag-tweet sila agad sa akin. Sabi ko nga, itong mga fans na ito, sobrang updated.

“Nasaktan ako. Siyempre naman kasi sinabihan nila ako na mang-aagaw, pero nung napanood nila [ang pelikula], they just stopped kasi yung role ko dun nakakaawa talaga.”

THUMBS UP FOR KATHNIEL. Ayon kay Sofia, mababait at mainit ang pagtanggap sa kanya nila Daniel at Kathryn. Sa kuwento ng batang aktres ay pinayuhan nga raw siya ni Kathryn na ’wag na lang paapekto sa pamba-bash ng mga fans nito.

Pagmamalaki niya, “Kumportable ako na katrabaho sila kasi masarap silang kasama, ’di ka mai-intimidate unlike sa ibang mga artista. Sobrang suporta ni Ate Kath sa akin.

“Sa mga bashers ang sabi niya sa akin, ’Wag mo na lang pansinin. Sanayan lang din.’

Sa kabila ng mga pamba-bash, masaya naman si Sofia dahil sobra-sobra naman ang suporta na binigay ng mga KathNiel fans sa pelikula.

Balita nga na naka-15 million pesos na ang She’s Dating The Gangster sa unang araw pa lang nito sa takilya sa kabila ng pananalasa ng bagyong Glenda noong nakaraang Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pasasalamat niya, “Nagulat ako sa mga fans ng KathNiel na kahit bumabagyo naka-15 million nung first day. Sana nagandahan sila sa movie kasi dun ako makikilala sa movie na yun."

HAWAK KAMAY. Kabilang si Sofia sa cast ng Hawak Kamay na mapapanood na bukas, July 21, sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.

Para kay Sofia, napakalaking blessing para sa kanya ang makasama sa nasabing serye ng Kapamilya network.

Saad niya, “I feel so blessed to be around Piolo, Iza Calzado and the whole cast. Alam ko na ang dami kong matututunan.

“Ako yung probinsyana na nag-aral sa Manila, three years na siya sa Manila tapos makikilala niya si Axel, tapos aampunin ako ni Piolo.

“’Di pa kami nagte-tape, recently lang kami na-add ni Axel. I was shocked kasi tinawagan na lang kami for the meeting, ’Sofia, cast ka na dito sa Hawak Kamay with Direk Ruel,’ yun na.”

PRESSURE. Dahil papalitan ng Hawak Kamay ang Dyesebel sa dati nitong time slot, aminado si Sofia na nakakaramdam siya ng pressure sa ngayon.

Aniya, “Siyempre po, after TV Patrol, Direk Jerry Sineneng ang direktor, ang bigat na binigay na role."

Sa tatlong taon niya sa showbiz, sobra ang pasasalamat ni Sofia sa sunud-sunod na trabahong ginagawa at ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

“Masayang-masaya ako kasi ina-ano ni God ang mga prayers ko. Sa lahat ng pinaghirapan ko... sana magtuluy-tuloy siya.

“Three years na ako in the business and I feel so lucky kasi yung iba kong mga kasabayan five years na, naghihintay pa sila.

“I go to Baclaran every Wednesday, nagpi-pray ako. In three years po, I had Dating The Gangster, then Hawak Kamay, nagpapasalamat ako na binibigyan ako ng blessings ni God,” lahad ng dalaga.

INDIE FILM. Leading lady si Sofia nila Iñigo Pascual at Julian Estrada sa indie film na Relaks, It’s Just Pag-ibig. Masayang nagkuwento ang aktres tungkol sa role niya sa nasabing pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo, yung Relaks It’s Just Pag-ibig, yun ang dream role ko, medyo boyish na matapang. It’s an indie film na idi-distribute ng Star Cinema. September 10 daw yung playdate.

“Nag-audition kami, three years in the making siya. Nagulat ako na ako ang kinuha nila. Mayroon daw silang nakita na something in me na different from the others.”

ON IÑIGO. Agad naming kinumusta kay Sofia ang working relationship nila ni Iñigo, kung saan ito ang kauna-unahang proyekto na ginawa ng binatang anak ni Piolo Pascual. Ayon naman sa batang aktres ay wala siyang masasabi sa bait na pinakita nito sa kanya.

Pahayag niya, “Nagulat ako sa kanya, sabi ko, ’My God, anak ni Papa P ito!’

“Sobrang bait niya. Supportive siya saka alam niya ang ginagawa niya. Dream niya rin na makasunod sa footsteps ng father niya.

“Gusto niya ang ginagawa niya, pero kasi lang yung language niya kasi nga slang, medyo nahihirapan siya.”

WORKING WITH JULIAN. Kapareha din ni Sofia si Julian sa Relaks, It’s Just Pag-ibig. Tinanong din namin kung may suporta ba siyang binibigay kay Julian sa problemang hinahaharap ng pamilya nito kung saan nakakulong ngayon ang ama nitong si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa PDAF case na sinampa laban dito.

Dagdag ni Sofia, “Kasama din siya sa She’s Dating The Gangster. Mabait siya and magkaibigan kami. Nag-dubbing siya yesterday, sabi ko, ’Juls, where are you? I-visit kita.’

“E, ’di kami nagkaabot kasi may Singing Bee last night. Mag-e-EK [Enchanted Kingdom] dapat kami, e, busy siya sa school niya. Okay naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN