Manilyn Reynes says her acting tandem with Janno Gibbs has levelled up: “Hindi na puro pa-cute.”

Manilyn Reynes on the depth and maturity of her tandem with ex-boyfriend, longtime colleague, and co-star Janno Gibbs: “Ngayon iba na nga kasi yung level ng ginagawa namin, e. Hindi na puro pa-cute so mas ngayon mo nakikita na, ‘Uy, ang lalim, ha?’ Yung ganun.”


Marami ang pumupuri sa mga dramatic scenes ni Manilyn Reynes sa My BFF kaya tinanong namin si Manilyn kung saan siya humuhugot ng emosyon para sa kanyang mga madamdaming eksena.

“Actually, pagka kasi may eksena akong ginagawa, ine-embrace ko yung character tapos pati yung situation, so parang, pini-feel ko na ako ito, si Lyn ito at si Chelsea talaga ’yan,” bungad niyang pahayag.

Gumaganap si Manilyn sa My BFF bilang si Lyn at si Jillian Ward naman bilang si Chelsea na anak niyang namatay na naging multo.

“Hindi mo naman pupuwedeng ilagay yung, ’Ah Manilyn ito, e.’

“Hindi naman ganoon yung experience mo, e. ’Di ba? So bilang ikaw si Lyn pagka nasa scene ka na, in character ka na. Ganun,” paliwanag niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Manilyn nitong nakaraang Biyernes, July 18, sa taping ng My BFF sa may Marcos Highway.

Sa My BFF, mapagduda si Lyn kay Christian, na ginagampanan naman ni Janno Gibbs.

JEALOUS TYPE? Sa tunay na buhay ba ay ganoon rin si Manilyn sa mister niyang si Aljon Jimenez?

“Hindi po, dito lang kay Janno. Dapat ginawa ko noon pa,” at tumawa si Manilyn.

Nagkaroon ng relasyon noong araw sina Manilyn at Janno.

Pero dati ay sinabi niya na mas selosa siya kaysa kay Aljon.

“Mas selosa nga ako, noon. Pero hindi ako yung porke’t may nakita ka lang ganyan, duda, duda, duda. Hindi!” paglinaw niya.

Kahit raw noon kay Janno ay hindi siya selosa.

Diin nito, “Siya ang seloso actually.”

ON BING LOYZAGA. Naitanong naman kay Manilyn kung dumalaw na ang misis ni Janno na si Bing Loyzaga sa taping nila ng My BFF.

Sabi niya, “Hindi pa, hindi pa.”

Si Aljon?

“Si Aljon, sinundo niya ako one time pero wala na, parang ako na lang yun e, so hindi nagkita-kita lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Bing yata I heard nag-visit yata siya sa isang location nila na wala naman din ako,” lahad pa niya.

Biniro namin si Manilyn na umiwas siya na magkita sila ni Bing.

“Ako, talaga?” at tumawa ito.

Wala na raw anumang isyu sa kanila ni Bing.

Masaya niyang lahad, “Diyos ko naman, wala na, sobrang tagal na. Wala na, of course.”

Nasa bahay lang raw sina Manilyn at ang kanyang pamilya habang nananalasa ang bagyong Glenda.

Aniya, “Kasi natigil ang taping ng My BFF, natigil din yung taping ng Pepito Manaloto.”

TYPHOON GLENDA. Damang-dama raw nila ang hagupit ni Glenda sa bahay nila sa BF Homes sa Parañaque City.

Kuwento niya, “E, south, ’di ba? Medyo mas masama nga yung situwasyon.

“Ang daming nabunot na mga puno, na old trees talaga so parang nakakaloka kasi yung hangin pag naririnig mo, ‘Ay, ano ito?’

“Wala namang nasira sa bahay namin, awa ng Diyos, wala naman, nag-brown-out lang, hanggang ngayon. Kaya pupunta akong trabaho, maliligo ka, ’di ba? Hindi mo na alam kung paano, na ano na?

“Ganun, so kailangan maaga pa lang at may kuryente hala gawin mo na lahat.”

WORKING WITH JANNO. Matapos ang ilang buwan na ring pakikipagtrabaho kay Janno, kumusta na sila?

Ayon kay Manilyn, “As always naman ’di ba, ako naman lagi kong sinasabi yun e, na kahit even before naman na magkatrabaho kami, kahit sa singing at sa acting noon, basta wala naman talaga akong masasabi kundi nakaka-deliver talaga yung tao, e.

“Magaling talagang kumanta, magaling umarte, magaling talaga.

“Ngayon iba na nga kasi yung level ng ginagawa namin, e. Hindi na puro pa-cute so mas ngayon mo nakikita na, ‘Uy, ang lalim, ha?’

“Yung ganun.”

Hindi na ba nale-late si Janno?

Tumawa muna si Manilyn bago sumagot.

Lahad niya, “Hindi naman. In fairness, kasi yung call time niya, ang madalas kasi early yung call ko e, so siguro habang may ginagawa ako, hindi ko na nararamdaman na lumilipas na yung oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang alam ko naman din hindi naman kami pareho talaga ng call time so I think walang problema dun, kung later, kung much later yung kanyang call, e.”

TIME MANAGEMENT. Paano hinahati ni Manilyn ang oras niya sa pag-aartista at pagiging isang ina at asawa?

Bukod sa My BFF at Pepito Manaloto ay napapanood rin siya sa Sunday All Stars at sa Dear Bossing (na cooking show nila ni Vic Sotto).

“Yun na nga pagka kunyari, ngayon tapos na yung taping namin ng Dear Bossing kasi ano lang yun e, 13 capsules e, so tapos na yung taping nun.

“So okay na ako ng mga Martes, yung Huwebes na lang kasi may Pepito Manaloto pero yun din nakukuha din ng Pepito Manaloto yung Martes ko pagka kailangang mag-pondo.

“Tapos pagka Pepito Manaloto naman hindi naman kami sobrang puyat unless may kailangan talagang gawin na kailangang ubusin lahat at saka medyo madugo yung episode, otherwise hindi naman din.

“Yung Sabado ko, Tuesdays and Saturdays ang okay talaga kasi family day ko talaga yun.

“Hindi nagagalaw yun unless yun nga magpopondohan, tapos yung Sunday ko SAS lang naman e. In the afternoon okay na rin,” detalye pa niyang kuwento.

Sa dami ng trabaho niya, well-compensated naman ba siya?

“Masaya po ako, masaya po ako!” deklara ni Manilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN