Richard Yap excited to start shooting a new movie with Vice Ganda

Richard Yap on his movie with Vice Ganda, Praybeyt Benjamin 2: “I think I was just waiting for the right project. Ayoko namang mag-jump sa ano agad without experience. Gusto ko ‘to kasi ano may konting action, may konting comedy.”


Magsisimula ngayong buwan si Richard Yap mag-shooting para sa pelikulang Praybeyt Benjamin 2, na pagbibidahan ni Vice Ganda sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Kuwento ng Kapamilya actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Mag-start na kami by the end of the month, Praybeyt Benjamin 2. Mag-start kami na ganoon pa rin ang schedule ko sa Be Careful With My Heart; hindi pa light.

“Now, three times a week kami nagti-taping sa Be Careful... and three times din sa movie. So, six days ang trabaho.”

Wala na siyang panahon para sa lovelife?

“When I go home, may gabi pa naman, e. Haha!” biro niya.

PROJECT WITH ANNE SHELVED? Inalok ba sa kanya ang Praybeyt Benjamin 2 bago yung unang pelikula na bali-balitang si Anne Curtis ang makakatambal niya?

“Yes, possibly. Kaya lang, there was a problem with the schedules, sa aming dalawa. Hindi magkatugma.

“Kasi she was also doing Dyesebel. Then, may movie rin siya. So, bising-busy din siya,” paglinaw ni Richard.

Has the movie been shelved?

“Mukhang naka-shelve muna. Concept pa lang naman yun,” paliwanag nito.

Tinanggap ba niya agad-agad ang Praybeyt noong una itong inalok sa kanya?

“Yeah, since nawala na yung Be Careful... na movie, and then, sabi nila, ‘Sige, we’ll think of another one.’

“E, hindi nga natuloy yung kay Anne. And we were thinking of others also. Tapos sinabi ni Vice sa akin, ‘O, why don’t we do a movie?’

“Sabi ko, ‘Sige, okey agad.’”

FIRST MOVIE PROJECT. Sulit ba ang paghihintay niya ng halos dalawang taon bago siya nagka-pelikula?

Mabilis niyang tugon, “Oo, I think I was just waiting for the right project. Ayoko namang mag-jump sa ano agad without experience. Gusto ko ‘to kasi ano may konting action, may konting comedy.”

Na-excite ba siya nung inalok sa kanya ang Praybeyt Benjamin 2?

“Oo, mukhang ano kasi, e, it felt right for me so umoo ako agad,” lahad pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited na ba siyang mag-shooting?

“Siyempre,” natutuwa niyang sabi.

“First ever movie ko sa Filmfest [2014 Metro Manila Film Festival] kaya excited din talaga ako. Well, I want to see rin kasi how well the movie will fare.”

Lumikha ng napakalaking box-office record ang Praybeyt Benjamin ni Vice na kasama si Derek Ramsay noong una itong ipinalabas. Sa tingin ba niya ay malalampasan nila ang record nito sa takilya?

Sabi niya, “Ah, huwag muna nating isipin, haha! Ginagawa pa lang, gagawin pa lang yung movie kaya huwag muna.”

LEADING LADY. Hindi ba naisip at natuwa si Richard na para sa kanyang kauna-unahang pelikula ay isang gay ang magiging “leading lady” niya?

Malakas na tawa muna ang isinagot ni Richard bago siya nakapagsalita.

Aniya, “At least ano, bago. Hindi puro leading lady, haha!”

Hindi ba siya sanay makatrabaho ang beki?

“Hindi… I have a lot of friends na gay. As friends naman, e. Saka kami ni Vice para kaming ano, magkaibigan talaga kami,” diin niya.

Paano kung ligawan siya ni Vice?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, hindi naman. Kasi alam ko ang mga type niya, e. Hahaha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN