Alden Richards excited to portray Jose Rizal in historical primetime series Ilustrado

Alden Richards says he’s willing to act as "bridge" between Aljur Abrenica and Kylie Padilla only if he’s asked: “Willing naman po ako na parang maging bridge para maayos lang yung mga dapat na ayusin. Pero siyempre nasa kanila rin po iyon kung bibigyan nila ako ng blessing na umalalay o anuman.”


Si Alden Richards ang bida sa kauna-unahang historical primetime series ng GMA Network na Ilustrado, at excited na ang Kapuso heartthrob habang naghahanda para rito.

Saad niya, “This is something new for me.

"Kasi first time ko pong gagawa ng isang project na meron akong ipu-portray na isang national hero.

“Yung series po na gagawin ko is about buhay ni Jose Rizal. Mula sa kanyang childhood hanggang sa mag-aral siya sa Europe.

“So, mahirap po. Hindi biro.

“Marami pong ibinigay sa akin na mga kailangang panoorin na films. Isa na po yung ginawa ni Kuya Buboy [Cesar Montano] na Jose Rizal, ipnapanood po sa akin ’yon.

“’Tapos a few documentaries po na ibinigay din ng GMA News TV.

“October pa ang airing nito. Pero we’re gonna start shooting na this end of July.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, July 20.

PREPARATIONS FOR RIZAL ROLE. Bukod sa panonood ng pelikula at mga documentaries tungkol kay Jose Rizal, ano pa ang ibang preparations na ginagawa niya para sa bago niyang role?

“Research, of course.

"Lahat naman po tayo when we were in high school ay may konting background na about Jose Rizal because El Filibusterismo and Noli Me Tangere.

“Pero nag-focus lang ako ngayon dun sa topic na ‘yon. Kasi hindi biro yung magpu-portray ka ng isang national hero.

“Dahil all eyes on you diyan, e. Especially yung mga kababayan nating mga historical critics.

“Na, ’Bakit yung gaganap na Rizal, e, maputi? Bakit matangkad?’

“So we’re still working on that po sa appearance.

"Kung paano namin kahit papaano ilalapit yung hitsura ko po kay Rizal during his time," sabi ni Alden.

Magkakaroon talaga ng transformation at makeover sa looks niya?

“Yes po. Change of hair color. Magpapaitim nang konti.

“And hindi ko pa po alam kung ano pa ang ibang ipapagawa sa akin ng production team.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mag-aaral din ba siya ng mga foreign language na natutunan ni Jose Rizal, gaya ng Spanish?

Ani Alden, “Hindi naman po nila ako sinabihan. Parang on the spot na lang yata po iyon ituturo.

“Pero by myself po, I’ll study a few.”

Base sa pagkakaalam ni Alden, tatlo ang kanyang magiging leading ladies. At ang narinig niyang sigurado na ay sina Solenn Heussaff at Kylie Padilla.

“Hindi ko pa po alam kung sino yung isa pa.

“Pero masaya ako na nabigyan ng ganitong project ng GMA.

"Dahil sa pagkakaalam ko, yung mga ganitong napu-produce nila ay humahakot ng awards. And ang ganda ng nagiging feedback ng mga viewers.

"It’s something unique for GMA na nakakapag-produce ng mga ganitong serye.

“Sana po, maging successful dito itong Ilustrado. Sana makasungkit din ng awards, not for me, but for the show itself,” asam ng Kapuso hunk.

CONFLICT WITH OTHER MOVIES? Magkaroon kaya ito ng conflict sa ginagawa niya ngayong pelikula na Cain at Abel, kung saan kasama niyang bida rin si Aljur Abrenica?

Pagsang-ayon ni Alden, “Yun nga po, e. Iyon po ang medyo pinag-uusapan pa rin.

“Na very wholesome si Rizal, wala siyang bahid ng malisya or whatsoever.

“Yung sa Cain at Abel naman po kasi, very out of the box, e. Ibang klase po ito.

“Medyo wild. Medyo dark, e.

“Dark po yung character ko, e. Na bad boy talaga po, e.

“So, hindi ko po alam kung paano po ang mangyayari.

"Feeling ko naman po, sana po matapos na namin yung Cain at Abel before I start Ilustrado."

MENDING ALJUR-KYLIE RIFT? Si Aljur ang co-star niya sa Cain at Abel. Ang ex-girlfriend ng aktor na si Kylie naman ang isa sa magiging leading ladies niya sa Ilustrado.

Posible kayang maging instrumento siya para maayos ang magulo at maintrigang sitwasyon ngayon nina Aljur at Kylie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Alden, “Ay, wala naman po akong blessing na mag-ayos ng gusot ng mga… o yung conflicts po.

“Pero basta po ako, quiet lang naman po ako pagdating sa ganyan, e. Hindi po ako nakikialam.

“Kasi mahirap na pong may masabi. Mahirap nang masabihan ng nangingialam, hindi naman ako kasali.

“So, quiet na lang po ako. ’Pag humingi na lang po ng tulong, willing po ako.

“Willing naman po ako na… parang hindi naman maging instrumento kundi parang bridge para maayos lang yung mga dapat na ayusin.”

Pero sa pagsasama nila ngayon ni Aljur sa pelikula, hindi ba siya nai-intimidate sa aktor? May mga nagsasabi kasing maangas ito o parang ang yabang daw ng dating.

Depensa ni Alden sa kaibigan, “Hindi naman po. Kasi hindi ko naman nakikita ‘yon sa kanya kapag nagsu-shooting kami.

“Kahit po kapag nandito kami sa Sunday All Stars o ’pag nagkikita kami sa labas.

“Ewan ko lang po kung bakit may nasasabing ganun sa kanya. Pero hindi ko naman po nakikita iyon sa kanya.

“Okey naman po kami. We’re good friends.

“Ang first project po namin together ay yung sa Magpakailanman na magkapatid po kami dun.

“S, dun ay nagkaroon kami ng konting bonding moment.

“Na parang ginamit din po yun as preparation for the movie. Para maging adjusted kami sa company ng isa’t isa."

Dagdag pa niya, “God-fearing si Aljur, sobra po.

“I mean, most of the time, kapag nagkukuwentuhan kami, about religion and about past experiences namin.

“At saka yung kung ano ang tingin niya sa akin before. O yung tingin ko rin sa kanya.”



HELPING KYLIE HEAL? Nakakasama rin ni Alden si Kylie sa Sunday All Stars.

Kaya madali na rin lang siguro para sa kanilang dalawa na makabuo ng magandang rapport o chemistry habang nagtatrabaho.

Sabi niya, “Yes po. Kasi nag-screen test po kami bago siya na-consider for the role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And nakita ko naman po, we did a few scenes na medyo heavy. Na-pull off naman po.

“Nasiyahan naman po yung director at producer po namin.

"So, wala rin naman pong ilang sa akin si Kylie kasi matagal na kaming magkakilala.”

Sinasabing nasa stage of healing a broken heart si Kylie. Malamang kapag nagsimula na silang mag-taping ng Ilustrado, aalalay rin siya sa kung anumang pinagdadaanan ngayon ng aktres.

“Yes po. Pero siyempre, nasa kanila rin po iyon kung bibigyan nila ako ng blessing na umalalay o anuman.

“Pero hindi po ako para gumawa ng first step para makialam. Kasi mahirap na po talaga e,” giit niya.

ON JULIE ANNE. Si Julie Anne San Jose na minsan nang na-link sa kanya, may posibilidad kayang makapareha niya sa isang proyekto?

Ayon kay Alden, “Hindi naman po nawawala yung possibility. Pero ako po kasi, focused on acting.

“Siguro po siya, focused naman sa singing. As a performer and as a singer.

“Pero kung sakaling magkakaroon ng project para sa aming dalawa, okey naman po sa akin. Wala naman pong problema.

REALITY SHOW. Nakuwento rin ni Alden ang tungkol sa isa pang bagong project niya—isa namang reality talent search show.

Kuwento niya, “But, yun nga po, now aside from Ilustrado, gagawa rin po ako ng isa pang show sa GMA na reality-based show, na I’m gonna be one of the hosts po.

“Iikot po ako all over the Philippines to look for those talents. Hindi pa lang po puwedeng sabihin ang title.

“Pero isang reality-based talent search po ito. Parang StarStruck.

“Pero it’s singing and dancing na… kakaibang talent search talaga.

“Bago na naman po para sa akin ito. Parang ito po ang fisrt show ko na gagawin na talagang… as host. Pure hosting.”

Sino naman ang makakasama niya sa show na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang naririnig ko po ay si Ms. Regine Velasquez.

“And naghahanda na rin po ako para rito. Binigyan po ako ng a few workshop sessions with Direk Freddie Santos ng Artist Center for hosting.

“Si Direk Freddie naman, kilalang-kilala natin dito sa industriya, e. And napakabait niya, napakahusay na teacher.

“At saka ang Sunday All Stars, naging training ground ko sa hosting.”

Hectic na naman ang working schedule niya. Madalas ay kukulangin na naman siya ng tulog at pahinga.

“Yung Ilustrado, Cain at Abel, at itong reality talent search, sabay-sabay nga. Kaya thank you, Lord, maraming trabaho ulit!” sabay ngiti niya.

Ano naman ang update sa kanyang recording career? Kailan masusundan ang kanyang first album?

“Actually, tuluy-tuloy pa rin naman po ang promo tour ko para sa aking album. So, sana po masundan.

“Kung gusto pa ng Universal Records,” nangiting sabi ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN