Julie Anne San Jose aims for another Platinum record; wants a newbie as loveteam partner

Julie Anne San Jose on surpassing her 9X Platinum debut album: “Kinakabahan nga po ako! Ano… may pressure din po sa akin. Kasi, yun nga po, yung first album, ganun na ang status niya. ’Tapos parang kailangan pong ano, e… kailangang mas higitan pa ‘yon or kailangang pantayan, ’di ba? And, ayun, basta kung anuman po yung mangyari, so be it naman po.”


Nakakaintrigang may hawak pa ring microphone si Julie Anne San Jose kahit natapos na siyang mag-perform at nasa labas na ng studio ng Sunday All Stars kahapon, Linggo, July 20.

Hindi pala ito ordinaryo kundi mamahaling brand ng mic na inorder pa raw niya mula abroad. Ipina-personalize din niya ito dahil may nakasulat pang "JAPS," na siyang initials ng pangalan niya, sa mikropono.

Paliwanag ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media, “Aside from siyempre dun sa mismong quality ng tunog, kumbaga, mas maganda kung may sarili kang mic para at least, ’di ba, tantiyado mo?

“Tantiyado mo kung gaano kalakas o gaano kahina.

"At saka importanteng-importante yung monitors mo talaga, kailangang naririnig mo ang sarili mo.

“Tapos, ‘yon, sa hygiene din. Importante din ‘yon.

“Pero itong ganitong mic po, kailangan niya ng receiver din, parehas niya rin.”

May kamahalan daw ang ganoong klase ng microphone. Nasa P120,000 daw ang bili niya rito, hindi pa kasama ang pagpapa-personalize nito na aabot naman ng more or less ay P30,000.

Patuloy ng Kapuso singer-actress, “Maganda rin naman yung ganito na nag-i-invest ka.

“Actually, most of the international singers, merong ganitong sariling mic.

“Yung sa akin, pinalagyan ko po ng diamonds para ano lang… para magandang tingnan.”

Tamang-tama ang nasabing personalized mic niyang ito sa pinaplanong major concert niya. Tuloy na ba talaga ito?

Sagot ni Julie Anne, “Hopefully, matuloy talaga.

"I will let you guys know naman kapag tuloy siya. If ever, baka late this year.”

Sa malaking venue ba gaganapin, gaya ng Smart Araneta Coliseum o MOA Arena?

“Secret! Secret muna,” nakangiting sabi niya.

PLATINUM SINGER. Tungkol naman sa kanyang second album na Deeper, ani Julie Anne, “I’m happy naman po na maganda ang feedback, marami pong tumatangkilik ng album."

Nag-umpisa na rin daw siyang mag-mall tour para i-promote ang album niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-9 times Platinum ang kanyang unang album kaya matinding record ito na kailangan niyang talunin o lagpasan.

“Yes, oh my God!” sabay tawang reaksiyon ni Julie Anne.

“Kinakabahan nga po ako!

“Ano… may pressure din po sa akin. Kasi, yun nga po, yung first album, ganun na ang status niya.

“’Tapos parang kailangan pong ano, e… kailangang mas higitan pa ‘yon or kailangang pantayan, ’di ba?

“And, ayun, basta kung anuman po yung mangyari, so be it naman po.”

Kasama sa second album niya ang kantang "Right Where You Belong" na naging theme song ng Koreanovela na The Master’s Sun at popular ngayon at madalas pinatutugtog sa airwaves.

Sabi ni Julie Anne tungkol dito, “Natutuwa po ako kasi pini-play talaga nila yung music.

“Masarap sa pakiramdam na marami ang nakakagusto nito, sobrang thankful ako sa mga tumatangkilik nito.”

TELESERYE STAR. Mayroon ba ulit siyang gagawing soap opera sa GMA?

Sagot niya, “Pinag-uusapan pa rin po, baka mga last quarter of this year po.”

Kung may bago mang ka-loveteam na pinaplano ang GMA para sa kanya ay hindi pa raw alam ni Julie Anne.

Pero aniya, "I’m open.”

Kung siya ang hihingan ng suggestion, sino ang gugustuhin niyang i-request na makapareha?

Tugon ng 20-year-old singer-actress, “Ano… siguro po, sana bago.

"Kasi parang konti lang yung leading man natin dito na medyo kasing-edad ko or something.”

May bagong Kapuso singer-actor na ibini-buildup ngayon ang GMA. Ito ay si Ken Alfonso na nag-launch ng single nito sa Sunday All Stars noong Linggo, at sa ngayon ngayon ay napapanood na rin bilang karagdagan sa cast ng afternoon series na Dading.

Okey lang kay Julie Anne kung sakaling ito ang sunod niyang makapareha?

“Kahit naman po sino, puwede naman po sa akin,” sagot niya.

Okey lang din ba si Alden Richards na dating na-link sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit sino po, I’m open to possibilities naman.”

GRANDPARENTS’ DREAM. Bago tuluyang nakilala bilang isang singer-actress, maraming sinalihang contests si Julie Anne.

Una na nga rito ang "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga! noong 1998.

Kuwento niya, “Three years old lang ako nun.

"Nakaabot ako hanggang grand finals at nakapuwesto bilang second runner-up.

“Ang natatandaan kong talent ko, kumakanta ako at sumasayaw habang tumatawa. Kasi may malaking screen sa harap ng stage.

“Nakikita ko ang sarili ko dun kaya tumatawa ako nang tumatawa.

“Basta ang naaalala ko, nagpupunta kami kung saan-saan. ’Tapos naglalaro kami, ganyan-ganyan.

“’Tapos mga screening-screening, ganyan.”

Ano ba ang naging motivation niya para sa ganung napakamurang edad ay sumali siya sa ganung beauty contest for kids?

Sabi ni Julie Anne, “It was my grandmother who persuaded me to join kasi mahilig talaga sila sa artista… yung sa father side ko.

“Pero si Papa, ayaw niya talaga ng showbiz. Si Lola talaga at saka si Lolo, sila yung talagang mahilig.

“Na sinasabi nila, ’O, Julie, balang-araw, magiging artista ka, magiging singer ka,’ ganyan-ganyan.

“Then, parang ako, naaalala ko na… ang sinabi sa akin nina Lolo at Lola na natupad ko yung gusto nila for me.

“Kasi, even sa school, isinasali nila ako sa mga contests.

"’Tapos dumating ang time na mas ginusto ko na mag-concentrate sa pag-aaral.

“Hanggang sumali na ako sa Popstar Kids. I was one of the contenders.

“Pero hindi po ako ang nanalo, si Rita de Guzman ang naging winner.

“Nagkaroon pa kami ng grupo nun, yung SugarPop. Hanggang na-disband kami at yung iba nag-aral na lang po.”

Sa mga kabataang nangangarap sundan ang kanyang yapak, ano ang advice na puwede niyang maibigay?

“Just keep on doing what you’re doing. Keep on pursuing what you want… your dreams.

“Kasi importante ‘yon, e. And huwag silang susuko,” sabi ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN