Charee Pineda confirms she’s in a relationship with non-showbiz guy

Charee Pineda does a balancing act in proving her worth both as an actress and elected public official: “Mahirap pumili sa parehong field na nag-e-enjoy ka."


Suportado ng aktres at Valenzuela City Councilor Charee Pineda ang pagpapaigting pang lalo ng Anti-Hazing Law.

Sa Sunday All Stars nga kahapon, Linggo, July 20, masigasig siya sa pagpapa-fan sign sa Kapuso celebrities kaugnay nito.

Sabi ni Charee sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ito yung advocacy namin na pinu-push ngayon.

“Mahalaga na makakuha ng suporta sa mga tao lalo na sa mga teenagers, yung mga age na pumapasok sa mga colleges, para at least ma-aware sila.

“Dumarami na rin kasi ang mga nabibiktima ng hazing, e.

"Hindi naman kami kontra sa brotherhood o yung sa mga fraternities, yung sa hazing lang talaga.

"And itong advocacy na ito, hindi talaga sa akin, project ito ng congressman namin sa Valenzuela, si Congressman Sherwin [Gatchalian]."

Ayon kay Charee, bilang artista at konsehal ng Valenzuela, nasa posisyon siya para makatulong na dumami ang mag-push ng "stop hazing campaign."

Aniya, "Yung mga followers din ng mga young actors at iba pang mga artista natin, maano rin sila na pigilan yung hazing.

“Siyempre, katulad ko na meron din akong kapatid na first year college student… at least yung ma-aware lang sila.

"Hindi naman kinukontra yung brotherhood talaga kundi yung hazing nga.”



BALANCING ACT. “Hopefully soon, sana!” sabay tawa ng actress-politician nang tanungin kung kailan naman siya babalik sa acting.

Saad pa ni Charee, “Gusto ko na rin na magkaroon ulit, pero okey rin lang naman dahil after Akin Pa Rin Ang Bukas, nagkaroon ako ng The Borrowed Wife.

“Kaya siguro pahinga-pahinga at gamitin itong time na ‘to para makapag-prepare sa mga susunod na offer sa akin.”

Baka naman naging mapili siya sa roles lately?

“Hindi naman... hndi naman,” tanggi niya.

Dapat sana ay kasama siya sa indie film na Kamkam, na kapapalabas pa lang, pero tinanggihan niya yung role na napunta kay Jackie Rice.

Balitang dahil masyadong daring ang nasabing role, na may love scenes kina Allen Dizon and Kirbie Zamora, kaya niya tinanggihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Charee, “Hindi naman, I just have to choose.

"Medyo napagsabihan ako ng mayor namin na kailangan… kasi ikinonsulta ko kasi sa kanya.

“Dahil may Sitio Kamkam kami sa Valenzuela kaya kailangan medyo mag-ingat ako, kailangan kong pumili.

"Mahirap lang kasi na mag-go ako sa isang project, ’tapos pagdating ko sa set, saka ako magsi-set ng demands.

“Kaya kailangan kong pumili bago mag-start yung shoot ng pelikula.

“Hindi lang dahil sa mga intimate scenes na niri-require nung role dahil na rin sa… siguro konsehal ako.

"’Tapos yung story, medyo kontra sa ano ko, kaya kailangan ko talagang pumili.

“Kailangan talagang i-balance, kasi ang showbiz din naman, ayoko namang magkaroon ako ng problema sa mga kasamahan natin.

"Maliit lang yung mundo natin, baka mas magkaroon kami ng problema.

"At saka mabait yung production ng Kamkam,” pagtukoy niya sa Heaven’s Best Entertainment na siyang nag-produce ng nasabing pelikula.

“Kaya sobrang nakakahiya rin na mag-ano…”

Pinagbubuti raw ni Charee ang kanyang pagtupad sa kanyang tungkulin bilang councilor ng Valenzuela.

Siya ang chairperson ng Anti-Drug Abuse Council at Committee on Education, Arts And Culture sa kanilang siyudad.

Pahayag niya, “Bina-balance ko talaga ang showbiz at ang politics, kasi parati akong tinatanong—showbiz ba o politics na lang?

“Mahirap pumili sa parehong field na nag-e-enjoy ka.

"Dati sabi ko, ’Pagod na akong mag-taping, ayoko na.

“Pero kapag wala na akong taping, nami-miss ko namang mag-taping.

"Mahirap talagang pumili. Time management lang talaga, ‘yon!”

NEW MAN. Kumusta naman ang estado ng kanyang lovelife ngayon?

“Mabuti! Mabuti naman,” nakangiting sagot ni Charee.

Mayroon na ba siyang bagong special someone matapos ang matagal-tagal ding panahon ng pagiging loveless?

“Meron, pero he’s not from showbiz,” pag-amin ng Kapuso actress.

Hindi rin daw politician ang boyfriend niya ngayon.

Biro pa ni Charee, “Mas tahimik yata ang buhay ko kapag wala showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Selosa ako masyado kapag artista ang karelasyon ko!”

Gaano na sila katagal na mag-on ng boyfriend niya ngayon?

“Bago pa lang po, bago pa lang, relax lang kayo!”

So, hindi pa niya masasabi na he’s the one?

“Ay, hindi pa, wala pa, saka na.

"Masyadong excited naman agad!” natatawang sabi ni Charee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN