Manilyn Reynes says money is non-issue between her and husband Aljon Jimenez

Ayaw raw ni Manilyn Reynes na pag-usapan ang pera, lalo na sa loob ng kanyang pamilya, dahil kadalasan ay ito raw ang dahilan ng pagkakaroon ng hidwaan ng mag-anak at mag-asawa.


Magla-labinwalong taon na ang samahan ng mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez.

Mayroon na silang tatlong anak na lalaki.

Abala ngayon si Manilyn sa tatlo niyang TV shows sa GMA—Pepito Manaloto, My BFF, at Sunday All Stars.

Si Aljon, na dati ring artista, ang tumatayong manager niya ngayon.

Wala bang problema kung sino ang mas kumikita ng mas malaki sa kanilang dalawa?

Sabi ni Manilyn, “Ay, wala! Wala. Diyan, iisa lang din ang pag-iisip namin when it comes to money.

“Ako kasi, ever since ganun, e, kahit with family.

“Pagdating sa pera, walang dapat pag-awayan.

"Yung, whether or not meron ka, or wala, may mga panahon na wala ka, may mga panahong meron.

“Pero hindi dapat yun ang maging ugat ng kahit anong hidwaan sa family, lalo sa mag-asawa.

“Wala dapat ‘Sa’n napunta yung ganito ko, bakit… saan…’ ganung sumbatan.

“Hindi puwede talaga namin pinapaabot sa kahit anong bagay na puwedeng ikasira ninyong pareho or as individuals, kasi pera ‘yan, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling entertainment press si Manilyn sa set visit ng GMA series na My BFF, sa Semicon Building, Marikina City, noong Biyernes, July 19.



MY HUSBAND, MY MANAGER. Ayon kay Manilyn, 41, itinigil muna nila ng kanyang asawa ang food business nila.

Pero kapag maisipan daw nila ulit mag-business, pagkain pa rin daw ang kanilang nais inegosyo.

Ngayon, abala on-camera si Manilyn, at off-camera naman si Aljon bilang manager niya.

Bilang manager, may komisyon ba si Aljon?

Nakangiting sabi ni Manilyn, “Siyempre dapat, ‘di ba?

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Hon, ang manager, ganun talaga, kahit ganyan-ganyan or ganito, meron talaga yun, just like my former business manager.’

“Sabi niya, ‘Honey, bahala na, basta I can do all these things for you, okay lang, ‘di ba? Yung… I do the talking, I do the dealings, the transactions,’ sabi niya, ‘Bahala na, hayaan mo na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa kanya, ‘You should, kasi in that way also, namu-monitor din natin, where this is going.

“Kung kunyari, you’re giving 20 percent, how much would that be in ganyan [project]…

"Pinag-uusapan naman namin yun bilang mag-asawa nga, kasi hindi kayo yung ganun masyado sa pera.

“You’re earning as a family and that’s good, you’re earning as individuals then that’s good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN