Gab Valenciano explains decision to back out from America’s Got Talent

Gab Valenciano on his decision to live in the States: "[D]oon, natikman ko yung feel na ordinary, yung tao na simple lang na walang nanggugulo. Tahimik lang ang buhay. Parang nagustuhan ko, I enjoyed that life. Mas marami akong nagagawa. Life is simpler. Saka alam naman natin na ‘pag galing sa States, malawak yung reach mo. Hindi lang Pinoy, lahat."


Babalik na sa Florida, USA, si Gab Valenciano mula sa isang buwang bakasyon dito sa Pilipinas.

Umuwi si Gab para sa repeat concert ng kanyang amang si Gary Valenciano, ang Arise, at para na rin kitain ang kanyang fiancée na si Patricia Centenera na narito ngayon sa bansa galing naman ng Australia.

Magtatapos na kasi si Gab ng kanyang kursong Recording Arts sa Full Sail University, sa Winter Park, Florida.

Pagbalik sa Amerika ay kasama na niya si Patricia.

Saad ni Gab sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang bilis ng panahon na magga-graduate na ako.

“It’s a two-year course. Kung ano yung pinaggagawa ko sa video ko, yun ang produkto.

“Hindi ko alam kung magiging proud ba ako o ikahihiya ko yun.”

Ang tinutukoy na video ni Gab ay ang “Super Selfie” videos niya na naging hit sa YouTube.



SUPER SELIFIE VIDEOS. Idinetalye ni Gab ang planong paglipat niya ng Los Angeles, California, para magtayo ng sariling production company na magki-cater sa music and video.

Kasama rin daw sa plano ni Gab ang bumuo ng isang album kung saan makikipag-collaborate siya sa artists na gaya nina Sam Concepcion, Jay-R, at siyempre pa ang kanyang ama.

“Marami akong gustong makipag-collaborate pero, as of now, ipu-put up ko muna yung company para may masimulan ako.

“I was fortunate dahil sa Super Selfie, I was able to build up a YouTube fan base na maingay ngayon.

“Nasa 80,000 subscribers na ako. Saka ang daming inquiry from UK, Italy…

“Ang daming pumapasok na, ‘Hi, do you do this? Can we invite you to perform here?’

“Dahil doon, gagamitin ko na yung connection na yun para sa company ko.

“Iku-connect ko na yung sa mga ginagawa ko.

“And it’s exciting kasi I’m partnering with AJ Rafael, yung YouTube sensation din siya na Pinoy sa States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’ll gonna be partnering together sa company na ito kaya medyo exciting.

“Kasi ang focus namin nga, music video for YouTube artists.

“Alam mo naman kung gaano kalaki yung YouTube sa buong mundo.

“Saka ang goal ko rin, yung mga indie films sa States.

"Yung directing the project, yes.

"Pero yung directing photography, cinematography, editing, screenplay, iba yun.

“Pero ako, magpu-focus ako sa musical scoring and directing also.”



AMERICA’S GOT TALENT. Dalawa raw ang rason ni Gab kung bakit nag-backout siya sa America’s Got Talent, ang sikat na reality show sa U.S.

Nag-audition si Gab sa naturang reality show, nakapasa, ngunit sa huli ay nag-backout siya.

Paliwanag niya, “Yung isa, medyo alam naman natin ang reality TV show kung gaano ka-tight yung hawak nila sa iyo.

“And ang mangyayari dun… I don’t think gusto ng family and me na I would be locked in whatever.

“Kumbaga, wala akong freedom to do what I want.

“Number two, na-experience ko na yung showbiz dito, na-experience ko na yung nakilala…

“Hindi naman bilang artista, pero siyempre wala akong magagawa na daddy ko si Gary V.

“Pero doon, natikman ko yung feel na ordinary, yung tao na simple lang na walang nanggugulo. Tahimik lang ang buhay.

“Parang nagustuhan ko, I enjoyed that life.

“Mas marami akong nagagawa. Life is simpler.

“Saka alam naman natin na ‘pag galing sa States, malawak yung reach mo. Hindi lang Pinoy, lahat.

“Yung Super Selfie doon, nag-confirm.

“Kasi ang daming nagmi-message sa akin na, ‘Hi, I’m from Greece. I’m from Rome. I’m from the Netherlands… you have a lot of fans here.’ Pero hindi sila Pinoy.

“Nakakatuwa nga dahil nag-post ako ng video namin ng father ko, yung Father’s Day.

“Sinasabi nila, ‘Teka, teka, yung dad mo ba, famous?’ Sobrang nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos yung mga Pinoy sinasabi, ‘Yes, he’s Gary V.’

“’Tapos sinasabi ko na, ‘He’s really famous.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN