Karylle says friendship with Vice Ganda is not perfect; admits she learns a lot from him

Karylle says husband Yael Yuzon and Vice Ganda have their bonding topics and are now okay with each other.


Bagamat may ups and downs, marami raw natutunan si Karylle sa kanilang pagkakaibigan ni Vice Ganda.

“We’ve had our ups and we’ve had our recent down,” ani Karylle nang matanong tungkol sa friendship nila ni Vice.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-host-actress sa Yahoo! Celebrity Awards noong Biyernes, July 18, kung saan nanalo sila ni Vice bilang Loveteam of the Year.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Karylle at Vice na kinasangkutan din ni Yael Yuzon, vocalist ng bandang SpongeCola at asawa na ngayon ni Karylle.

Ibinalita na hindi umano sang-ayon si Yael sa pagpapareha kina Karylle at Vice na nagsimula sa noontime show na It’s Showtime.

Gayunpaman, nagkaayos at nagkabati rin sina Vice at Karylle matapos isapubliko ni Vice ang tungkol sa kanilang tampuhan.

Read: Vice Ganda admits “tampuhan” with Karylle; offended by comment of her fiancé Yael Yuzon

Sabi pa ni Karylle tungkol sa kaibigang si Vice, “But, yun talaga yung friendship na masasabi ko na ang daming kong ngiti at crazy things na natututunan sa kanya.”

Malaki raw ang naitulong sa kanya ni Vice para magkaroon ng growth.

“I think he’s helped me grow as a person.

"I like that about him, kasi there are friends who will just let you stay the way you are forever, which is good.

"But it’s nice to be pushed to your limit. And that’s one thing that I learn from him constantly day to day.

"’Pag nag-i-improve ako, talagang sasabihan niya [ako], so it’s nice to have a friend like that."

VICE AND YAEL. Nangangahulugan ba itong kinalimutan na nina Vice at Yael ang kanilang ’di pagkakaunawaan noon?

Sabi ni Karylle, “I wouldn’t want to say it’s past... it’s part of who we are as friends.

"It’s not a perfect friendship, but it’s a wonderful friendship nonetheless.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think every single friendship is different.

"But what makes ours unique is that meron kaming pinagdaanang ganun. Basta meron din namang high.

"Wala, e… I really love Vice.”

Inilahad ni Karylle na kamakailan ay ikinuwento niya kay Vice ang tungkol sa pagre-renovate sa kanyang bahay, at nagprisinta umano ang kaibigang magregalo ng gamit.

Magkaibigan na rin ba sina Vice at Yael?

Sabi ni Karylle, “Okay naman sila.

"Actually, meron silang sariling bonding topics na hindi ko puwedeng masabi ngayon, masyado siyang private.

“They have their own closeness. And it’s nice to see them when they hang out.”

Matagal na raw nagkaayos ang dalawa at madalas pumunta sa mga lugar sa Quezon City para magsama-sama.

ON MARRIED LIFE. Ano naman ang mga bago niyang na-discover sa kanyang asawang si Yael?

Saad ni Karylle, “Masipag talaga siya sa bawat bagay.

“Yung little things na ’di ko inaasahan na gagawin niya, ginagawa niya.

"Siguro kasi lalaki siya, I didn’t expect every day he would be cooking.

“Minsan sabay kami, sharing chores…”

Pagdating naman sa pagkakaroon ng anak, sabi ni Karylle, “Siguro darating yung baby kapag ready na.

"But ngayon, unti-unti lang naming hinahanda yung sarili namin and adjusting to life as a couple."

Maganda naman daw ang kanilang pag-a-adjust sa buhay-mag-asawa, at malaki ang pasasalamat nila na supportive ang kani-kanilang mga magulang.

Napag-usapan na rin lang ang tungkol sa magulang, natanong si Karylle tungkol sa posibilidad na pagpapakasal ng inang si Zsa Zsa Padilla sa boyfriend nitong architect na si Conrad Onglao.

Aniya, wala pa siyang nababalitaang magpapakasal na ang ina.

Sa isyu naman kung pabor siya sa muling pagpapakasal ng ina, sagot ni Karylle, “I think we’ll cross the bridge when we get there.

“For now, I think it’s nice to enjoy what they have, kasi ’pag nahaluan na ng mga talks na ganyan, medyo may nawawala rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang hayaan na lang natin i-enjoy [nila].

"After ligawan, i-enjoy niyo muna yung honeymoon phase."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN