Jodi Sta. Maria in good terms with ex-husband Pampi Lacson; Richard Yap affirms his marriage has a solid foundation

For Jodi Sta. Maria, Be Careful With My Heart has opened unbelievable opportunities. She says, "Nagkaroon tayo ng album na hindi ko naman inisip… dahil pang-videoke lang ang beauty ko."



Sabay na nag-guest ang lead stars ng Be Careful With My Heart na sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria sa The Buzz kahapon, July 20.

Ang unang napag-usapan ay ang babaeng anak ni Richard na si Ashley Yap na magde-debut na.

Sa halip na magarbong debut party, sinunod daw ni Richard ang kahilingan ng anak na regaluhan na lamang siya ng isang sasakyan.

Hindi raw ang brand ng sasakyan na iniendorso ni Richard ang binigay niya sa anak.

Pilit na tinanong ni Kris Aquino, isa sa mga host ng programa, kung anong brand ng sasakyan o kung mas mahal ba ito sa iniendorso niya.

Sabi ni Richard, “Hindi naman, it’s a practical choice.”

Pero binuko naman ni Jodi ang leading man at pa-humble lang daw ito.

Sabi ng aktres, “Sabihin mo na, it’s a [Mercedes] Benz.”

Natatawang sabi naman ni Richard, “It’s a bench… upuan!”

CHANGES. Halos dalawang taon nang tumatakbo ang morningserye nina Richard at Jodi na Be Careful With My Heart.

Anu-ano ang mga pagbabagong naidulot nito sa kanila?

Ayon kay Jodi, “Marami… yung show ang nag-open ng napakaraming opportunity para sa akin na hindi ko na inakala para sa karera ko at sa buhay ko.

"Nagkaroon tayo ng album na hindi ko naman inisip na magkaka-album tayo dahil pang-videoke lang ang beauty ko, alam niyo yun.

"Ang dami pang iba, nagkaroon ng concert, world tour, billboards, endorsements."

Kapag nakikita ni Jodi si Richard at ang misis nitong si Melody Yap, naiisip ba niya na kahit mga artista sila ay posible ang masayang buhay pamilya?

“Ay, oo naman,” sagot ng aktres.

“Natutuwa ako sa kanilang dalawa, especially kapag may mga out-of-the-country show, si Mommy Chen, talagang full support kay Chen [Richard] at siyempre sa aming trabaho.

"Siya pa ang nagsasabi na, ’Sige, maging sweet kayo.’ Nakakatuwa yung support niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOOD HUSBAND. Sabi naman ni Richard, wala siyang kapilyuhang ipinakita o ginawa simula nang ikasal sila ng kanyang maybahay.

Aniya, “Hindi, kasi we’ve been together for a long time and we’ve been through ups and down also.

"We’ve been through good and bad so we have a good foundation.

"I think that’s the secret to our marriage talaga, good foundation.

"We trust each other and we support each other with whatever we do.”

Paano niya hina-handle kapag sinasabi ng mga fans niyang babae na, “Papa Chen, anakan mo ako!” Nakakatanggap ba siya ng mga ganoong proposal?

Natawang sagot ni Richard, “Not really!

“You just have to smile. Yun lang ang masasagot ko.

“Kasi it might be a joke. If you treat it seriously, they might say, ’Ang ano mo naman... sineseryoso mo.’”

Yung heartthrob status, paano niya mine-maintain?

“Hindi ako yun,” nakangiting sai ng tsinitong aktor.

Nagwo-workout siya?

“Yes, you watch your diet and you really go to the gym also.

"Kahit na we’re taping four, five times a week, or minsan hanggang Saturday, I make it a point to go at least once a week if I can’t go other times.”

FOR THIRDY. Sa panig naman ni Jodi, maayos na raw ang relasyon nila ng dating asawa na si Pampi Lacson, kunsaan may anak siya—si Thirdy.

“Oh, yes, in-invite ko nga siya sa concert,” sabi ng aktres.

Ang tinutukoy ni Jodi ay ang thanksgiving concert na Be Careful With My Heart, I Heart You 2, na gaganapin sa July 25, sa Smart Araneta Coliseum.

Manonood daw ito?

“Siguro pinag-iisipan pa niya... hindi, joke lang!

"Pero, yes, maayos kami, salamat sa Diyos.

"For Thirdy at saka para lumaki nang maayos din ang sitwasyon, para sa bata, ‘di ba?”

Busy siya sa trabaho, paano niya natututukan ang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jodi, “Kailangan kasi commitment mo ‘yan, responsibilidad, at obligasyon mo sa anak mo.

"Hindi pupuwedeng busy ako, hindi siya rason.

"Kapag alam kong magiging busy ako, ine-explain ko sa anak ko na, ’Babes, I’ll be very busy next week. I hope you understand.’

“I communicate with him and he understands naman and I make bawi talaga.

“Kasi he loves to travel, nagta-travel kami.

"Natuloy kami sa States, nag-Disney cruise kami and sinuyod namin ang Florida.

"And seeing him happy makes me happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN