Raymart Santiago camp slams Claudine Barretto camp for "battered wife" allegation; shows Claudine’s "post-surgical procedure" photos

Raymart Santiago’s camp reveals new "post-surgical procedure" photos of his estranged wife Claudine Barretto taken during a Holy Week vacation in 2010. "Battered wife?!? Seriously...?!? Who would believe such a lie?" says the caption of the photos seen above.


Pinabulaanan ng kampo ni Raymart Santiago ang espekulasyon na ang mga sugat at pasang tinamo ni Claudine Barretto ay sanhi ng diumano’y pambubugbog ng aktor noong panahong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Kaugnay ito ng kontrobersiyal na photo shoot ni Claudine noong July 18, kung saan ipinakita ng aktres ang kanang hita niyang tadtad ng mga sugat, peklat, at paso ng sigarilyo.

Bagamat hindi direktang pinangalanan ni Claudine kung sino ang nanakit sa kanya, inihayag ng aktres na tanggap na niyang isa siyang “battered wife.”

Read: Claudine Barretto shows deep wounds scars in photo shoot; ready to resume court battle against Raymart Santiago

“BATTERED CLAUDINE” PHOTOS. Kasunod nito, kumalat sa Internet ang ilan pang larawan ni Claudine na may malaking pasa sa ilalim ng kanyang magkabilang-mata.

Kapansin-pansin din ang tila papagaling nang mga pasa sa bandang ibabang bahagi ng magkabilang-pisngi ni Claudine.

Ang mga naturang larawan ay galing sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio at nailathala sa Fashion Pulis blog site.

Ayon kay Atty. Topacio, sadyang itinago umano ni Claudine mula sa publiko ang sitwasyon niya bilang isang “battered” wife, sa pamamagitan ng paglalagay ng makeup, ’tulad ng concealer at foundation, sa mga tinamong sugat at pasa ng aktres.

PHOTOS OF CLAUDINE’S “POST-SURGICAL PROCEDURE.” Buwelta ng kampo ni Raymart, pawang kasinungalingan ang alegasyon ni Claudine na isa siyang “battered wife.”

Bilang patunay, nagpadala ang kampo ni Raymart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, July 21, ng limang larawan ni Claudine na mayroong bandage tape sa mukha.

Ang mga naturang litrato ay kuha umano noong Holy Week ng taong 2010, na pumapatak sa petsang March 31 (Monday) hanggang April 4 (Easter Sunday).

Ayon sa kampo ni Raymart, ang tinamong sugat at pasa sa mukha ni Claudine ay hindi sanhi ng pambubugbog ng aktor kundi isang “post-surgical procedure.”

Base pa rin sa mga larawan na ipinadala ng kampo ng aktor, makikitang nakangiti ang mag-asawang Raymart at Claudine habang nakikipag-bonding sa mga kaanak ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa isa sa mga larawan ang mga nakatatandang kapatid ni Raymart na sina Randy, Rowell, at Jun-Jun Santiago.

“Here is a truthful version of the recent Twitter post of a make-up tutorial to conceal bruises, perhaps even wounds and scars, with the allusion of the subject having been battered…

“The wounds and scars are definitely real, but how they were sustained is a different story altogether,” saad ng isang bahagi ng official statement na ipinadala ng kampo ng aktor.

Ang unang litrato ay isang close-up shot ni Claudine, kung saan makikitang nababalutan ng bandage tape at foam ang mukha ng aktres.

Kalakip nito ang isang caption mula sa kampo ng aktor na nagsasabing: “Before applying make-up, first make sure that the wounds from the post-surgical procedure have healed so the bandage can be safely removed.”

Ang ikalawa litrato ay isang wacky shot ng mag-asawang Raymart at Claudine.

Bagamat hindi nakangiti si Claudine, makikitang nakahilig ang ulo ng aktres sa balikat ni Raymart.

Kalakip nito isang caption mula sa kampo ng aktor na nagsasabing: “Battered wife?!? Seriously...?!?”

Ang ikatlong litrato ay isang group shot nina Raymart at Claudine kasama ang ibang kaanak ng aktor, kabilang na ang kapatid ni Raymart na si Randy Santiago (dulong kaliwa).

Mayroon itong kadugtong na caption na nagsasabing: “…Amidst these happy faces…?!?!”

Ang ikaapat na larawan ay isa pang couple shot nina Raymart at Claudine. Maluwag ang pagkakangiti ni Raymart habang si Claudine ay tila hirap na makangiti o maigalaw ang pisngi sanhi ng bandage tape sa mukha nito.

Sabi sa kadugtong na caption para ng naturang larawan: “...Who would believe such a lie??”

Ang ikalimang litrato ay isa pang group shot kung saan makikitang parehong nakataas ang mga kamay ni Claudine, na mukhang nag-e-enjoy sa pool party sa kabila ng mga sugat sa mukha ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ay isa pang kadugtong na caption na nagsasabing: “…About one happy battered wife…???”

RAYMART’S CAMP SLAMS ATTY. TOPACIO’S “MAGIC OF MAKEUP” TWEETS. Sa huli, nagpatutsada ang kampo ni Raymart tungkol sa step-by-step explanation ni Atty. Topacio kung paano natakpan ng concealer ang mga pasa ni Claudine noon.

Ang totoo ay kuha raw ang mga iyon bago ang live guest appearance ni Claudine sa Showbiz Central, dating showbiz talk show ng GMA, noong April 4, 2010.

Hinamon din ng kampo ni Raymart na ibunyag ni Claudine ang tunay na dahilan kung bakit siya nagkaroon ng mga pasa at kinailangang takpan ng makeup ang mukha ng aktres noong araw na iyon.

Sabi ng kampo ni Raymart tungkol sa “magic of makeup” photo ni Claudine:

“Once the skin has healed, bandage is removed and the face is ready for make-up application. Honesty would also help… Tell the make-up artist how the discoloration was sustained so she would know what make-up to use.”

Sabi ng kampo ni Raymart tungkol naman sa “after applying concealer” photo ni Claudine:

“Apply concealer to hide the bruises under the eyes... and a nice warm blush to conceal the swelling on both cheeks.”

At panghuling patutsada ng kampo ni Raymart para sa “finish product” photo ni Claudine:

“Finish it with fresh, light lipstick and voila!! Subject is ready to shoot with a narrower face!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN