Mona Louise Rey does not have any ill feeling for her estranged dad

Mona Louise Rey on her ghost sighting: “Hindi po ako sure kung multo yun, pero parang may nakita po ako sa [taping ng] Munting Heredera, sa mansiyon po. Parang nakapang-cowboy siya, parang ganun po, naka-checkered ‘tapos may hat. ’Tapos nakapatay po noon yung ilaw kaya parang may nakita po akong nakatayo sa may hagdan."


Aminado si Mona Louise Rey na kahit sila ng kapwa niya Kapuso child star na si Jillian Ward ang mga bida sa GMA primetime series na My BFF ay hindi sila gaanong nakakapag-bonding.

Paliwanag ni Mona, “Kasi po magkaiba po kami ng tent.”

Nagkikita lang daw sila kapag magkasama na sila sa eksena.

“’Tsaka hindi po kami nakakapaglaro, kasi ano po, nagkakasama kami ‘pag nagre-reading [ng script], ganyan lang po.”

Ilang buwan na rin silang nagte-taping, at ayon kay Mona, hindi naman siya pinahihirapan ng sakit niyang diabetes.

“Hindi naman po siya tumataas, hindi po tumataas yung blood sugar ko.

“Ngayon, one hundred or two hundred lang po,” sabi niya.

Wala rin naman daw pagkain na bawal sa kanya, kahit na matatamis ‘tulad ng candy.

“Puwede po, lahat po puwede, basta konti-konti po.”

Dahil may sakit siya ay alagang-alaga si Mona Louise ng pamilya, pero hindi naman daw siya spoiled.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mona sa taping ng My BFF, sa Marcos Hi-way, noong Biyernes, July 18.



RYZZA MAE DIZON. Dati pa ay sinabi na ni Mona na walang rivalry sa pagitan nila ni Jillian, at ganun din ang huli.

Kaya tinanong namin si Mona kung sa tingin ba niya ay may kumpetisyon sila ng isa pang Kapuso child star na si Ryzza Mae Dizon.

Aniya, mabait si Ryzza Mae at wala silang kumpetisyon.

Magkakila ba sila ni Ryzza Mae?

Sagot ni Mona, “Opo, pero hindi po kami masyadong close. Kasi nag-usap lang po kami dun sa The Ryzza Mae Show, nag-guest po ako.”



GHOST STORY. Sa My BFF ay may kaibigang multo si Mona, na ginagampanan naman ni Jillian.

Ano ang kanyang gagawin kung sakaling makakita siya ng multo sa tunay na buhay?

“Okay lang po, basta mabait!” nakangiting sabi ni Mona.

Hindi siya matatakot dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa simula po. ‘Pag nagpakita siya, matatakot ako.

“Pero ‘pag mabait po naman, hindi po.”

Nakakita na raw siya ng multo sa tunay na buhay.

“Hindi po ako sure kung multo yun, pero parang may nakita po ako sa [taping ng] Munting Heredera, sa mansiyon po.

“Parang nakapang-cowboy siya, parang ganun po, naka-checkered ‘tapos may hat.

“’Tapos nakapatay po noon yung ilaw kaya parang may nakita po akong nakatayo sa may hagdan.

“Pero hindi ko po nakita yung mukha, yung suot niya lang.”

Siya lang ba ang nakakita?

“Ewan ko po kung nakita siya ni Miggs, hindi po ako sure kung nakita niya.”

Ang tinutukoy ni Mona ay ang ang child actor na si Miggs Cuaderno, co-star niya sa Munting Heredera at sa My BFF.

Best friend din ni Mona si Miggs sa tunay na buhay.

“Simula po sa Munting Heredera, kasi siya po yung una kong nakasama,” sabi ni Mona.



INVESTMENTS. Bilang isa sa pinaka in-demand na child star sa Kapuso network, tinanong ng PEP si Mona kung ano na ang nabili niya mula sa kanyang kinikita sa showbiz.

Nakabili na ba siya ng kotse?

Sagot niya, “A, hindi po. Hindi pa po kasi ako artista, sa amin na yung kotse, bigay po ng daddy ko noon.”

May bahay na rin daw sila.

“’Tapos po may pinag-iipunan po kami, kasi po baka po papatayo pa namin yung isa naming bahay.

“Kasi po, yung dati po, sa Antipolo po kami nakatira.

“Yung bahay po namin, e, ang layo po sa taping kaya pinapaupahan na lang po.”

Sa isang apartment sa Sta. Mesa raw sila nakatira ngayon.

Bunso sa apat na magkakapatid si Mona Louise, ang isa niyang kapatid na babae ay nasa Bahrain.

“Siya po yung nagha-handle ng business namin.”

Swan Lake daw ang pangalan ng restaurant nila sa Bahrain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung daddy ko po kasi Bahrainian, Arab.”



MONA’S DAD. Sa Makati nakatira ang ama ni Mona Louise na matagal nang hiwalay sa kanyang ina.

Matagal na rin daw niyang hindi nakikita ang ama.

“Dati po, pero ngayon hindi na po. Mga one or two years ago na po yata.”

Kahit sa text ay wala silang komunikasyon ng kanyang daddy?

“Dati po, tinext ko siya. Nag-reply naman po.”

Nalulungkot ba siya na hindi niya nakikita o nakakausap ang daddy niya?

“Hindi naman po, sanay na po kasi ako, e.”

Naiintindihan daw ni Mona ang sitwasyon na magkahiwalay ang parents niya.

Hindi raw niya alam kung may iba nang pamilya ang ama niya.

“Hindi ko po alam sa kanya… yata po.”

Pero hindi raw nagtatampo si Mona na hindi siya dinadalaw ng ama.

Kahit hindi raw kapiling ni Mona ang ama ay masaya naman siya.

“Opo, kasi po yung mga sister ko po ‘tsaka brother ko, kasama ko.

“Pero minsan po, malungkot, kasi yung isa kong sister, nasa Bahrain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN