Robin Padilla wants a Muslim boyfriend for daughter Kylie

In a rare moment, siblings Robin Padilla (second from left), Rommel Padilla (far right), and BB Gandanghari (center) appear together in an awards night. The Padilla family received an award from the Yahoo! Celebrity Awards last Friday, July 18.


Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsama-sama ang magkakapatid na sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari para tanggapin ang isang award kamakailan.

Tinanggap ng tatlo ang Celebrity Family of the Year award sa Yahoo! Celebrity Awards 2014 noong July 18, Biyernes, sa MOA Arena.

Kasama rin nilang umakyat sa stage ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez at ang anak ni Rommel na si RJ Padilla.

Maging si Robin, aminado na hindi nila akalaing magsasama-sama sila sa nasabing okasyon.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng pamilya Padilla—partikular na sina Robin at BB—dahil very vocal noon si Robin sa pagsasabing hindi niya tanggap ang “transformation” ni BB.

Mula sa pagiging Rustom Padilla ay naging BB Gandanghari ang kapatid.

Nang magkasakit si BB isang taon na ang nakalilipas, bumisita si Robin at naging hudyat na rin ito ng pagkakaayos ng magkapatid.

Read: Robin Padilla finally accepts BB Gandanghari

Sa awards night, tinanong ng entertainment press ang magkakapatid na Padilla kung kumportable na sila sa isa’t isa matapos ang kanilang tampuhan.

Sagot ni Robin, “Hindi siguro mangyayaring comfortable kasi lagi siyang [BB] merong surprise.”

Natanong din sina Robin at Rommel kung susuportahan ba nila si BB kung magtuluy-tuloy na ang pagbabago nito, na ang ibig sabihin ay kung sakaling sumailalim sa sex reassignment surgery ang kapatid.

Pahayag ni Robin, “Mahirap sagutin ‘yan.

"Sa ngayon, dahan-dahan lang, kasi para din naman siyang bagong panganak na…

"Katulad ng sinabi namin, nasa puberty pa lang siya.

"Huwag masyado kaming biglain. Dahan-dahan lang.”

Pagsang-ayon ni Rommel, “[Gaya ng] nasabi ni Robin, ganun talaga… kumbaga sa sanggol, kailangan palakihin, arugain.”

KYLIE PADILLA. Hiningan din ng reaksiyon si Robin sa balitang may bagong nanliligaw sa anak niyang si Kylie Padilla, at lumulutang ang pangalan ng Kapuso young actor na si Enzo Pineda.

“Ramadan ngayon, huwag muna nating pag-usapan ‘yan,” pag-iwas ng aktor bilang pagtukoy sa isang buwang fasting para sa mga Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng aktor, “Ramadan ngayon. Siguro para din kay Kylie at sa gustong manligaw sa kanya, respeto muna sa Muslim.”

Sinundot pa ng tanong si Robin kung ano ang hinahanap niya sa magiging boyfriend ni Kylie.

“Mag-Muslim siya. ’Pag Muslim siya, wala nang kuwestiyon ‘yon.”

Kamakailan lamang ay nagtapos ang relasyon ni Kylie at ng ex-boyfriend nitong si Aljur Abrenica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN