Jillian Ward on intrigues pitting her against Ryzza Mae Dizon: "Hindi ko po yun pinapansin, kasi friends po kami."

Child actress Jillian Ward has invested her earnings in building a new home for her family while continuing her studies at the British International School.


Si Jillian Ward ang isa sa itinuturing na top child stars ng Kapuso network, ngunit tila naungusan na siya ngayon ni Ryzza Mae Dizon.

Nararamdaman ba niyang mas sikat na sa kanya ngayon si Ryzza?

Sagot ni Jillian, “Hindi ko po alam, pero po minsan po kasi may mga nang-iintriga po.

"Pero po hindi ko na rin po yun pinapansin, kasi friends naman din po kami.

“’Tsaka po hindi naman po kailangan, e.

"Hindi naman po kailangang i-compete, kasi po magkaiba po kami.

"Siya parang hosting at sa comedy, ’tapos ako naman po sa acting, sa drama naman po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa taping ng GMA primetime series na My BFF, noong Biyernes, July 18, sa Marcos Highway.

BONDING WITH MANILYN. Hindi raw sila masyadong nakakapag-bonding ng co-star niya sa My BFF na si Mona Louise Rey dahil magkaiba sila ng tent.

Dagdag ni Jillian, “At saka marami rin po kasing eksena po, kaya po minsan hindi na rin po kami nakakapaglaro.”

Si Manilyn Reynes daw ang madals niyang ka-bonding.

“Kasi po magkasama po kami ng tent, pero minsan po, meron po kaming usapan lagi.

"’Pag magdi-dinner na po, matutulog kami para po may energy po kami.

"Natutulog po muna kami ’tapos magdi-dinner po kami.

"Iyon po yung usapan namin ni Tita Manilyn, matutulog po kami ’pag dinner.

“Nagkasama na rin po kami sa Daldalita kaya po parang second mommy ko na rin po siya.”



TEARJERKER. Marami ang humahanga sa dramatic scenes ni Jillian sa My BFF. Saan siya kumukuha ng emosyon sa pag-arte?

Sagot niya, “Hindi ko nga po alam, parang iba-iba po, e.

“’Tulad po ng kunyari sa eksena po, kunyari po si Tita Manilyn, ’di ba po, siya yung mama ko dito? Puwede ko rin pong gawing si Mama [her real mom, Jennifer].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero minsan po, hindi ko po alam kung ano yung iniisip ko kaya po ako nakakaiyak, parang iba-iba po kasi.”

Sa My BFF ay multo ang papel ni Jillian bilang si Chelsea. At minsan daw, kapag nasa pampublikong lugar siya, ay may mga fans na tinatawag siya na obvioulsy ay napapanood siya bilang multo.

“Meron po minsan nagdyu-joke po sa akin, ‘Hala, bakit hindi ako lumulusot sa iyo, akala ko ba multo ka?’

“Meron din po na, ‘May third eye pala ako, nakikita kita!’” natatawang kuwento ni Jillian.

May espesyal na akting ba siyang ginagawa bilang multo?

“Wala naman pong ibang akting po dun, kung ano po yung sinasabi, parang ganun lang po.

"Nakikinig lang po ako sa direktor, ’tapos sa mga eksena pong kunwari bigla po akong mawawala, parang magka-cut lang po sila, ’tapos po papaalisin po ako, ’tapos magte-take po ulit.

“Ine-edit na lang po nila. May CGI [computer-generated imagery] po yata yun.”

DIFFERENT. Mas gusto ba ni Jillian na siya ang binigyan ng papel bilang multo kaysa papel ng isang normal na bata ’tulad ni Mona Louise?

Sagot niya, “Hindi ko po alam, kasi po yung ghost rin po, parang iba rin po sa akin.

"Parang gusto ko rin po, kasi po lahat ng role ko po, parang kakaiba.

“Nakakausap ko yung mga hayop [sa Daldalita].

"’Tapos po sa Captain Barbell, naging si Super Tiny po ako.

"Naging manika na po ako [sa Jillian: Namamasko Po], ’tapos negra po ako sa Luna Blanca!” at natawa si Jillian.

Marami pa raw dream roles si Jillian.

“’Tulad po ng... gusto ko pong gumanap na batang kawawa po, na pulubi, yung ganun po.

"At marami pa po akong ibang mga dream roles."

TRUDIS LIIT. Dahil bata pa lang siya ay mahusay na siyang artista, pangarap ba ni Jillian na paglaki niya ay magwagi siya bilang Best Actress?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo,” tugon niya, at sinabing idol niyang artista si Batangas Governor Vilma Santos.

Katulad ni Governor Vilma ay gumanap din si Jillian bilang Trudis Liit.

Nakilala na niya ba nang personal si Governor Vi?

“Opo, dati po noon, sa Batangas po. Pero mga five years old lang po ako noon, so mga four years ago po siguro.”


Bukod sa mahusay na child actress ay mahusay ring kumanta si Jillian. Nais din ba niyang maging isang theater actress balang-araw?

Sagot ng kapuso child actress, “Puwede rin po. ’Tsaka po gusto ko rin pong maging singer po.”

Nang pumasok si Jillian sa showbiz, ang maging isang aktres talaga ang gusto niya.

“Pero po kasi, sabi po ng mama ko, nung mga four years old po ako, kumakanta na rin daw po ako.

"Nung four or five ako, lagi ko na daw pong kinakanta yung ’Man In The Mirro’ po,” kuwento ng nine-year-old Kapuso talent.

Kahit busy sa taping ng My BFF at iba pang showbiz commitments, patuloy ang pag-aaral ni Jillian sa British International School.

TYPHOON GLENDA. “Nasa bahay lang po. Minsan po gising, minsan po tulog,” ang sagot ni Jillian nang tanungin kung nasaan siya habang rumaragasa ang bagyong Glenda.

Natakot ba siya habang naririnig ang napakalakas na ugong ng hanging dala ng bagyo?

“Hindi naman po,” sagot niya.

Bago ang bahay nina Jillian sa Tandang Sora, Quezon City, and luckily ay wala namang napinsala sa anumang bahagi nito.

Bukod sa bagong bahay ay nakapagpundar na si Jillian ng dalawang sasakayan—isang Montero at isang Mark 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN