Juan Direction member Daniel Marsh allegedly mauls taxi driver

“One guard said, this young man is so abusive that he kicks on the elevator, or punches the wall, whenever he is drunk, but ‘mabait’ naman daw pag di nakainom,” says an eyewitness about an incident involving Juan Direction member Daniel Marsh (in photo) and a taxi driver.


Nambugbog diumano ang Juan Direction member na si Daniel Marsh ng isang taxi driver kaninang madaling-araw, July 23.

Sa ulat ni Ellen Tordesillas ng Vera Files, na nailathala sa Philstar.com ngayong araw, ikinuwento ng World Taxi driver na si Edward Villanueva ang umano’y pambubugbog sa kanya ng One of the Boys actor nang singilin niya ito matapos maihatid sa isang condominium sa Mandaluyong.

Ayon sa kuwento ng taxi driver, bandang alas-singko ng umaga nang parahin siya ni Daniel sa labas ng Prive Luxury Club sa The Fort, Taguig City, upang magpahatid sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong.

Habang nasa biyahe, ayon kay Villanueva, nagrereklamo raw si Daniel tungkol sa kanyang nawalang wallet sa club.

Nang makarating sa Tivoli condominium, lumabas daw ang Fil-Irish TV personality at sinabi sa driver, “I’m free.”

Nang subukang singilin ni Villanueva ang TV5 talent, inulit daw nito: “I’m free. I’m not joking.”

Lumabas si Villanueva ng sasakyan upang muling singilin si Daniel, pero sinaktan daw siya nito sa pamamagitan ng pag-headbutt.

Bago umalis, inihagis daw ni Daniel ang P100 kay Villanueva.



“NICE WHEN SOBER.” Samantala, isang witness, na tumangging magpakilala, ang nakausap ng Vera Files.

Sinabi niyang nakita ang isang foreigner na lalaki na bumaba sa Heliconia Tower ng Tivoli Gardens Residences.

Ayon sa kuwento ng witness, “I heard loud bangings and saw a foreign-looking young man, cursing, kicking, banging the taxi he alighted from.

“When the driver stepped out of the car, he punched him, cursed, shouting invectives, ‘You’re trying to rip me off. Who are you? You’re nothing, you don’t know me, don’t f**k with me!’”

Dagdag pa niya, “[The] poor driver was beaten and his taxi’s window was broken. I told the security guards to call the police.

“The foreign-looking guy happens to be a resident of Heliconia 806, and a member of Juan Direction, according to the guard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He went up to his unit, with the poor driver left below.

“After 10 minutes or more, the barangay police arrived, but the Tivoli guards cannot make its tenant go down and face the authorities.”

Umabot daw ang naturang insidente ng halos 10 hanggang 15 minuto.

Nabanggit din ng witness ang isang paglalarawan umano ng guard tungkol kay Daniel.

Aniya, “Tivoli guards cannot control its tenant. In fact, one guard said, this young man is so abusive that he kicks on the elevator, or punches the wall, whenever he is drunk, but ‘mabait’ naman daw ’pag ’di nakainom.”

Agad na ini-report ng taxi driver ang insidente sa Barangay Hulo, Mandaluyong.

Sinabihan din siya ng staff ng barangay clinic na magpa-X-ray para sa kanyang ilong.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na humingi ng statement mula kay Daniel sa pamamagitan ng Corporate Communications department ng home network niyang TV5.

Ngunit hindi pa raw nila makontak ang nasabing miyembro ng Juan Direction.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN