Coco Martin excited about working with Kris Aquino in a horror movie

In the upcoming Metro Manila Film Festival entry Feng Shui 2, Coco Martin will be working with Kris Aquino and director Chito Roño. This is also the first time that Coco will be doing a horror movie.


“Excited.”

Ito raw ang nararamdaman ni Coco Martin sa pagtatambal nila ni Kris Aquino sa pelikula sa kauna-unahang pagkakataon.

Magkasama sina Coco at Kris sa Feng Shui 2, isa sa magiging kalahok sa Metro Manila Film Festival sa darating na Disyembre.

Pahayag ni Coco sa entertainment press na nag-interview sa kanya sa Yahoo! Celebrity Awards 2014 noong July 18, “Nakaka-excite siyempre, first time kong magho-horror.

“Actually, natutuwa kami nung sinabi ng Metro Manila Development Authority na isa kami sa mga pinakamagandang script.

"Nung binasa namin, sobra siyang nakakatakot.

“Siguro magandang combination si Kris at ako.

"Alam namin na mapapaganda namin ito, siyempre with Direk Chito [Roño].”

Unang nagkatrabaho sina Coco at Kris sa teleseryerng Kung Tayo’y Magkakalayo noong 2010 sa ABS-CBN.

Pagpapatuloy ng aktor, “Unang-una, kinakabahan ako kasi makakatrabaho ko si Direk Chito.

"Pangalawa, sa unang pagkakataon, makakatambal ko sa pelikula si Ms. Kris Aquino kaya siyempre, may pressure din ako.

“Alam ko namang ’pag horror, si Miss Kris Aquino ‘yan.”

Ang tinutukoy niya ay ang blockbuster horror movies na ginawa ni Kris kagaya ng Feng Shui (2004), Sukob (2006), at Segunda Mano (2011).

IKAW LAMANG. Samantala, sinabi rin ni Coco na magtatagal pa ang Ikaw Lamang, ang primetime teleserye na pinagbibidahan niya kasama sina Kim Chiu, Julia Montes, at Jake Cuenca.

Kinumusta rin ang working relationship nila pagdating sa set.

“Masaya, siyempre para kaming pamilya sa set.

"Nagtutulungan kami para lalo naming mapaganda yung istorya. Nagko-contribute ang mga actors,” ani Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN