Governor Vilma Santos still in shock over longtime aide’s death: "Kaya siguro ang hirap tanggapin. It was too sudden."

Batangas Governor Vilma Santos-Recto is deeply affected as she was in London when her longtime aide Aida Fandialan passed away last July 20. As seen in the above-photo, Governor Vi’s sons Luis Manzano and Ryan Recto try to console her during the Necrological Mass held last night, July 23. Sitting on Luis’s left side is his girlfriend Angel Locsin.


Naging emosyunal si Batangas Governor Vilma Santos sa huling gabi ng lamay para sa namayapa niyang personal assistant/secretary/confidante na si Aida Fandialan, 71.

Ginanap ang Necrological Mass para kay Aida sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque, kagabi, July 23.

VIEW Governor Vilma Santos, Luis Manzano, Angel Locsin at Aida Fandialan’s wake

Tila pinipilit ni Governor Vi na manatiling kalmado sa tabi ng mga anak niyang sina Luis Manzano at Ryan Recto.

Ang mister niyang si Senator Ralph Recto, na bahagyang nahuli ng pagdating, ay nakapuwesto sa likuran ni Governor Vi.

Ngunit nang magsalita ang actress-politician para sa eulogy ay hindi na niya napigilang maging emosyunal at ilang beses pang napahagulgol.

Dinamdam nang husto ni Governor Vi ang biglaang pagpanaw ni Aida sanhi ng stroke, noong July 20.

EMOTIONAL VILMA. Hindi lang basta empleyada kundi kapamilya na ang turing ni Governor Vi kay Aida, lalo pa’t 21 years old pa lang ang Star For All Seasons nang magkakilala sila.

"Alam niyo naman po kung gaano kaimportante para sa akin si Ate Aida.

"Wala ka pa Luis, wala ka pa Daddy [Ralph], wala ka pa Ryan, nasa akin na si Ate Aida," bungad niya.

Nasa London si Vilma noong July 19, ang araw na na-stroke si Aida; kinabukasan, July 20, ito pumanaw.

Hindi raw akalain ng gobernadora na pagbalik niya ng Pilipinas ay hindi na niya makakasamang muli ang yumao niyang personal assistant.

"Lagi ko siya kasama sa trips [abroad]. Pero ito, hindi ko siya kasama because she stayed with Ryan.

"But then, [it was only for] ten days.

"Kaya siguro ako nahihirapan tanggapin. It was too sudden.

"And I was expecting, pagbalik, I’d still see her sa ICU.

"But [si] Ate Helen [Renta] nag-text na she [Aida] passed away.

"Kaya hanggang ngayon, hindi ko siya kayang tingnan.

"I just hope she understands," saad ni Governor Vi, na panay pa rin ang iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BELOVED CHAMPION. Sa kabilang banda, may isang pagkakataong natawa si Governor Vi nang alalahanin niya ang tungkol sa pagiging "masungit" ng yumaong personal assistant.

Bagamat nangunguna si Aida bilang tagapagtanggol ni Governor Vi, kung minsan ay mayroon din umano silang ’di pagkakaunawaan.

"Huwag niyo ako titirahin dahil titirahin din niya kayo. Ganun talaga siya magmahal.

"Although it’s true, masungit [siya minsan]. Matandang dalaga ho kasi. Nag-aaway kami.

"Pero lagi ’yang ipinapakita yung love at loyalty niya sa akin," balik-tanaw niya.

Sa huli, muling naging emosyunal si Governor Vi at sinabing hindi niya alam kung paano pasasalamatan si Aida para sa lahat ng kabutihang ginawa nito sa loob ng 39 taong magkasama sila.

"Ate Aids, thank you. I’ll miss you. I love you. Happy trip," sabi niya.

Kasama rin nagbahagi ng kanilang magandang alaala tungkol kay Aida sina Senator Recto, Luis, at Ryan.

Nagsalita rin para sa eulogy ang dating aktres na si Liezl Martinez, na unang pinagsilbihan ni Aida bago nagtrabaho para kay Vilma.

Ilan pang taga-showbiz na namataan sa Necrological Mass para kay Aida ay ang kasintahan ni Luis na si Angel Locsin, Arlene Muhlach, at Gladys Reyes.

Naulila ni Aida ang dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Helen Renta at Linda Baltazar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN